Katrina

Pagtabi sa kanya ni Jaime sa kama ay agad na lumapit siya rito at hinawakan niya sa dibdib ang asawa. "Wala ba talagang masakit? Do you want me to get an ice pack?" Nag-aalala siya sa ginawang pagsipa rito ni Ethan.

"Hindi na kailangan, kiss mo lang okay na ko." Jaime said before he claimed her lips.

She immediately responded and kissed her tenderly. Sa sobrang pagmamahal niya rito ay parang naramdaman din niya ang sakit ng ginawang pagsipa ni Ethan. When her sister's husband crossed her mind, she pushed Jaime and ended their kiss.

"Wait." Hinto niya sa paglalim ng kanilang halik. "Jaime, I'm scared. Baka kung anong gawin ni Ethan kay Karina."

Jaime chuckled. "Naku huwag mong intindihin ang kapatid mong yun, mahahaba ang kuko at pangil nun kayang kaya nung ipagtanggol ang sarili niya."

"Jaime," saway niya. "Nagawa mo pang magbiro!"

"Sorry, pinapatawa lang kita." Sumandal si Jaime sa kama at saka siya nito hinapit palapit sa dibdib nito. "I don't think he will do something stupid. I called the receptionist to confirm if they stayed. They did."

"Talaga?" Tiningala niya ang asawa. "Mabuti naman. Sana tinanong mo na rin kung anong room number. Puntahan kaya natin."

"Huwag na." Niyakap siya muli ni Jaime at idinikit nito ang mukha ulo niya sa dibdib nito. "Andyan lang sila sa kabilang kwarto. They also occupied a honeymoon suite. Kaya malamang ibang away ang gagawin ng dalawang yun. Hindi tayo pwedeng makigulo."

"Jaime!" Lumayo siya at paupong humarap rito. "Mas lalong nakakatakot. Baka kung anong gawin niya kay Karina. Baka reypin niya si Karina."

Bumangon na rin si Jaime at hinalikan siya sa noo. "My naïve wife. Sa tingin mo sa laki ng pagmamahal ng kapatid mo sa asawa niya, manlalaban pa ba iyon? Pagkakataon na nga niya iyon para akitin at paibigin ang asawa niya. Now na alam na nito na siya si Karina."

She closed her eyes and massaged her forehead. Biglang sumakit uli ang ulo niya. Magulo pa rin sa kanya ang lahat. Mga paputol-putol na imporamasyon pa lang ang alam niya. Nagkita ang mga ito last year sa Davao. Kailan kinasal ang mga ito? Mas nauna malamang sa kanila ni Jaime. Pero bakit ang bilis? Ganoon ba kadaling nahulog uli ang loob ni Karina kay Ethan.

She remembered how heart broken her sister was when Ethan learned about the truth. For more than a week, Karina cried quietly at night so she wouldn't hear it. Nagkunwari siyang hindi niya iyon naririnig dahil ayaw niyang pati ang pride nito ay masaktan.

"Sana tinuruan mo si Karina kung papano mag-seduce." Jaime said.

Pagmulat niya ng mata ay inirapan niya agad ang asawa. Her guess was he was thinking about the night when she seduced and teased him.

"Oh, huwag ka ng magalit." Jaime gave her one quick kiss. "I am just trying to divert your attention. This should be the happiest day in our lives. Kalimutan mo na muna sila Karina at ---."

"Ethan." Dugtong niya sa gusto nitong sabihin.

"Yes I know, I will never forget that name." Jaime sneered. "Naisip ko lang bigla. Ethan, Nathan. Magkatunog pa talaga ang mga pangalan ng mga nagkakagusto sa iyo ha."

"Jaime, naisip mo pa talaga iyon ha." Finally she smiled. "Sa tingin ko wala naman talagang gusto sa akin si Ethan. We barely knew each other and most of the time he thought he's with me, she's with Karina."

"Maganda nga kung ganoon. Ibig sabihin may pag-asa pang mahalin si Karina ng asawa niya."

"No, I want Karina to get away from that guy. Narinig mo naman ang mga masasakit na salitang binitawan nito sa harap pa natin mismo. Kailangan na hiwalayan na agad ni Karina si Ethan."

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!