Final Chapter

76.3K 1K 121

PARANG gustong sampalin ni Krystinia ang sarili para magising. She was like a fairy tale princess bride. Nakasuot siya ng simpleng flowing gown at may tiara sa ulo. Parang nasa wonderland siya dahil sa makulay na kastilyo sa likuran niya. Sa isang exclusive theme park sa Lemery, Batangas ginanap ang mahalagang okasyon na iyon. Lahat ay may ngiti sa labi. Pero ang pinakamagandang ngiti para sa kanya ay mula kay Warrick na nag-aabang sa altar kasama ang bestman nitong si Chrystler.

"Talaga bang mahal ka niya?" tanong ni Teodicio na siyang maghahatid sa kanya sa altar.

"Papa, ano sa palagay ninyo?" Nakita nito kung paano nagsikap si Warrick para ipakita sa pamilya niya ang pagmamahal nito sa kanilang mag-ina. Hindi madaling naghilom ang mga sugat pero nagsikap si Warrick at ang pamilya niya para magkasundo para sa kanila ni Wahlberg. Minsan nga lang ay di pa rin maiiwasang mag-clash sina Teodicio at Warrick dahil parehong dominante ang mga ito.

"He is a fine man. You are blessed. Mabuti ang puso niya. At tutuparin niya ang pangarap mo."

Pinanatili niya kay Warrick ang pamamahala ng Ageless Beauty. Sa farm na nakatira ang mga ito pero nag-insist si Thirdy na babayaran nito si Warrick. Ito na ang manager ng farm. Growing things was her brother's true passion. Sa loob din ng mahabang panahon ay wala itong seryosong girlfriend dahil lagi nitong iniisip ang alaala ni Miranda. Dahil sa pakikipag-ayos nito kay Warrick ay napatawad na nito ang sarili at ngayon ay nobya na nito ang may-ari ng isang maliit na grocery sa bayan. At mukhang in love ang mga ito sa isa't isa.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Warrick nang kunin ang kamay niya mula kay Teodicio. At alam niyang ganoon din ito kasaya. He made her wishes come true. At alam niya na marami pa silang matutupad na pangarap sa mga darating na araw ng buhay nila.

*** Salamat po dahil sinamahan ninyo sina Warrick at Krystinia hanggang sa dulo ng kanilang love story. Sana po ay nag-enjoy kayo. Sa mga nagtatanong kung saan makakabili ng book form nito, dati pa pong naubusan ng stocks nito. Kaya para po mai-reprint, kailangan pong makapasok ito sa Top 3 ng Filipino Readercon.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Click http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot at piliin ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Tagalog/Taglish. Paki-share po ito sa lahat ng kakilala ninyo. Hanggang September 10 na lang po ang botohan. One email lang po kada boto.

 One email lang po kada boto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!