EA: 28

831 21 0
                                    

Encardians Academy
Chapter 28

Andrea's POV

Wait... ano nangyayari dito? At saan sila nanggaling at biglang sumulpot sila dine?

"Oww, so you're Andrea" turo ng isa sa kanila

"Oo ako nga" tugon ko naman, aba katapang ko naman yata at nagawa ko pa silang sagutin despite sa sitwasyon namin ngayon?

"At ikaw naman si Jaye Ashton Dela Fuente, ang Elemental Prince" Aba bat kay Ashton may title, tas ako wala? Sabagay bago pa naman kasi ako sa mundong ito eh.

"So, ano na! Kababagal ng mga to, it's showtimeeee!" Banggit ng isa pang kasama nila at bigla na lang sumugod

Nagawa ko naman ito iwasan at gayon din si Ashton

"Hmm, magaling ka ha? At expected to the prince, maiiwasan nya yon. Pano kaya sa ganito?" Nagpalabas sya ng itim na mahika at habang patagal na patagal ay mas lalo itong lumalaki at pinatama sa aming dalawa

Napatigil ako samantalang si Ashton ay ginamit nya ang Elemental Shield X2 para maprotektahan kami sa pagsabog

"Warm up palang yon, and btw I'm 10 at sya naman si 8" turo ng lalake sa kasama nya, ang weird kasi they used their codenames

"Are you the somewhat infamous 12 Stars In The Night?" Tanong ni Ashton

"Tama ka nga dyan Prince! We are one of the members of the 12 Stars In The Night" sabi ni 8 daw

"I can hear you Andrea!" ha? Ano daw? pinagsasasabi non?

"Are you pretending na hindi kita nadidinig?!" Eh? Di naman ako nagsasalita ah.

"I can read your mind, stupid" Ahh kaya—weyt ANO?!

"Stupid, I said I can read your mind" Weyt nu daw?

"UgH! Fine. Let's get this started! Shall we?" At bigla syang sumugod sa akin.

Napapikit ako at hinihintay ang atake nya sa akin ngunit wala akong naramdaman. Kaya't nung minulat ko ang aking mga mata, nagulat ako sa aking nakita

Sinalo ni Ashton yung atake nung 8 daw

"oHh, the prince and shining armor protected his princess huh" sabi ni 10 at bigla syang sumugod sa akin

Napapikit muli ako at naramdaman ko na may lumalabas sa kamay ko, pagtingin ko ay...

Apoy?

Pero ang alam ko ay water ang aking mahika?

Biglang gumalaw ang aking kamay at nagsabi ako ng spell

"FIRE BOLT!" At may lumabas na apoy sa aking mga kamay na nakashape ng lightning thunder bolt

Ngunit nasagi nya kaagad yon at

"BLOOD SHOT!" Kung may Love shot ng Exo syempre may Blood shot naman ang 12 stars in the Night! Papunta sa akin ang atake pero sa di malamang dahilan biglang gumalaw ulit ang dalawa kong kamay

"FIRE SHIELD!" At biglang may lumabas na apoy sa aking harapan na nagsisilbing proteksyon sa akin laban sa mga kalaban

EA'S POV

Habang nakikipaglaban si Andrea sa isa sa mga miyembro ng 12 Stars In The Night. Nagfocus naman si Ashton sa kalaban nya na si 8.

"Looks like your princess can fight huh?" Sabi ni 8

"Oh, she can fight better than you do" Ani ni Ashton

Encardians Academy (Finding The Long Lost Elemental Princess of Encardians)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon