Chapter Seventy-Two

44.7K 785 9

Sapo-sapo ni Krystinia ang ulo habang palakad-lakad sa sala ng farmhouse at tinatawagan si Warrick. May dalawang linggo na itong wala sa Pilipinas. Matapos ang ilang araw sa Hong Kong ay lumipad ito patungong London. Ngayon ay nasa New York naman ito at hindi pa niya nakakausap pa. Gusto lang naman niyang malaman kung kailan ito babalik ng Pilipinas.

"Krystinia, nahihilo na kami ng Papa mo sa kalalakad mo. Wala na kaming maintindihan sa palabas," saway ni Serafina sa kanya na abala sa panonood ng pang-umagang teleserye na paborito nito.

Bumuntong-hininga siya at tumigil sa paglalakad. "Warrick is not answering his phone. Baka ano na ang nangyari sa kanya," nag-aalala niyang sabi.

"Kumalma ka lang. Kasama niya sekretarya at ilang executive niya sa New York. Kung may nangyaring hindi maganda, tatawagan ka ng staff niya."

"Ilang araw na rin po kaming di nagkakausap, Mommy. Gusto ko lang namang sabihin na nagsasalita na si Wahlberg."

"May video ka naman at naipadala mo na sa email niya. Mabuti pa maligo ka na at magluluto pa ako ng tanghalian natin," sabi ni Serafin.
"Tutulong po ako."

Nasa kalagitnaan na siya ng paglulutk nang tumawag sa kanya si Chrystler. "Krystinia, do you have time today? We have something important to discuss. Si Warrick mismo ang nagbilin nito sa akin."

"Okay. How about after lunch?"

"Perfect."

Sa isang cafe di kalayuan sa Ageless Beauty sila nagkita. Paborito niya iyon dahil sa manmade lake sa harap na masarap sa paningin. Kailangan niya iyon para kumalma dahil tensiyonado siya sa anumang pag-uusapan nila ni Chrystler.

Nauna si Chrystler sa kanya na nahuli pa niyang nakikipag-flirt sa waitress.

"Chrystler, sana di kita pinaghintay ng matagal," sabi niya nang samahan ito sa mesa at umorder ng mocchacino.

"No problem. Katatapos lang ng meeting ko."

"Nagkausap pala kayo ni Warrick. Ilang araw ko na siyang tinatawagan pero masyado yata siyang busy. Mabuti ka pa tinawagan niya." Di niya maiwasang magtampo dahil sa kaibigan nito ay may oras ito pero sa kanya ay wala.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. He wants you to sign this."

Nang makita niya ang salitang annulment ay umikot na ang iba pang salita sa paningin niya. Parang nahihilo siya at gustong magdilim ng paningin niya. "P-Petition ito for annulment. Gusto ni Warrick na maghiwalay kami? Kakakasal pa lang namin. Isang buwan pa lang kaming kasal. This insane. Bakit pa niya ako pinakasalan kung hihiwalayan din naman niya ako?" Animo'y nagising siya sa isang bangungot. Akala niya ay masaya sila. Kahit di siya nito mahal ay magtutulungan sila para mabigyan ng maayos na pamilya si Wahlberg.

Walang ekspresyon ang mukha ni Chrystler habang unti-unti siyang nilalamon ng sakit, galit at lungkot. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakain ni Warrick para basta-basta magdesisyon ng ganito. "He realized his mistake. Gusto niyang itama iyon."

"Paano niya nagagawa ito sa amin? Nangako siya na aalagaan namin si Wahlberg na magkasama." Na kaya nito ibibigay ang pangalan sa kanya ay upang protektahan siya.

"Hindi niya kayo pababayaan ng anak mo. Mababasa mo diyan ang lahat ng makukuha mo oras na mai-grant ang annulment ninyo. You'll get a handsome monthly allowance, joint custody sa anak ninyong si Wahlberg, makakapili ka rin sa properties niya kung saan mo gustong tumira. He'll even give you forty-five percent shares of Ageless Beauty. Pati ang farm sa Bulacan ay ililipat niya sa pangalan mo para tirhan ng pamilya mo."

Kung tutuusin ay napaka-generous ng offer nito lalo na't may pinirmahan siyang prenuptial agreement. Hindi siya kabahagi sa mga pinaghirapan nito. Subalit hindi siya naaakit sa alok nito. Isang malaking sampal iyon sa kanya dahil parang atat na atat itong hiwalayan siya.

Binitiwan niya ang papel at ibinaba sa mesa. "Hindi ko pipirmahan 'yan," matigas niyang wika at iniwas ang tingin sa papel. She hated what it signified. Hindi niya matatanggap ito.

"Of course you want to consult your own lawyer. Kung may gusto ka pang idagdag o hihingin, Warrick is open for negotiation."

Kinuyom niya ang palad. Kung kaharap lang niya si Warrick ay masasapak niya ito. "Ang tanging pinirmahan ko ay ang marriage contract namin. Ang gusto ko tuparin niya ang lahat ng pangako niya. I want a whole family for my son. If he wants to kick me out of his life for good, sabihin niya sa akin ng personal. Hindi kung kani-kanino lang niya sinasabi. Ganoon lang? Basta na lang niya akong hihiwalayan. This is a cruel joke. Sana kaharap ko siya ngayon para masuntok ko siya sa torture na ginagawa niya sa akin. Bakit ganyan siya? Wala akong ginagawang masama sa kanya."

"I'm sorry, Krystinia. I know you want to make your marriage work. Mabuti kang tao. That's why Warrick wants you to find your own happiness."

"Mukha ba akong masaya ngayon? Ha?!” angil niya at binayo ang mesa. Gusto niyang kontrolin ang emosyon niya dahil nasa isang pampublikong lugar sila pero hindi na niya alam kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman niya.

"Huwag kang magalit sa akin. Hindi ako ang asawa mo,” depensa agad ni Chrystler.

Huminga siya ng malalim at uminom ng tubig. Saka lang siya bahagyang kumalma. "I'm sorry. Hindi ko lang talaga ito matatanggap ito."

"Why don't you take a rest first? Ihahatid na kita sa kotse mo."

Wala siyang nagawa kundi sumunod na lang dito. She couldn’t argue with Chrystler right now. Hindi naman ito ang dapat niyang kausapin kundi si Warrick. Ang tanong ay kung gusto siya nitong harapin. Kaya marahil mula sa Hong Kong ay bigla itong lumipad sa London at New York dahil sinasadya nitong huwag makipagkita sa kanya.

Sumikdo  ang dibdib niya nang makita ang isang pamilyar na sasakyan. "That is Warrick's Lambhorgini."

"It's mine now."

Gulat niyang nilingon si Chrystler. "Ibinenta niya sa iyo?" Mahal na mahal ni Warrick ang kotse na iyon. Hindi nito gugustuhing malayo sa kotse nito.  

"No. He lost it in a bet. Basta na lang ipina-deliver ang kotse sa akin kaninang umaga. Ganoon naman si Warrick. Kapag talo na siya, he graciously admits his defeat."

"Anong klaseng pustahan 'yan?"

Kumurba ang ngiti sa labi nito at namulsa. "Mapupunta sa akin ang kotse oras na ma-in love siya sa iyo."

"M-Mahal niya ako?"

"Yes. Gusto niya ng annulment para putulin ang paghihiganti niya. He wants you to have a better life. Makapagsimula ng bago"

Sinipa niya ang kotse. "Gago pala siya e!"

"That's my car!"

"Sorry. Pero naiinis talaga ako. Mahal ko siya at mahal niya ako. Tapos saka niya ako hihiwalayan.”

Isinuklay ni Chrystler ang daliri sa sariling buhok. “’Yan nga ang di ko maintindihan sa mga in love. Sobrang gulo ninyo. Pati ako nadadamay.”

“Si Warrick lang ang magulo, hindi ako. Mag-uusap kami ng masinsinan.” Hindi niya alam kung kailan ito babalik o kung gugustuhin nitong makipagkita pa sa kanya kaya mas mabuting siya na mismo ang pumunta dito. “Saan sa New York siya tumutuloy?"

"Hindi ko alam pero sigurado ako na magagawan ni Louvre ng paraan 'yan pati ang iba pang schedule niya. Pakibatukan din siya para sa akin. This idea of annulment is stupid."

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!