Meet Anika

160K 2.4K 410
                                                  

Bored na si Anika. Kanina pa siya nakaupo sa waiting area, kasama ang iba pang naghihintay. Lahat ng katabi ni Anika, nakayuko, busy sa mga kanya-kanyang gadgets nila.

Anika turns to the person beside her. Nagseselfie ang katabi niya sabay post sa Instagram. Selfie while waiting, ang sabi ng caption.

Anika sighs. Gusto man ni Anika na ilabas ang phone niya para mag-games, hindi niya magawa. Habang lahat ng tao sa kuwartong iyun ay tahimik at abala sa pagpindot ng kani-kanilang tablet or phone, si Anika, mukhang tanga na nakatunganga.

Anika fishes for her phone in her pocket to check kung may text message siya.

“Uy, blackberry!” Sabi noong katabi niyang babae na nakatingin sa hawak ni Anika. “May nagba-blackberry pa pala?” The girl turns to her friend and they both snicker at Anika.

Hindi na lang papaninsin ni Anika ang dalawang babae sa tabi niya. Tatayo at lilipat ng puwesto, sabay magtetext. “Matagal ka pa ba?”

Hahanapin ang pangalan sa address book – Steffi. Anika presses send.

Kanina pa niya hinihintay si Steffi, ang kanyang younger sister. Kanina pa si Steffi sa loob ng studio. Nag-a-audition sa isang reality show sa network. Ilang audition na ba ang sinalihan ni Steffi? At ilang beses na niya itong sinamahan.

Sa kanilang magkakapatid, si Steffi ang pinakamaganda. Noong mga bata pa sila, laging napapasama si Steffi sa mga extra extra sa TV at commercial. Batang kumakain ng spaghetti sa background. Batang namamalimos sa simbahan. Batang umiiyak sa mall dahil nawawala. Batang kasama sa mga sindikato.  Kaya bata pa lang, umaasa na si Steffi na maging sikat na artista one day.

Cut to… Seventeen years old na si Steffi. Tumanda na siya at lahat, hindi pa rin nag level up ang role. Extra pa rin. At ngayon, sumasali na naman sa mga reality shows – baka sakaling madiscover at sumikat. Baka sakaling maging artista.

Tutunog ang phone ni Anika. Pero bago pa niya mabasa ang text message ni Steffi, magkukulay gray ang screen at may maliit na bilog na orasan na iikot sa gitna. Naghang na naman ang blackberry niya!

Alam na ni Anika ang gagawin niya – tatanggalin ang battery, ibabalik ulit. Saka bubuksan ang phone.

“Pramis, ate, kapag natanggap ako dito, at Malaki ang TF ko, ibibili kita ng bagong cellphone,” laging sinasabi sa kanya ni Steffi. Pero heto, habang ang lahat ng tao naka iphone, Samsung, at kung anu pang smart phone, naka blackberry curve pa rin si Anika. Hindi man lang iyung mamahaling blackberry. Iyung pinaka-lowtech na blackberry pa.

Muling mag-o-on ang phone niya at mababasa ang text ng kapatid. “Pang lima pa ako sa pila. Ate, pabili naman ng tubig saka food, please. Studio 10 kami.”

Kahit disappointed si Anika na matagal pa bago sila makauwi. At least, may magagawa siya ngayon. Maglalakad. Maghahanap ng mabibilhan ng tubig. At pupuntahan si Steffi.

***

“Thanks, ate, you’re the best.” Sabi ni Steffi kay Anika habang inaabot ni Anika ang bottled water saka dalawang biscuit.

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon