Chapter 10 : Andre's Back

113 15 0

Bea's POV

Matagal ko ng hinihintay si Andre, dati hindi ako nagkakaganito, ang ayos ayos ng dating ko, pero baket pag wala siya nagkakaganito na ang buhay ko? hindi ko ba kayang mabuhay ng wala siya.

Matagal din akong naghintay sa kanya, tuwing mamimiss ko siya lagi ko na lang tinitignan ang picture naminv dalawa, lagi kong niyayakap, lagi kong katabing matulog, akala pag gigising ako, akala ko siya na ang katabi ko, pero naiisip ko picture lang para toh. Minsan iyak ako ng iyak dahil sa sobrang miss ko na siya, minsan hindi ko na alam ang gagawin ko pag hindi na siya tumatawag, hindi nag ttxt.

Pero minsan nakita ko yung Status niya sa Facebook na "Single" na lang ang nilagay niya, tinanggal niya ang "In a Relationship With" Mas lalong akong nalungkot, minsan tuwing iChaChat ko siya hindi siya nagrereply, minsan naman hindi na ako nakakakain ng dahil lang sa kakahintay sa kanya. Pero wala lang pala akong napapala, minsan gusto ko ng magGive-Up! Dahil minsan hindi ko na kaya ang nangyayari samin.

2 Months Later........

Unti unti ko ng nakakalimutan si Andre, unti unti na rin akong nagiging masaya pag hindi ko siya iniisip.

Pero ng minsan kong buksan ang Facebook ko, nakita kong nag Status si Andre.

Nakita kong "Its good to be back at the Philippines" napa "Huh" nalang ako. At bigla akong nagtaka dahil may nakita akong isang pangalan ng babae. "Its good to be back at the Philippines with Jamaica" meron pang "Feeling Happy" ano toh lokohan? Unti unti nalang akong nagtaka.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad ako papuntang School, parang may napansin akong lalake na kamukha ni Andre, bigla akong napaisip na Nakabalik na pala siya, hindi ako nagdalawang isip na lapitan yung lalakeng kamukha niya, habang papunta ako sa kanya, parang may napansin akong kinakausap niya, bigla akong may nakitang babae na kasama niya.

Nakita kong nagtatawanan sila, parang ang lambing lambing nila, para bang sila, parang sweet silang tignan. Pero nagtaka ako kung baket parang nakalimutan na ata niya ako.

Biglang nabasag ang Puso ko ng nakita kong "Hinalikan niya yung Babae" nagulat na lang ako, para bang hindi ko na alam ang gagawin ko, para bang gusto ko silang hampasin ng Tubo, parang gusto konh sabunutan ung babae, at parang gusto kong sampalin si Andre, at bigla kong narinig yung pangalan ng babae na nakatag sa Facebook. "Jamaica, Let's go" sabi ni Andre.

Tumakbo na lang ako, habang paalis na ako, hindi na ako tumuloy ng school. Habang paalis na ako tumutulo ang luha ko,dahil pala hindi niya ako kinakausap, tinitxt, chinaCHAT. Dahil sa babaeng yun, dahil pala pinagpalit niya ako, habang paalis na ako, lumingon ako ng isang beses para tignan sila kahit na masakit para sakin, at nakita kong tumingin din siya sakin, tumakbo na lang ulit ako ng mabilis.

Sinubukan kong pigilan ang tumutulong luha sa akong mga mata, kaso ayaw talaga, baket ganun, sabi niya sakin TADHANA daw ang nagbigay ng chance para magsama kami ng matagal. Sabi niya hindi niya ako ipagpapalit, pero baket ganun, may ibang siyang babae.

Ilang araw ng nakalipas, halos hindi na ako pumapasok, hindi na ako lumalabas ng kwarto, nagkukulong ako ng ilang araw, hindi na ako kumakain. Halos buong araw akong umiiyak, umiiyak ako habang isa isa kong pinupunit ang mga litrato naming dalawa, pero baket parang hindi ko kayang punitin lahat, baket parang may nararamdaman parin ako sa kanya, hanggang sa isang araw, pumunta ng bahay si Angel para tanungin kung baket hindi na ako pumapasok.

"TOK" "TOK" "TOK"

"Tao po" Sigaw ni Angel sa labas ng bahay.

ayaw kong magsalita, ayaw kung bumaba kaso parang napilitan lang ako dahil siya lang din yung taong nakakaunawa sakin.

My DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!