[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR]

Kimberly's POV

"BALIWWWWW KA TALAGA!!!!!!!" Sigaw ko at sabay habol ko sa kanya, At siya naman kumaripas ng takbo papuntang kitchen. Kung walang gamit dito iisipin mong dating basketball court ang bahay nila sa sobrang lawak.

"Can't catch me! Weak!" Sigaw niya sakin habang ako naman hinahabol siya papunta ng living area, At para akong ipis na patalon talon sa couch at sa ibang nakaharang. Pero bigla siyang natapilok at natumba sa couch.

Pagkakataon ko na. Na-corner ko na siya. WHAHAHAHAHAHA! PATAY KA ANDREW!!!! *EVIL LAUGH*

"PATAY KA SAKIN!!! WAAAH BOOGSH!" Sigaw ko habang pinagpapapalo siya ng unan.

"A-aww! Aray! That hurts!! My head!" Sigaw niya sakin habang pinaghahampas ko kasi siya at ngayon sasakalin ko naman. *EVIL LAUGH*

" *Cough* A-ansakit! T-time out! Stop strangling me!" Sabi niya pero wala akong pake.

"Papatayin kitaaaaaaa!"

Pero nagulat ako ng marinig ko ang boses ni...

"What's happening here? Bakit sinasakal mo ang anak ko? At sino ang papatayin mo?" Takang taka na sabi ni ma'am este tita Veronica. Oops.

"Ah eh ano po... Ano po kasi nabulunan yung anak niyo! Kinain kasi yung ipis kaya tinutulungan ko lang pong iluwa niya yung ipis! Saka yung ipis po yung papatayin ko hindi yung anak niyo haha!" Pagpapalusot ko.

Muntik na ako dun ah? (_ _') Bwiset talaga 'to si andrew.

"Huh? Nilunok yung ipis? Anak, Is that true?" Tanong ni tita Veronica. Sabay lapit kay Andrew.

" 'Di ba? Nilunok mo yung ipis diba?... ANDREW." Mariin na sabi ko.

"Aaah. O-opo ma!" Whew! Buti nakisama siya. Akala ko ilalaglag ako ng mokong na 'to eh.

"Oh... Okay! Sige tama na yan iluwa mo na yung ipis anak, Okay? And kim halika. Tulungan mo kami sa mga pinamili namin." Buti nalang di mahirap goyoin si tita Veronica. (_ _') Kundi patay ako.

"Aah sige po!" Agad na akong dumiretso sa kitchen at bumungad sakin yung mukha ni mama na handa na ako kurutin.

"Anong ginagawa mo kay Andrew kanina ha? Bakit sinasakal mo siya? Nako! Ikaw talagang bata ka!" Sabay kurot bigla sa braso ko.

"Aray! Mama naman eh! Kasi nga kinain niya yung ipis kaya tinulungan ko siyang iluwa yun. Ako na nga 'tong tumulong ako pa masama? Grabe naman po kayo mama!" Sabay kunwaring nalulungkot.

*TOINKS*

"Araaaay! Mama naman eh! Bakit mo ako binatukan?!" Sigaw ko. Grabe ang sakit ng kutos ni mama :'(

"Hindi ako tanga kimberly, Sa tinggin mo ba kakain ng ipis yung anak ni Ma'am Veronica?" Sabi ni mama.

Teka oo nga noh? Ang tanga ko talaga gumawa ng dahilan.

"Ay may gagawin pa nga pala ako, Sige ma, reserve mo nalang ang sermon mo mamaya pagtapos mo magluto okay?" Sabi ko at umalis na.

"Hoy kimberly!" pagtawag sakin ni mama. Pero di ko na siya pinansin.

At umalis na ako, lumabas ako ng subdivision para magikot-ikot lang. At napadaan ako sa isang park at umupo muna sa bench.

Habang tinatanaw ang mga bata na naglalaro, naaalala ko nung bata pa ako, si Andrew yung pinaka unang naging kaibigan ko. Oo cute siya dati pero mas matangkad ako sa kanya dati pero ngayon mas matangkad na siya sakin. Napaka bilis ng panahon, pero hindi ko parin lubos na maisip kung bakit nagkita ulit kami? Bakit kasama ko ulit siya? Tadhana ba talaga na magkita ulit kami after 9 or 10 years?

Naaalala ko din dati, Naging crush ko siya kasi cute nga. Pero may dalawang bata na pumukaw ng atensyon ko.

"Okay lang yan bata... Wag kang umiyak! Babalik din ang tito mo, Baka may binili lang kaya ka niya naiwan dito." Sabi nung batang babae. Hahaha! Naalala ko dati nung akala ni Andrew ay iniwan siya ng mama niya at pinapatahan ko siya.

"Gusto mo hanapin natin yung tito mo?" sabi nung batang babae.

Pero hindi ko na hinayaan silang dalawa, dahil baka dalawa pa silang mawala habang nasa daan. At agad na nilapitan ko sila.

"Hi! nawawala ka ba? Gusto mo samahan kitang hanapin ang bahay niyo?" Tanong ko dun sa batang lalaki.

"Opo, my tito left me here!" Pagkasabi niya nun ay may naalala akong nag sabi din niyan dati sakin... Si andrew! Teka alas kwatro na baka hindi makauwi ang mga bata. Sasamahan ko na sila.

"Saan ba ang bahay niyo?" tanong ko dun sa dalawang bata. Pero bigla nang dumating yung mama nung batang babae.

"Sorry hindi ko na po kayo masasamahan!" Malungkot na sabi nung batang babae.

"It's okay. Bye... Kim!" Sabi nung batang lalaki. Kim? Kim ang pangalan? Wow..

"Uhm hi! Ano palang pangalan mo?" Tanong ko dun sa batang lalaki habang kumakaway siya kay kim.

"Drake po!" Tanong nung bata... Drake, Drew. Drake, Drew! Medyo magkalapit yung pangalan.

"Ah wala naman. Sige hanapin na natin yung bahay niyo?" Sabi ko.

Few minutes later.

"T_T Pano ba yan? Eh hindi mo pala alam yung bahay niyo? Kanina pa tayo nanghuhula ng mga street dito eh." Pagkasabi ko nun ay may tumawag ng pangalan nung bata.

"Drake!" Sigaw nung lalaki kaya, parang kilala ko yung boses.

"Tito Jake!" Tuwang-tuwa na tugon naman ni Drake doon sa tumawag sakanya.

Naka talikod kasi ako sakanila pero napansin kong tumakbo na si Drake papunta dun sa lalaki. At ng pagharap ko laking gulat ko sa nakita ko.

O__O

"Jake?"

Totoo ba to? Si jake? Si Jake nga!

Pero anong ginagawa niya dito?

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!