Chapter Seventy

42.9K 725 9

“MAG-EMPAKE ka. May meeting ako sa Hong Kong at gusto kong isama ka. Gusto ka daw makilala ng mga business partner ko doon,” sabi ni Warrick habang inaayos niya ang mga damit sa closet nito. “And after our business trip, pwede na nating ituloy ang honeymoon natin.”

Yumakap siya sa leeg nito. "Pwede bang mag-Disneyland at Ocean Park?" lambing niya dito.

"Of course. Kaya nga kita isasama. Di pa rin ako nakakapasyal doon.”

Nanlaki ang mata niya. “Seryoso?”

Tumango ito. “Oo. Nang makatapak ako ng Hong Kong, masyado na akong matanda para ma-appreciate ang mga theme parks. Pero dahil nangako ako sa iyo na isasama kitang mamasyal sa theme park buong araw, nagpa-book na rin ang ng suite sa Disneyland Hotel.”

Nagningning ang mata niya at pinupog niya ito ng halik. “Thank you, Warrick! Ihahanda ko na damit natin. Maa-appreciate kaya iyon ni Wahlberg?"

"Hindi natin isasama si Wahlberg."

"Bakit?"

Pinisil nito ang ilong niya. "Honeymoon natin 'yon. Kaya dadalhin kita sa malayo dahil nga gusto kitang masolo."

They didn’t have a proper honeymoon. Dahil biglaan ang kasal niya ay puno pa rin ang schedule ni Warrick at di sila pwedeng basta-basta magbakasyon. Subalit naa-appreciate niya ang gestures nito. Ang pagtupad nito sa pangako nito nang unang araw silang magkakilala. They were not a perfect couple but Warrick could make her dreams come true. Madali para sa kanya na mag-ilusyon na pwede siya nitong mahalin.

Kasalukuyan siyang nag-eempake nang makatanggap siya ng tawag mula kay Serafina. "Krystinia, inatake na naman ang papa mo. Kailangan ka namin dito ngayon."

HANGOS na dumating si Krystinia sa ospital. Kasabay niya si Warrick na kalong si Wahlberg. Bagamat kinakabahan at natatakot ay nakakadama siya ng katatagan dahil sa suportang ibinibigay nito. Ito ang unang beses na haharap sila sa pamilya niya bilang mag-asawa. Sa kabila ng pag-aalinlangan niya ay pinangatawanan siya nito.

Niyakap siya ng yakap ni Serafina sa labas pa lang ng kuwarto at napaiyak. "Krystinia, ang Papa mo!”

"Ano po ba ang nangyari kay Papa?" tanong niya.

"Mula nang sabihin mong magpapakasal ka, lagi na lang siyang tahimik at laging malalim ang iniisip. Ayaw niyang uminom ng gamot. Lagi ka niyang itinatanong sa akin kung kailan ka babalik. Kung maayos ang trato sa iyo ni Warrick. Nang magsabi ka na kasal na kayo, halos ayaw niyang kumain. Kanina habang naghahapunan kami bigla na lang siyang tumumba."

"Ano pong sabi ng doktor?"

"Minor heart attack but the next one could be fatal. He is depressed. Mino-monitor pa ang lagay ng puso niya at may mga gamot siyang dapat inumin. Pero walang masyadong makakatulong sa kanya dahil emotional siya. At sa palagay ko makakatulong sa kanya kung makikita niya kayo ni Wahlberg. P-Pasensiya ka na kung naabala ko pa kayo.”

Pinisil niya ang kamay nito. "Don't worry, Mommy. Dito lang po kami."

Sumilip si Thirdy mula sa pinto ng kuwarto. "Gising na si Papa," sabi ni Thirdy. "Hinahanap ka niya, Krystinia."

"Dito lang ako sa labas," sabi ni Warrick at pinisil ang balikat niya matapos ipasa sa kanya si Wahlberg.

Marahan siyang pumasok sa loob ng silid at mahigpit na niyakap si Wahlberg. Ang totoo ay natatakot siyang magpakita sa papa niya lalo na’t alam niyang siya ang dahilan kung bakit inatake ito. Mukhang mas matanda ito at payat kaysa nang huli niya itong nakita. Mukhang dinibdib nga nito ang pagpapakasal niya. "Papa, nandito na ako. Kami ni Wahlberg. Huwag po ninyo kaming alalahanin, Papa. Okay lang po kami."

Inangat nito ang kamay at hinawakan niya ang kamay nito. "Si Evaristo ang kailangan ko. Siya ang gusto kong makausap."

"Papa, baka makasama po sa inyo," tutol ni Thirdy.

Subalit nanatili sa kanya ang tingin nito. "Tawagin mo na ang asawa mo. Gusto kong mag-usap kami ng masinsinan."

"Sige na, Krystinia. Tawagin mo na si Warrick,” anang si Serafina.

Ipinasa niya dito si Wahlberg bago sumilip sa labas ng silid at tinawag si Warrick na nakasandal lang sa pader at matiyagang nag-aabang. "Pumasok ka sa loob. Gusto ka daw makausap ni Papa." Inilahad niya ang palad nito. “Hindi kita iiwan okay?”

Noong una ay naramdaman niya ang pag-aalinlangan ni Warrick na pumasok sa kuwarto pero sa huli ay hinawakan din nito ang kamay niya at sumama ring pumasok sa kanya sa silid.

“Lumapit ka sa akin,” utos ni Teodicio. "Alam ko na marami akong kasalanan sa pamilya mo. At kahit anong paghingi ng tawad ang gawin ko, hindi na maibabalik ang buhay nila. Hindi na mawawala ang sakit. May ipapakausap lang sana ako sa iyo. Kung hindi mo kayang mahalin ang anak ko, pakawalan mo na siya. Ibalik mo na lang si Krystinia sa amin."

Nahigit niya ang hininga. "Papa..." Hindi niya inaasahan na iyon ang hihingin nito kay Warrick.

Malungkot na ngumiti si Teodicio. "Hindi ako naging mabuting ama sa kanya. Matagal ko siyang binalewala pero alam kong di pa huli para maging ama ako sa kanya. Gusto kong tiyakin na magiging maayos at masaya siya habambuhay sa lalaking mamahalin at aalagaan siya.”

“Hindi ko po pababayaan ang mag-ina ako,” wika ni Warrick sa matiim na boses. Nararamdaman niya na gusto siya nitong ipaglaban.

“I know. Mabuti kang ama kay Wahlberg. Pero kaya mo bang mahalin si Krystinia? Alam ko naman na bahagi lang ito ng paghihiganti mo. My daughter deserves more than that. Hindi niya kailangang magdusa habambuhay dahil wala siyang kasalanan sa iyo. Kung may gusto kang parusahan, ako na lang ang parusahan mo. Gagawin ko ang kahit anong gusto mo.”

“Papa, hindi po kayo. Ako po ang may kasalanan nito,” pag-ako ni Thirdy. “Ako po ang nakabuntis kay Miranda. Ako po ang nang-iwan sa kanya.” Hinarap ni Thirdy si Warrick na sa unang pagkakataon ay nakita niyang maluha-luha. Kahit nang nakulong ito ay hindi niya ito nakitang ganito kahina. “Kung may dapat kang parusahan, ako iyon. Hayaan mo na si Papa.”

“Thirdy, ako ang nag-utos sa iyo. Ayaw mong iwan si Miranda noon. Gusto ko na panagutan siya pero pinigilan kita. Binantaan kitang hihiwalayan ko si Serafina oras na sumama ka sa kanya. Ayaw mong masaktan ang nanay mo kaya pinili mong lumayo na lang. Ginawa ko lang ang inaakala kong makakabuti sa iyo. Masyado ka pang bata para sa responsibilidad at marami akong plano para sa iyo noon. Kaya ako ang may kasalanan. Ako ang dapat na parusahan.”

Niyakap niya si Teodicio nang lumuluha. “Papa, tama na po. Makakasama sa inyo ‘yan.”

“Magpahinga na lang po kayo,” sabi ni Warrick at hinawakan siya sa balikat. “Mas mabuti siguro kung bumili muna ako ng makakain natin. Baka gutom na kayo.”

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!