Wizard's Tale 2: Chapter 1

186K 4.1K 509
                                    


(Alyanna POV)


Medyo cliché ang simula ng araw na ito. Nagising ako mula sa ingay ng alarm clock. Parang kapipikit ko pa nga lang pero kailangan na namang dumilat! At kahit inaantok pa talaga ang diwa ko ay napilitan na rin akong bumangon.

Dumirecho ako sa kusina para maghanda na ng agahan at mga babaunin namin papuntang Otherworld. Plano nila na manatili na kami doon for good.

Kinakabahan man ako pero kailangan naming gawin 'yun. May posisyon kasi akong dapat gampanan at yun ay ang pagiging prinsesa ko. Oo, ako nga ang one and only Lux Princess na matagal na nilang hinahanap.

"Ang aga pa ah!"

"Ay anak ka ng tipaklong!" Dahil sa pagkagulat, nawala ng tuluyan ang antok ko. "Brylle naman! Bakit nanggugulat ka?"

"Bakit gising ka na?"

"Naghahanda ako ng pagkain natin."

Napatingin siya sa hinahanda kong pagkain, saka ito napairap. "Naalimpungatan ako dahil sa ingay mo." Aba! Ang aga-aga, sinungitan agad ako! Pero infairness sa kanya, kahit bagong gising ay pogi pa rin.

May ginawa siyang kung anong hocus pocus para lumapit sa kanya yung isang bangko at saka siya pumwesto malapit sa lamesa. Ipinatong niya ang ulo doon at mukhang may balak pang matulog uli.

"Bakit hindi ka na lang bumalik ng tulog doon sa kwarto mo?"

"At sinong may sabing doon ako sa kwarto ko natulog?"

"Saan ka ba natulog?"

"Sa labas ng kwarto mo, sa may veranda," sagot niya sabay hikab. "Magdamag kitang binantayan. Baka kasi may iba na namang magtangka sayo."

Naging mala-planggana sa laki ang mga mata ko at hindi ko napigilan na mapangiti. Seryoso ba siya? Magdamag niya akong binantayan?

"Eh 'di akyat ka na sa kwarto mo. Okay na ako rito."

"Makulit ka rin! Paakyatin mo ako eh binabantayan nga kita." Saka niya ako tinulak. "Wag ka na lang magulo at magluto ka dyan. Sarapan mo at nang matuwa naman ako sayo."

"Wow, Brylle! Thank you ah! Buena mano ako sa sumpong mo."

Inirapan ko siya at padabog nang bumalik sa ginagawa ko. Pero narinig kong pang-asar pang natawa si Brylle. Alam niya na sa kaloob-looban ko talaga ay kinikilig ako. Nagpuyat kasi siya para lang bantayan ako. Ang sweet lang.

Tamang-tama sa pagsikat ng araw ay natapos ko na ring ihanda ang agahan namin. Una kong pinuntahan si Vander para gisingin siya. "Vander! Gising na!" Pero tulog-mantika ang Garden Gnome kaya niyugyog ko 'yung hanging plant kung saan siya nakahiga. "Vander, Vander, Vander! Gumising ka na!"

"Yana, Yana, Yana, bakit mo ako ginagaya?"

"Hahaha! Bumangon ka na kasi, may almusal na sa baba."

Pagkasabi ko ng salitang 'almusal,' tuluyan nang nagising ang katawang lamang-lupa ni Vander. At alam ko nang balak na niyang mauna sa hapag-kainan pero, "Paki-gising mo muna si Lolo Lorcan. Pupuntahan ko naman sina Prince Rouel."

"Okay, okay, okay!"

Sunod ko nang pinuntahan ang kwartong kinaroroonan ng Lux Prince. Pero ilang hakbang bago ako makarating doon ay napatigil ako. Nandoon kasi ang Snow Vetter na si Clerion sa tapat ng pinto. Naramdaman niya ang pagdating ko kaya nakaluhod siyang bumati sa akin.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon