// 5

162 7 0

// 5

Pagpasok ko sa bago ‘kong eskwelahan, napa-ngiti na lamang ako nang ilibot ko ang mga mata ko sa bagong paligid na meron ako. Nasa kolehiyo na ako at ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nung graduation ko nung high school. Panibagong eskwelahan, panibagong tao, panibagong mga kaibigan, panibagong buhay.

Tahimik akong naupo sa isang bench na katabi ng isang puno sa bago ‘kong nilipatan na  eskwelahan. Ilang buwan na rin ang nakalipas at wala na ‘kong narinig pang balita tungkol kay Chris at Princess, pero mabuti na sigurong gano’n. Maski do’n sa lalaking nagpunas ng luha ko, hindi ko na siya nakita pa pagtapos no’n.

Nagulo ang tahimik kong pagkakaupo sa bench nang narinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae na tinawag ang pangalan ko, mula sa likod ko. Parang nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko para makita kung sino ito. Bago pa ako makapagdasal na sana mali ang iniisip ko kung sino ito, huli na. Kumpirmado nang siya.

“P-princess?”

Kahit na medyo inasahan kong siya nga ang makikita ko dahil sa pamilyar na boses niya, nagulat pa rin akong makita siya. Wala pa rin siyang pinagbago, gano’n pa rin ang itsura, siguro mas lalo lang gumanda kumpara noon. Pero mas napuno ang utak ko ng mga tanong kung anong ginagawa niya rito.

“Janina! Ang ganda, ganda mo!” tuwang tuwa niyang sabi at niyakap ako ng sobrang higpit, “Dito ako nag-aaral, pareho kami ni Chris. Dito ka rin ba nag-aaral?”

“H-ha? O-oo.”

“Talaga? Small world talaga, ‘no? Magkakasama nanaman tayo!”

Agad na naupo si Princess sa tabi ko. Kwinentuhan niya ako nang kwinentuhan tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan na wala akong narinig mula sakanila. Wala talaga siyang pinagbago, hindi lang sa itsura niya. Masayahin pa rin siya at pala-kwento.

Daretso lang akong nakatingin sakanya habang patuloy siya sa pagkwento niya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nasa harap ko ulit siya ngayon, pagtapos ng halos tatlong buwan na hindi kami nagkita. Huli kaming nagkita nung graduation pa at ngayon ito siya sa harap ko, nagkekwento at nakakausap ko. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako.

“Bakit dito kayo nag-aaral? Hindi naman dito ang plano niyo, ‘di ba?”

Natigilan si Princess sa pagkekwento at saglit akong tinignan. Siguro nga ang bastos ko na para ‘yun agad ang itanong ko sakanya imbis na kamustahin siya, pero nagtataka lang talaga ako kung bakit dito dahil hindi naman ditto ang pinag-usapan nila ni Chris na papasukan nila. Tumingin siya sa malayo bago ibinalik sa’kin ang tingin niya at sumagot.

The Cherry Blossom TreeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!