Chapter 5

261 71 25
                                                  


Chapter 5

Nandito ako ngayon sa clinic. Nakahiga ngayon si Matthew at nalinis na rin ang sugat niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising.

Dumating na din dito ang adviser niya at maraming tinanong sa akin. Lalo na kung ano daw ba ang nangyari. Hindi ko naman nasagot kasi maski ako wala ring alam. Pasalamat na lang kami sa sinabi ng nurse dahil hindi naman daw gaano kalakas ang impact nito sa ulo niya.

Nalaman ko din na kaya pala wala yung mga kaklase ko sa computer lab ay dahil wala ang aming professor. Siguro kung may klase kami ay imposibleng mangyari yun sa kaniya?

Ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung ano ang nangyari. Well, hindi ko man siya ka-close or should I say ayaw ko sa kaniya ay hindi naman magiging dahilan yun para hindi ko siya tulungan. Siguro dahil sa ubod ng kayabangan ay kinarma ang loko.

Naisipan ko na lang umalis sa clinic. Baka kasi kapag nakita niya ako dun pagkagising niya ay kung ano isipin nun. Iba kasi takbo ng utak dahil sa kayabangan.

Nag-decide na lang akong pumunta sa canteen dahil mamaya pa naman ang klase ko. Naisipan ko ring i-text si Lei tungkol sa nangyari.

To: Besty Lei <3

Yung crush mo nasa clinic. Baka gusto mong puntahan?

Sent.

Hindi ko na lang hinintay ang reply niya. Pumunta na ako sa counter at tumingin sa menu na naka-display.

"Ate,  isa nga po nito" pagtukoy ko sa order ko. Mabilis naman na niya itong inihanda kaya't matapos nun ay nagbayad na ako.

Papunta na sana ako sa isang table ng makita ko si Tiffany na nagmamadaling pumunta kung saan ako naka-pwesto.

"YOU! " panduduro niya sa akin. "WHAT DID YOU DO TO HIM?! "

"What?" tinignan ko siya ng may pagtataka.

"You're the one who did this to him, right? Answer me! "

Bigla namin naagaw ang atensyon ng mga estudyante na nasa canteen.

"OMG! She's the one who did that? " rinig kong bulong ng isang babae.

"I guess. Since magkaaway sila ni Matthew,di ba?"

"Bakit niya kailangan gawin pa yun kay Matthew? Kawawa naman ang bebe ko huhu"

"Ughh. She's creepy"

"I hate her"

Hindi ko na lang pinansin pa ang ilang mga bulungan. Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Tiffany na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

"Ano ang basehan mo para masabi mong ako ang may kasalanan? " tinaasan ko siya ng kilay. Kapag ako hindi tinigilan nito baka maibuhos ko na yung pagkain ko sa kaniya. Pasalamat siya gutom ako.

"I heard na ikaw ang kasama niya sa complab kanina. So sino pa ba sisisihin ko?! " sigaw niya. "Just tell me the truth! "

WTH. Feeling girlfriend para magalit ng ganito?

"Sino ka ba para magpaliwanag ako? Kung gusto mo malaman ang nangyari, hindi dapat agad ako ang pinuntahan mo"

Di ko na lang siya ulit pinansin at umupo na ako sa upuan. Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero alam kong hindi pa rin siya umaalis at masama pa rin ang tingin sa akin.

Stalking Mr.JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon