Chapter Sixty-Nine

40K 704 8

PINAGMASDAN ni Krystinia ang wedding band sa daliri niya. Mainit-init pa iyon mula nang isuot ni Warrick sa daliri niya. Katatapos lang ng simpleng civil wedding ceremony na isinagawa ng mayor ng Quezon City sa hardin ng bahay ni Warrick. Iilan lang ang mga bisitang imbitado - mga piling kaibigan ni Warrick, ang ninong na si Dante, ang ninang na si Maureen Laurel, ang katiwala sa resthouse na sina Aling Yolly at Mang Herbert. Kapuna-puna ang hindi pagdalo ng pamilya niya.

Sa bahay din ginanap ang reception. Tapos na nilang magpaalam ni Warrick sa pinakahuli nilang bisita. Alas diyes na noon ng gabi.

"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Warrick na tanggal na ang cream coat nito. He looked gorgeous a while ago. Habang siya ay simpleng cream flowing dress ang suot. "Magpahinga ka na. O baka naman nagtatampo ka sa akin dahil simpleng civil wedding lang ito?"

"Ako ang nag-insist ng simpleng civil wedding, hindi ba?" Ang nais lang nila ay maikasal sila. Hindi na kailangan ng isang fairy tale wedding. Para lang iyon sa mga taong in love sa isa't isa." Malungkot lang ako dahil hindi nakarating ang pamilya ko. Ayaw talaga nila na pakasalan kita."

"Nagsisisi ka ba na pinakasalan mo ako?"

"Kakakasal lang natin. 'Yan agad ang tanong mo. Pangangatawanan kita, Warrick. Pangangatawanan ko ang pamilya natin. We may not be an ideal couple but I want to stay beside you as your partner. This is the start of forever, Warrick."

"And you're mine forever as my wife."

He kissed her passionately. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa init ng halik nito. Nasa balkonahe pa sila at maaring may makakita pero wala siyang pakialam. His kisses could easily erase everything inside her head. Hindi na minsan niya alam kung ano ang tama at mali. He made her feel so good. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakahiga sa kama. Nagsisimula na rin nitong ibaba ang strap ng dress niya. She had been anticipating this moment for a long time. Ngayon ay aangkinin siya nito bilang Mrs. Warrick Evaristo. She was not a dirty little secret anymore.

Bigla sumagitsit sa diwa niya ang malakas na palahaw ni Wahlberg. Hindi niya pinansin iyon pero tumagal pa ang pag-iyak nito at mas lumakas.

Itinulak niya ang dibdib ni Warrick at humulagpos ang labi niya sa labi nito. Umungol ito bilang protesta. "What?"

"Umiiyak si Wahlberg."

"Let Dina take care of him."

"But he needs me. Kung kaya ni Dina na patahanin sana nagawa na niya."

Umasim ang mukha nito. "It is our wedding night."

"Iyan pa iniisip mo samantalang umiiyak ang anak mo."

Bumangon ito at isinuklay ang daliri sa buhok. "Ang batang 'yan! Mapapalo ko talaga. Wrong timing."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Ikaw ang papaluin ko."

"Now that's kinky, Mrs. Evaristo. I like that." Hinatak nito ang tali ng halter niya. "Do you know that I miss you?"

"I miss you, too, Warrick." At tuluyan na siyang natunaw nang halikan nito. Hindi na niya narinig pa ang pag-iyak ng anak nila.

Wahlberg would be fine. Their marriage would work.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!