KIDLAT : 21

308 34 2

K:21

---

"Trina," napahinto silang dalawa nang may tumawag sa pangalan niya walang iba kundi si Kidlat.
"Hinanap ko kayo." aniya nito. Lihim akong tumingin sa likuran niya. Nakahinga ako nang maluwag nang masiguradong hindi nito kasama ang dalawang pinagtaguan niya.
"U-hm, nagugutom kasi ako gusto ko sanang kumain." pagsisinungaling niya dito.
"Where is Johan?" nagmadali siyang lumingon nang marinig ang tanong nito. Bigla siyang nilusob ng takot sa dibdib niya nang mapansin wala sa tabi niya ang kapatid na kanina lang hawak-hawak niya.
"K-Kidlat si J-ohan?" balik tanong niya dito may takot sa mga mata. Nagtatanong ang mga matang sinalubong siya ni Kidlat sa tanong niya dito.
"Ikaw ang kasama ni Johan! iniwan ko kayo.. Trina, wait! paanong wala siya sa tabi mo?" nanginginig ang mga tuhod niyang tinalikuran ito. Hindi na pinansin ang iba pang sasabihin nito sa kabang sumakop sa puso niya sa takot na nararamdaman niyang posibleng nawawala si Johan.
"T-trina!" hinawakan siya nito sa balikat. Hindi siya nagmadaling lumingon dito, pinagpatuloy niya ang paglalakad ng mabilis habang ang mga mata inikot niya sa paligid nagbabasakaling hindi pa gaanong nakakalayo ang kapatid niya.
"Trina, calm down! hindi makakalabas mag-isa dito si Johan." pagpapalakas loob nito kasabay ang pagdaup nito ng mga palad nilang dalawa. Tama si Kidlat nasa loob na sila ng departure area kaya nasisiguro niyang hindi basta-basta makakalabas ang kapatid nang mag-isa. At, matalino si Johan alam niyang pupunta ang kapatid niya sa information area pag naramdaman nitong nawawala ito.
"T-Trina!" hinila siya ng binata patabi sa dami ng taong nakakasalubong nila. Naramdaman niya ang panlalabo ng paningin niya sa luhang nais kumuwala.
"Hahanapin natin siya, makikita natin siya." anito, napayuko siya. Hinila niya ang kamay niyang hawak-hawak nito.
"Natatakot ako!" tanging lumabas sa bibig niya. Damdamin niyang totoong nararamdaman natatakot siya sa posibleng magkrus ang landas ni Johan at ang nanay nila kasama si Nika.
"Let's go! pupunta tayo sa information area, we have to report this!" anito, walang paalam siyang hinawakan ulit sa kamay niya nagmadaling maglakad.

"HEY!" malakas na singhal ni Nika sa batang lalakeng bumangga sa hila-hila niyang maleta.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" muli niyang singhal dito. Inikot niya ang paningin kasunod ang isang malalim na buntong-hininga nang makita ang mukha ng batang nangangatog sa takot.
"I-I'm looking for my ate!" anito nang tinalikuran niya ito.
"I don't care! kong sino man poncio pilato ang hinahanap mo!" aniya dito nang-aasar. But deep inside she want to help the poor kiddo na alam niyang sa ayos at takot sa mukha nito anyong nawawala.
"Please po! I'm looking for my ate!" muli siyang natigilan nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niyang nakahawak sa maletang binangga nito.
"Hey! hindi mo ba ako kilala ha?!" angil niya dito, umurong ito. Lumingon siya sa paligid, natatakot na baka may ilang press na makakakita sa kan'ya sa nagiging asal niya sa batang kaharap.
"Nika, what's happening here?" she feel relieved when her mama come. Walang emosyong tinuro niya ang bata dito.
"He's looking for her ate, mom!" sagot niya dito hindi nakatingin sa ina. Biglang nanuyo ang lalamunan ng ginang nang makilala ang batang kausap ng anak niya. Nilingon niya si Nika, tinalikuran sila nito. Patay malisyang inayos nito ang salamin maging ang scarf na nakabalot sa mukha nito.
"I'm looking for ate Trina, ma'am!" napalunok ito nang marinig ang boses ng batang walang iba kundi si Johan ang bunsong anak nito.
"Si T-Trina? nandito si Trina?!" wala sa sariling tanong nito.
"Kasama ko po siya kanina tapos po bigla ko siyang nabitiwan!" sumbong nang animo isang bata sa isang nanay. Napahawak sa sariling bibig ang ginang, nilingon sa may 'di kalayuan si Nika, may kausap sa cellphone nito.
"Alam mo ba kong nasaan siya?" tukoy nito kay Trina. luminga-linga sa paligid si Johan hinanap ng tingin si Trina nagbabasakaling makita ito.
"Hindi ko po alam, pero baka po hinahanap niya na ako. Na baka nag-aalala na sila ni kuya Kidlat!" anito, lumuhod siya sa paanan ng batang matagal niya nang ninais makita't makasama kasama si Trina.
"J-johan," wala sa sariling nasambit niya sa pangalan nito. Natigilan ito tiningnan siyang nagtatanong ang mga mata.
"Kilala niyo po ako?" inosenteng tanong nito. Naramdaman ng ginang ang luhang biglang kumuwala sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin muling tumayo, hindi sinagot ang tanong nito.
"Mommy, let's go! hinihintay na tayo ni papa!" narinig nitong tawag ni Nika. Lihim itong nagpunas ng luha gamit ang mga kamay niya, pinagmasdan ng maigi ang batang nasa harap nila bago lingunin ang ate nitong hindi nito nakilala.
"Ma, hayaan mo na ang batang 'yan! baka mamaya modus pa 'yan e!" narinig niyang sinabi ni Nika habang papalapit ito sa kanila.
"Nika, he needs help!" anito. Napaismid siya sa tinuran ng mama niya. Tinapunan niya muli ng tingin ang bata.
"Okey! sumama ka sa'min dadalhin ka namin sa information for your security!" inalok niya ang kamay niya dito. Napangiti si Chandra sa sinabi ni Nika, hindi niya akalaing mananaig pa rin ang lukso ng dugo para dito sa bunsong kapatid nito.

"Trina, I said calmdown! baka pupunta na si Johan dito." patuloy sa pagpapalakas ng loob ng binata sa kan'ya. Pero kahit anong gawin niyang pagkalma sa sarili hindi niya magawa ang isiping ilang oras nang nawawala si Johan mula sa paningin at tabi niya hindi niya natatanggap.
"Hindi ko naman siya pinabayaan e! Kidlat, hawak ko siya. Hawak ko lang siya kanina e!" aniya dito, muli siyang napaiyak sa harap nito.
"I'm sorry! kong sino hinintay ko kayo hindi sana kayo nawala sa tabi ko!" naramdaman niya ang pagpihit nito sa katawan niya dinala sa dibdib nito.
"Kasalanan ko! kasalanan ko!" aniya nang paulit-ulit.
"J-Johan!" kumuwala siya sa pagkakayakap nito sa kanya, lumingon sa tinitingnan ni Kidlat.
"Ate! ATE!" nakita niya sa may 'di kalayuan si Johan, patakbong nilapitan sila.
"J-johan!" napaupo siya para masalubong ng yakap ang kapatid 'di pansin ang mga taong nagdala dito muli sa piling niya.
"Bakit ka humiwalay kay ate? saan ka ba nagpunta? Tinakot mo naman si ate e!" sunod-sunod niyang tanong dito. Kumislap ang mga mata nang kapatid niya nang masiguradong magkasama na ulit sila.
"Tinulungan nila akong hanapin ka ate, si ate Nika at mommy niya!" natigilan siya kasunod ang pagtaas ng tingin sa tinuro ni Johan sa likuran nito. Doon niya lang napansin ang mga kasama ng kapatid ang nakaismid na si Nika at ang nanay nilang pilit itago ang mukha sa salamin at scarf na nakabalot dito.
"Ate, mababait sila dinala nila ako dito sa'yo!" dugtong pa ng kapatid niya. Dahan-dahan siyang tumayo sinalubong ng tingin ang mga ito.
"S-salamat!" isang katagang lumabas sa bibig niya. Hinawakan niya sa kamay si Johan.
"Small world! magkasama na naman pala kayo!" ganti ni Nika, walang paalam na tumalikod kasunod ang inang tinapunan ulit ng tingin si Johan.
"Let's go!" ani ni Kidlat nakangiti sa kanilang magkapatid. Muli siyang napaupo sa harap ng kapatid, niyakap itong muli nang mahigpit habang ang mga mata nakasunod sa dalawang babaeng may bahagi sa buhay nila. Na kahit anong pilit niyang magtago't umiwas. Tadhana pa rin sila'y pilit patatagpuin kahit na kapalaran naglayo sa piling nang isa't isa.
"S-salamat nanay!" piping bulong niya sa sarili para sa ina. Ang kauna unahang beses na tinawag niya itong nanay kahit ang nakakarinig sarili niya lang.

---

A/n : unedited isang upuan lang e. Hehe 6:15 natapos 8:36. Nagawa ko 😁

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!