sya^ si @TwinkleKisses! sakanya na toh dahil sa nakakawindang na comment/question nya kay Chelle sa x44.. XDD thanks po porr reading PB.. ;)) 

- - - - 

x47: Saviour 


[RACHELLYN's PoV] 

Nandito ko ngayon sa Jollibee, umiinom ng coffee float habang nakatulala dun sa labas. 

Gabi na at maulan. Masarap sanang matulog ngayon. Kaya nga lang, may group project pa kami na kailangang gawin ng mga classmates ko. 

Haay. Ininom ko na itong float at pinanood ang mga crew na nagtatrabaho dito sa loob. 

Nakakamiss naman magwork.. Tinigil ko na kasi magtrabaho eh after magkasakit ni Andy.. 

"RACHELLYN! TARA NA!" nilapitan ako ng classmate kong si Jane. 

Nagpapart-time sya dito at sya ang hinihintay ko. Sabay kasi kaming pupunta sa bahay ng classmate namin kung saan kami magoovernight para pagpuyatan yung group project namin. 

"Tara.." sinimot ko na yung float ko at umalis na kami. 

Sayang. Dun sana kami sa bahay ko magoovernight eh. Kaso nasira yung fusebox namin kaya ayun, wala kaming kuryente dun ngayon. Si baby ko rin tuloy, nandun sa lolo nya. 

Nagjeep kami ni Jane at naglakad pa ng medyo malayo sa loob ng isang open subdivision. 

Huminto kami sa isang maliit at simpleng bahay. Doon sinalubong kami ng classmate naming si Jennifer na may-ari nitong bahay tapos pumasok na kami. 

"Ang tagal nyo! 8:30 na ah!" reklamo ni Camille na nakaupo na sa may tabi ng center table. Kasama nya ang dalawa pa naming groupmates, sina Lyka at Melody. 

"Sorry naman!" sagot ni Jane pagkaupo namin. "Naligaw kasi kami ni ADRIAN eh!" 

"EHHH~?!" sabay-sabay na react nilang apat. 

Ako naman ay napatingin kay Jane. Ano bang pinagsasabi nya? O___o 

"N-Naligaw kayo ni ADRIAN? Ibig sabihin hinatid nya kayo dito?!" - Camille 

Eh oo nga pala. Kaya ganito maka-react si Camille kasi may gusto sya kay Adrian. Malas nya lang di sya napapansin ni Adrian kahit anong pagpapaganda, pagpapasexy at pagpapansin ang gawin nya. HAHA. 

Ay.. Bakit ba ko natutuwa.. =___= 

"Ayieee naman.." hala. Kiligin ba raw yung iba naming groupmates? 

"Sa tingin ko, mahal ka na ulit nun, Rachellyn!" sabi naman ni Jennifer na tumabi kay Jane. 

Tss. Mahal daw.. 

"Di yun totoo.." sagot ko at binuksan na ang laptop ko dito sa center table. "Hindi kami hinatid ni Adrian dito noh.." 

"HINDI BA?!" sabay-sabay na naman nilang sabi. Lahat sila napatingin kay Jane. 

"Hehehe.. Hindi nga.. Si CJ kasi yung naghatid samin!" - Jane 

"SI CJ?! EDI NAKILALA MO NA YUNG BOYFRIEND NI RACHELLYN?!" - Jennifer 

"OO! HEHEHE.." 

"Di rin yun totoo. Nagcommute lang kami papunta dito." pagsingit ko sa usapan nila. 

"IKAW TALAGA JANE! TALKSHIT KA!" ayun binugbog na si Jane ng mga kagrupo namin. Haha. 

Tapos nilabas na nila ang sarili nilang mga laptop at sinimulang gawin ang project namin na 4-page newspaper. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!