Chapter 33: The Charm Stealer

876K 25.1K 4.9K

Chapter 33: The Charm Stealer

Pinagmasdan ni Lorenzo Lancaster ang babaeng dinala ng Headmaster at ilang taga bantay sa work room niya. Ito ang parte ng kastilyo ng Augury kung saan apat na taon na siyang nakakulong. Ito ang lugar kung saan ginugol niya ang lahat ng oras at panahon para matapos ang isang makina na pinapagana ng charm.

"Ikaw na ang bahala sa kanya. Gawin mo ang kailangan para maisagawa ang proseso."

Yun lamang ang narinig niyang instruction mula sa Headmaster. Umalis ito pero naiwan ang mga taga bantay sa kwarto. Muli siyang napatingin sa babae. Ito na nga siya. Ang babaeng may special charm.

Pagkalabas na pagkalas ng Headmaster pumasok sa kwarto ang may limang lalakeng naka cloak. Kilala niya ang mga ito. Sila ang sealing team. Tatlo sa kanila ay sumama sa Mirandi para kunin si Ariela Davis. Naging familiar siya sa kanila dahil na din sa ilang beses na pag usap nila tungkol sa prosesong mangyayari sa eksaktong sitwasyon na ito.

Maging ang mga taong naka suot ng puti at pareho niyang nakakulong sa malaking kwarto na yun ay nagsimula na ding maghanda. They prepared everything. Matagal hinintay ng mga taong ito ang pagdating ni Ariela Davis sa Augury. Dahil ang pagdating niya ay ang kanilang paglaya.

"Simulan na natin ang proseso." walang emosyon na pahayag ni Lorenzo Lancaster. Iniwas niya ang tingin sa walang malay na babae at humarap sa control ng isang machine.

Si Lorenzo Lancaster. Ang pinakamagaling na technical charm user sa buong history ng Mirandi. Kaya nitong gumawa ng halos kahit anong makina gamit lamang ang charm.

Ito ang naging dahilan kaya ilang taon na siyang nakakulong sa kastilyo ng Augury. Siya at ang kanyang research sa kakayahan ng isang machine na ilipat ang isang charm mula sa katawan ng isang tao papunta sa ibang katawan ang naging dahilan kaya namatay ang halos buo niyang pamilya.

Hango ito sa konsepto ng kapangyarihan ng isang category ng special charm. Ang charm stealer. Hangang ngayon ay isang tao palang ang kinakitaan ng kapangyarihan na ito sa buong history ng magic world. Siya ang nagtatag ng society ng Augury. Si Alexander Augustus.

Kaya naman noong nalaman ng Augury ang research ni Lorenzo Lancaster naging interesado sila.    Alam nilang hindi magtatagal ang isang material na bagay tulad ng machine. Pero maaring maibalik ang posisyon ng Augury bilang pinakamalakas na society kapag nagamit nila ito kay Ariela Davis.

Kapag napasa kanila ang kapangyarihan ng modifying charm siguradong sila ang magiging pinaka makapangyarihan sa buong magic world. Kailangang magamit ang machine sa pinakamagandang paraan. At si Ariela Davis yun. Kapag nagtagumpay sila matutuloy na nila ang planong pamumuno sa apat na society.

Kaya naman ang inaakala ni Lorenzo Lancaster na isang business venture ay isang malaking patibong pala. Para gamitin siya at kanyang nalalaman sa isang proyektong tila imposibleng mangyari.

Apat na taon ang ginugol niya sa makinang ito kasama ang mga kasamahan niyang dinakip din ng Augury. Noong una akala niya nababaliw na siya para isiping magagawa niyang material ang isang bagay na charm lamang ang kayang gumawa. Pero ito siya ngayon nasa harap ng mismong makina. Makina na una at huling beses nilang gagamitin sa totoong nakaplano dito. Si Ariela Davis.

Inilagay si Ariela Davis sa elevated na gitna ng kwarto. Pumwesto paikot sa kanya ang limang tao. Wala parin siyang malay at mukhang matagal pa itong magkakamalay. Napansin ni Lorenzo Lancaster ang marka sa balikat nito. Isang charm seal.

"Kapag nagsimula na ang proseso lalaban ang charm niya. Alam niyong lahat ang kaya niyang gawin. Isang maling galaw natin at masisira ang lahat." paliwanag niya sa mga kasama.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!