Chapter 28| Resort

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sino ba unang pipili ng partners?" Tanong ni Iella. "Ako!" Sigaw ni Peter. "Okay, Peter, talikod ka muna. At wag kang titingin." Sabi ni Iella. Sumunod naman si Peter.

Inarrange kami ni Iella. "Okay, Peter, pick a number. 1 hanggang 10 lang ah." Sabi ni Iella.

"5." Sabi ni Peter. "Wow. Ang galing mo mang hula." Sabi ni Iella, lumingon na saamin si Peter. Pang number 5 ako sa arrangement.

"Kaizar, sama ka na rin kela Cember at Peter." Sabi ni Sean. "Bakit?" Tanong ni Peter. "Eh kasi, 11 tayo. So kailangan, may tatlo na magkakasama. Which is ikaw, si Cember, at si Kaizar. Alis na kayo." Sabi ni Sean.

Wow. Pinapaalis na kami agad. Kahit kailan talaga tong lalaking toh.

Nag lakad na kami papalayo. Ewan ko kung saan kami pupunta.

Kylie's POV

"Love triangle." Sabi ko habang naka ngiti. "Nag work yung plan natin." Sabi ni Sean. Nag high five kaming lahat.

Lahat kami magkaka-sama na.

Pinag tripan lang talaga namin silang tatlo.

Peter's POV

Na sa playground kami ngayon. Dito kasi kami pinunta ng mga paa namin. Halos walang nag sasalita. To be honest, napaka awkward. Kasi nandito si Kaizar. Kaya hindi kami makapag-usap ni Cember.

Solo ko na sana si Cember eh. Haysh. Si Sean kasi eh, kung hindi lang niya yun sinabi edi sana masaya kami ni Cember ngayon.

"Punta lang ako sa CR. Naiihi ako eh." Sabi ko sakanila. Bigla ako tumakbo papunta sa CR. Bibilisan ko.

Siguro mga after 2 minutes, tapos na ako. Pagbalik ko, nakita ko sila nag tatawanan. Ano meron??

Agad akong nag-lakad papunta sakanila. Napatigil naman sila sa kakatawa nung nakita nila ako.

"Muhkang masaya kayo ah." Sabi ko. "Hahaha! Kung nakita mo lang talaga yung nangyari. Matatawa ka din Peter." Sabi ni Cember habang naka ngiti.

"Okay? Babalik lang ako sa room. Inaantok ako eh." Sabi ko. "Ah ganun ba. Okay sige." Sabi ni Cember. Di man lang niya ako pipigilan??

Haysh! Bahala na nga. Nag lakad na ako papuntang room. Nanood nalang ako ng tv. Bad trip ako ngayon.

Kaizar's POV

"Ano meron dun kay Peter?" Tanong ko kay Cember. "Di ko alam eh. Pero pabayaan mo na siya. Teka, bakit ka ba nahulog?" Tumatawa si Cember habang sinasabi niya yun.

"Eysh. Change topic nalang. Nakakahiya eh. Ngayon pa umatake yung pag ka clumsy ko." Kinamot ko yung likod ng ulo ko.

"Haha! Sige na nga." Sabi niya.

"So, kayo na ba ni Peter?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siya tumawa ng malakas. Ano nanaman meron?

"Alam mo, nababaliw ka na. Ano ba meron at tumatawa ka nanaman?" Tanong ko sakanya.

"Nakakatawa kasi yang tanong mo. Ano ka ba, kaibigan ko lang si Peter noh. Close kami, oo. Kasi ilang years na din kami mag kaibigan eh. Pero wala akong gusto sa lalaking yun noh."

Ewan ko kung bakit pero bigla nalang ako napa ngiti sa sinabi niya. Yes! May chance pa ako kay Cember kung ganun.

"Teka, bakit mo naman natanong? At bakit ngumingiti ka dyan?" Tanong niya. Bigla naman ako tumigil sa pag ngingiti.

"Wala lang. Parang nag seselos kasi si Peter tuwing mag kasama tayo."

"Protective lang yun. Minsan nga parang boyfriend ko na siya eh. Nakikipag-usap lang saakin yung ibang lalaki, nagagalit na siya. Pero pabayaan mo na siya."

"Kahit ako din naman, magagalit kapag nangyari yun eh."

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi gusto kita......."

"Ano???????"

Hala. Potek. Nasabi ko ba sakanya na gusto ko siya?!??!?!

"Uhmm...joke lang! Ano ka ba! Bakit naman kita magugustuhan?? Eh kaibigan lang ang tingin ko sayo." Phew! Buti nalang nabawi ko yung sinabi ko. Maniwala ka please.

"Ahh. Akala ko naman totoong gusto mo ako. Kundi tatawanan talaga kita kapag ganun."

"Huh? Bakit mo naman ako tatawanan kapag nangyari yun?

"Kasi nga, di naman ako maganda. At tsaka ang sungit-sungit ko eh. Sino magkaka gusto saakin?"

"Ang harsh mo naman sa sarili mo."

"Joke lang naman."

"Oh, nandito lang pala sila eh." Bigla naming nakita sila Sean. Nag lakad sila papunta saamin.

"Oh, asan si Peter?" Tanong ni Theo. "Nauna na siya sa room eh. Inaantok daw siya." Sagot naman ni Cember.

"Ah ganun ba. Tara, dinner na tayo guys." Sabi ni Theo.

Nag dinner na kami and after nun bumalik na kami sa mga rooms namin.

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon