Prove Me Wrong

Magsimula sa umpisa

Mga babaeng umiiyak. Umiiyak para sa napakawalangkwentang lalaki. Kung mahal talaga sila ng boyfriends nila hindi sila magpapadala sa tuksong tulad ko. kaawa-awa. Ito ang pananaw ko at hanggang walang nakakapagpatunay saakin ng sinasabi nilang tunay na pagmamahal hindi ako titigil sa ginagawa ko. puro sila salita, puro sila satsat pero ni isa walang nakapagpatunay saakin mapababae man o lalaki.

Humarap ako kaagad sa human size na salamin pagkauwi ko. Simple lang din naman ako tignan tulad ng iba. Mahaba ang buhok ko at talagang kumikinang ito dahil na din sa napakaitim nito. Tinitigan kong mabuti ang aking sarili. Sino nga naman ang hindi mahuhumaling sa mukha ko? Inosente ngang tignan pero iba naman sa kinikilos ko. Maiitim din ang aking mga mata, may mapupulang labi at may kaliitan ang ilong ko. Tinitigan kong mabuti ang kanang bahagi ng pisngi ko.

“Ilang sampal pa ba ang matatanggap ko mula sa mga babaeng maagawan ko bago nila mapatunayan ang sinasabi nilang pagmamahal?”

“ANDREA!”

“ANDREA BUMABA KA NGA DITO!”

Marahil nakarating nanaman sa mama ko ang ginawa kong eskandalo. Kilala ang pamilya namin sa lugar na ito. Kilala ito dahil dalawa lang naman kami sa pamilya. Kilala kami dahil pareho daw kaming mang-aagaw ng mama ko. Tingin ko nalaman nanaman ni papa ang ginawa ko kaya nakarating it okay Mama.

“ANDREA ANO BA! BUMABA KA DITO!”

Isinarado ko ang pinto ng kwarto ko at siniguradong naka-lock ito. Humiga ako sa malambot kong kama pero ilang minuto palang ang nakakalipas naririnog ko na ang palapit na yabag ng mama ko. Sa tunog palang nito halatang nagagalit na siya at hindi naman ako nagkamali nang kinatok niya ng malakas ang pintuan ko.

“ANDREA! BUKSAN MO TO!”

Bumangon ako at pinagbuksan siya ng pinto. Tumambad saakin ang galit niyang mukha, nakataas ang kilay at tila makakarinig nanaman ako ng napakalutong at madaming mura galing sakanya.

“Ikaw bata ka! TUMAWAG ANG PAPA MO SAAKIN!” sinasabi ko na nga ba’t si papa ang dahilan kung bakit nalaman ni mama. Si papa na nirerespeto ng marami. Si Papa na kagalang-galang sa tingin ng iba. Si papa na akala nila perpekto pero manloloko din naman.

“at may pakialam pa pala ang taong yun saakin para isumbong pa sayo ang ginawa ko?” inunahan ko na si mama sa sasabihin niya dahil nakatitiyak akong tama naman ang hinala ko.

“Wala ka na bang natitirang hiya sa katawan mo hah Andrea? Pinag-uusapan ka na ng mga tao! HINDI KA BA NAHIHIYA HAH?”

“Kayo ba ma? Hindi ka ba nahihiya na maging kabit lang ni papa? Hindi ka ba naawa sa sarili mo hah? hindi yan pagmamahal ma. Pagkakatanga yan!” pagkatapos kong sabihin sakanya ang mga yun, isang malakas na sampal ang natanggap kong sagot sakanya na halos yun lang ang narinig ko sa kwarto ko, ang tunog ng pagkakasampal saakin. Malakas at talaga namang masakit dahil namamanhid na ang pisngi ko sa ginawa niyang iyon.

Kabit ang nanay ko. Mang-aagaw at malandi ang tingin sakanya ng karamihan dahil na din sa kung sinu-sino din ang mga nakakasama niya sa araw-araw. Pero walang nakakaalam ng tungkol sakanila ni papa.

Nang wala ng masabi si mama, umalis na din ito. Nagkulong lang ako sa kwarto, nagmukmok. Heto ang nakasanayan kong buhay. Isa akong bastardang anak.

(Coreen, nakipaghiwalay na ako kay Sofia)

Tinawagan ako ni Carl para lamang sabihin na nakipaghiwalay na siya sa girlfriend niya.

“Talaga? Wala na kayo? Bakit ka nakipaghiwalay?”

(Ikaw ang mahal ko Coreen)

Marupok. Isa siya sa mga lalaking marupok.

(magkita naman tayo ngayon, ayusin natin yung saatin)

“Carl sorry to say this pero, ayoko sayo.”

(WHAT?)

“Ayoko sayo dahil wala ng thrill. Bye”

Pinatay ko na ang cellphone ko. Bukas magpapalit nanaman ako ng panibagong numero. Ayoko na sakanya dahil wala na siyang girlfriend. Ayoko sakanya dahil tanga siya. Kung nagawa niya sa girlfriend niyang lokohin ito, paano pa kaya saakin?

 *****
A/N

anong tingin niyo guys? sorry new story again. nag eenjoy yata ako ngayon sa concept? hihi. ewan ko ba. ano trip niyo ba? ewan kung trip niyo bala naaaaa

follow me sa twitter!

@bearapisura


hiling ko lang sana hwag niyo ako ikulong sa SADIST LOVER. i mean di ako nakakapag update sa iba kasi lagi nalang SL ang sinasabi niyo sakin. nasasad ako :(

anyway VOTE AND COMMENT :DDDDD

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!