Chapter Sixty-Seven

43.3K 795 10

Natulala siya habang maang na nakatitig kay Warrick. Gusto nitong magpakasal sila? “May sakit ka ba? O baka lasing ka.” Inamoy ang hininga nito pero di naman matapang ang amoy ng alak sa hininga nito. “You must be deranged, Warrick. Actually, weird na ang mga ikinikilos mo mula kahapon pa. Una, niyaya mo akong samahan ka sa party. Ngayon naman gusto mo akong pakasalan. Gusto mo bang magpatawag na tayo ng psychologist para tingnan kung may tama ka na? Hindi ka ba nilalagnat sa mga sinasabi mo?”

Huminga ito ng malalim at may inilabas na kahita sa bulsa nito. “Gusto ko sanang mag-propose sa iyo sa harap ng maraming tao kanina sa party matapos kong magbigay ng speech bilang isa sa principal sponsors ng fundraiser. Pero dahil sa nangyaring gulo kay Ludwig, hindi na iyon natuloy.” Binuksan nito ang kahita at tumambad sa kanya ang emerald cut engagement ring at kumikindat sa kanya ang diamante nito. “

Naguguluhan niyang inangat ang tingin mula sa singsing patungo sa seryoso nitong mukha. He didn’t look like a man professing his love for a woman. “Warrick, baka nakakalimtan mo kung sino ako. Galit ka sa pamilya ko. At isusuko mo ang pagiging binata mo sa babaeng hindi mo na nga mahal, galing pa sa pamilyang kinamumuhian mo. This is insane!”

 “I despise your family but not you. You are the mother of my child. Ikaw lang ang pwedeng tumayong nanay niya. Gusto kong bigyan siya ng maayos na pamilya. Pareho na tayong may karapatan sa kanya oras na makasal na tayo. I asked you to be my woman because being a nanny won't cut it. Gusto kong igalang ka pa rin ng mga kasama natin dito sa bahay bilang ina ng anak ko. Pero iba ang sitwasyon sa mga taong ito. Huhusgahan ka nila at dudurugin oras na malaman ang sitwasyon natin. Bilang asawa ko, magdadalawang-isip sila na magsalita ng hindi maganda sa iyo."

You can forget about the damn contract because this time we will sign a more binding contract.”

“Marriage is forever, Warrick.”

“I know. Hindi ba mas makakabuti iyon sa iyo? O mas gusto mong habambuhay ko na lang itago sa mundo na di ikaw ang nanay ni Wahlberg at kahit ikaw di niya kikilalaning nanay? Ayaw mo ba siyang bigyan ng normal na pamilya.”

“Siyempre gusto.” Wala siyang ibang pinangarap kundi lumaki sa isang normal na pamilya ang anak niya. Kung saan nagsasama sila ni Warrick bilang mag-asawa. Pero parang isang imposibleng pangarap lang iyon. “Pero Warrick pag-isipan mo pa rin ito. Kaya ka nga kumuha ng babymaker para hindi maging komplikado ang buhay mo dahil sa isang babae. At kung magiging asawa mo ako, I will your wife in a true sense.”

Gumuhit ang mapanuksong ngiti sa labi nito. “I like that. Good point. I miss making love with you. This time you will have all the rights to make love with me.”

“Hindi ‘yan ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, hindi na ako magiging doormat wife. Hindi ako magiging utus-utusan mo lang. Kung pakakasalan mo ako, gusto kong maging normal ang pagsasama natin at di kailangang magpanggap lang tayo sa harap ng anak natin. At gusto kong magpakasal sa lalaking mahal ko.”

“You still love me.”

“Warrick…”

“Don’t you dare deny it. I know you still love me.”

“But you don’t love me. At unfair sa ating dalawa kung magpapakasal tayo.”

“I don’t do love but I know everything about responsibility and family. Gusto kong bumuo ng isang pamilya. Isang bagay na nawala sa akin nang mawala ang mga mahal ko sa buhay. Akala ko sapat na si Wahlberg para matawag kong may pamilya ako. But it was not enough. Hindi tama na ito ang buhay na piliin ko para sa kanya. May pagkakataong hindi ko magagampanan ang pagiging ama ko sa kanya. Kailangan niya ng isang magulang pa na gagabay sa kanya at di iyon magagampanan ng isang yaya lang. Wahlberg needs you.”

“Magsasakripisyo ka para sa kanya?”

“I love my son. And you are the only mother for him. Alam ko na hindi mo pababayaan ang anak natin. Bilang isang ina, alam ko rin na gagawin mo ang lahat para mapalaki siya ng tama. Hindi mo na kailangang magtago sa mundo. Magiging mas maayos ang buhay mo. Lahat ng gusto mong tamasahin bilang Mrs. Warrick Evaristo. Kahit ang pamilya mo ay magkakaroon din ng access kay Wahlberg. Is it so bad being my wife?”

“Kailangan ko munang pag-isipan ito…”

Pinutol nito ang sasabihin niya nang kaibigin siya nito at angkinin ang labi niya. He kissed her as if he was owning her. It has been so long since he kissed her. At sa sobrang tagal ay parang noon lang siya nito hinalikan ulit. It was like the first time. He was arrogant, demanding and he can make her forget out everything else. All she cared about was Warrick and his kisses, his scene and the way he devoured her. And she kissed him back with so much passion and longing. She could kiss him like forever and she won’t get tired of it.

She loved him so much. Pero paano ang pagmamahal nito sa kanya? Kaya ba niyang tumagal sa isang relasyon na siya lang ang nagmamahal? Pero handang magsakripisyo si Warrick para sa pagmamahal nito kay Wahlberg. Hindi ba’t kaya rin naman niya iyong gawin para sa anak niya? Isa pa, ito ang pinapangarap ng kahit sinong babae. Ang pakasalan ng lalaking mahal nito. Ito na ang katuparan ng pangarap niya na akala niya ay imposibleng mangyari.

Nakangiti na si Warrick nang maghiwalay ang labi nila. “I will take that as a yes.”

Isinuot nito ang singsing sa kamay niya at parang sasabog siya sa labis na emosyon. Hindi mahalaga ang halaga ng singsing kundi ang sinisimbolo nito. Matutupad ang pangarap niya. Pakakasalan niya ang lalaking mahal niya. Mabibigyan niya ng normal na pamilya ang anak nila. At naroon din ang pag-asa na sana ay dumating ang panahon na mahalin din siya nito. Sana.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!