Ang dami pa naming gagawin. As in ngayon lang kasi namin toh sinimulan at ang submission nito? Sa kamakalawa na. 

In short, we're cramming. Cramming pero itong mga kagroup ko, except kay Camille ah, nagagawa pa nilang magkwentuhan habang nagawa. 

Una napapagkwentuhan nila yung bagyo. May bagyo kaya maulan ngayon eh. But then yung topic nila, napunta sakin! 

Ininterview nila ko about my past! Paano raw kami nagkadevelopan ni Adrian? Paanong may nangyari samin? Kanino pinaka-nagmana ang baby namin? Paano kami nagkakilala ni CJ? Kamusta maging boyfriend si Adrian at si CJ? 

>___< 

"T-Tama na. Tapusin na natin toh, anong time na oh." sabi ko sakanila. 

Baka kung ano pa itanong nila eh. =___= 

Nagpatuloy na ko dito sa ginagawa ko. Si Camille naman, tahimik pa rin habang yung apat pa naming kasama, patuloy sa kwentuhan. 

"Teka. Nakita nyo na ba personally si CJ?" - Jennifer 

"Oo naman!" sabay-sabay na sagot nina Jane, Lyka at Melody. 

"Daya. Bakit ako hindi pa?!" >___< 

"Malas mo eh. Dati kaya madalas naming makita yun na hinahatid at sinusundo si Rachellyn sa school." - Melody 

"Edi kayo na maswerte! Ehh teka. Kamusta naman si CJ? Mas okay ba sya kay Adrian?" 

"Hmm.. Para sakin.. Mas malakas dating ni Adrian eh.." - Jane 

"Yung CJ kasi, mysterious ang dating." - Lyka 

"Tsaka mukha syang matino! Si Adrian naman, mukhang maloko." - Melody 

"Maloko pero gwapo!" - Jane 

"TA-MAA~! Haha" pagsang-ayon ni Jennifer sabay apir kay Jane. "Ehh kung pwede nyo jowain ang isa sakanila, sino pipiliin nyo?" 

"Hmm.." natahimik sila saglit. 

"Kay Adrian ako." - Lyka 

"Sus. Kay CJ na lang ako. Mukhang responsible at stick-to-one, di tulad ni Adrian." - Melody 

"Hmmmm.. Pwede bang dalawa na lang sila para sakin? HAHAHA" - Jane 

"ANG KAPAL MO!" binugbug na naman nung tatlo si Jane. 

T3T 

Di ako kasali sa usapan nila pero yung feeling na sa harapan ko mismo nila pinag-uusapan ang dalawang lalaki sa buhay ko? Nakaka-ilang lang ah.. 

Matapos nila awayin si Jane, napatingin silang apat sakin. 

"Swerte mo noh Rachellyn? Naexperience mong maging BF si Adrian tapos ngayon, may CJ ka." - Jane 

"Eh Rachellyn, sino bang mas masarap magmahal? Si Adrian o si CJ?" ^3^ - Jennifer 

O___O 

Ganitong tanong ang iniiwasan ko eh.. 

Ayoko ng papipiliin nila ko kina Adrian o CJ.. >___< 

"De! Wag yan! Hihi.. Rachellyn.. Curious lang ako ah.." halos bumulong na lang 'tong si Jane. "Magaling bang umano si Adrian?" 

"UMANO?" ulit naming apat nina Jennifer. 

"OO! Alam mo na! Umano.. Kaya nagkababy kayo.. Hehe--" 

"Gage!" hinampas ni Jennifer sa braso si Jane. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!