// 6

175 6 1

// 6

Ilang linggo na ang lumipas pagtapos kong makausap ang taong nagpunas ng luha ko at sa wakas, sa dami ng beses na pinunasan niya ‘yung luha ko, nalaman ko na rin kung anong pangalan niya – Drew Hernandez.

Akala ko pagka-graduate ko, makakalayo na ako sakanya. Akala ko wala na ‘yung nagbanta sa’kin na liligawan niya ako sa susunod na beses na umiyak pa ulit ako. Pero ito siya ngayon, madalas ko nang makasama, nakakasabay mag-lunch, at kung ano ano pa. Basta lagi siyang nand’yan. Nung una, naiilang ako, pero kalaunan nasanay na rin ako sa presensya niya. Para bang isa na siya sa mga bumubuo ng araw ko.

“Hi, iyakin,” sabi niya sa’kin habang nakaupo ako sa damuhan ng school at umupo rin siya sa harap ko, “Kumain ka na?”

“Hindi nga sabi ako iyakin. Ang kulit mo.”

“Weh? Gusto mo ipaalala ko pa sa’yo?” sabi niya nang may halong pang-aasar.

Tinarayan ko lang siya at bumalik na sa librong binabasa ko. Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa. Ewan ko kung kailan pa niya ako sinimulang tawagin na iyakin, bigla nalang ‘yun ang tawag niya sa’kin at awtomatiko nalang din akong mapapatingin sakanya. Para bang nasanay nalang din ako.

“Mamaya ka na magbasa. Kumain ka muna.”

Binuksan niya ‘yung bag niya at may nilabas siyang plastic na puti at mula do’n, naglabas siya ng dalawang sandwich at dalawang juice para sa’ming dalawa. Napangiti ako nang maalala ko noon sa dati kong eskwelahan na binigyan din ako ng ganito ni Chris dahil alam niyang late ako nung araw na ‘yon at hindi na ako nakakain sa’min.

“T-thank you.” tangi kong sabi.

Nilapag ko muna ang libro ko sa gilid ko at nagsimulang buksan ang sandwich at kumain. Walang magawa sa buhay si Drew kaya kinuha niya ‘yung librong kanina lang ay binabasa ko. Tinignan niya ang cover ng libro, may drawing do’n ng isang Cherry Blossom Tree at may silhouette ng babaeng nakaupo sa ilalim nito.

“The Cherry Blossom Tree,” basa niya sa title ng libro, “Maganda ba ‘to? Mukha kasing mas inuuna mo pa ‘to kesa sa pagkain mo ng lunch. Anong kwento?”

“It’s about a girl who wished to be married to her bestfriend, under a Cherry Blossom Tree. Ang problema, hanggang bestfriend lang ang tingin sakanya. At the same time, there’s this other guy who’s willing to do everything for the girl to make her forget her bestfriend and the pain she’s feeling,” pag-kwento ko habang kumakain, “Maganda siya.”

“Anong ending?”

Ngumiti ako sakanya at marahang nilapit ang bibig ko sa tenga niya bago sumagot, “Secret.”

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!