Chapter Sixty-Six

42.4K 1.1K 21

Hindi agad bumalik si Krystinia sa ballroom. Abala pa si Warrick sa kausap nitong si Mr. Ongkingko at Mr. Fernan. Isa si Mr. Fernan sa naloko ng kapatid niya at nahihiya siyang humarap dito. Alam kasi niya na hindi pa sila nakakabayad dito. Isa pa ay napansin niya ang pagdikit dito ng anak ni Mr. Ongkiko na dalaga. Hinayaan na lang muna niya ito. Di naman siguro nito mapapancn ang pagkawala niya. Gusto lang niyang sandaling takasan ang mundong minsan niyang kinabilangan kahit na sandali.

Walang tao sa balkonahe. Huminga siya ng malalim at natuklasang halos di siya makahinga sa loob ng bulwagan. Sa kabila ng magandang pagsalubong sa kanya ng ilan, the atmosphere was still stiffling. Di na siya kabilang sa mundong iyon. Hindi niya alam kung para saan. Bilang babae ni Warrick? She was not exactly his woman anymore. Ni hindi na nga ito nagpapakita ng sexual interest sa kanya. Kung ganoon ay bakit gusto nitong iharap siya sa publiko? Di lang isang beses kundi mas mapapadalas pa. Ano ba talaga ang magiging estado niya sa buhay nito? Bakit hindi na lang siya nito patuloy na itago?

Nagulat siya nang may biglang humawak sa baywang niya. "Did you miss me, honey?" Hindi iyon boses ni Warrick kundi kay Ludwig.

Naalarma siya at itinulak ito palayo. "Ludwig!"

Ngumisi ito at inilahad ang palad. "Look at you. Mukha ka na ulit mayaman. Ginagawa mo ito para mapansin kita."

Naamoy niya ang matapang na amoy ng alak mula sa bibig nito. Mukhang lasing na ito. Inilayo niya ang sarili dito. "Excuse me."

Mabuting iwasan na lang ito. Walang magandang maidudulot kung papatulan niya kahit na naiirita siya dito.

Sinambilat nito ang braso niya. "Sandali. Hindi pa tayo tapos magkwentuhan."

"Pakawalan mo ako. Kailangan ko nang bumalik kay Warrick."

Dumilim ang mukha nito. "Hindi ka na babalik sa kanya. Ako naman talaga ang gusto mo. Ano bang ino-offer niya sa iyo? A night with him? Magkano? Hihigitan ko. May pera din naman ako katulad niya. And I sure hell am better in bed than him."

Sinubukan niyang pumiglas at manlaban nang akmang hahalikan siya nito. "Bitiwan mo ako."

"Walang ibang tutulong sa iyo. Magiging akin ka na ngayon."

Isang tili ang pinakawalan niya habang nanlalaban sa pag-asang may makakarinig sa kanya at tutulong. Pinagsisipa niya ito subalit parang balewala lang dito ang panlalaban niya.

"Bitiwan mo siya!" narinig niyang sigaw ni Warrick. Lumuwag ang pagkakahawak ni Ludwig sa kanya nang hilahin ito ni Warrick palayo. Isang suntok ang pinakawalan ni Warrick na tumama sa panga ni Ludwig. Subalit hindi doon natapos ang lahat dahil isinalya ito ni Warrick sa railing ng balkonahe. "Gusto mo bang ihulog kita dito?"

"Huwag! Nalulula ako. M-mamamatay ako," palahaw ni Ludwig. "Wala akong kasalanan. Siya! Siya ang nang-akit sa akin. Pinilit niya ako."

"Anong pinilit? Tigilan mo na si Krystinia dahil ibibitin kita ng patiwarik dito hanggang mamatay ka sa takot."

"Come on. Gagawin mo 'yon sa akin para sa babaeng 'yan? She's nothing. Gagawin niya ang lahat para sa tamang presyo. If the offer is right, she'll choose me over you."

Isang malakas na suntok ang muling kumawala sa kamao ni Warrick at sapol ang bibig ni Ludwig. "Sa susunod na magsalita ka ng hindi maganda o magkamali kang lumapit sa babaeng pakakasalan ko, titiyakin kong magiging miserable ang buhay mo."

Tama ba ang narinig niya o umuugong lang tainga niya sa labis na tensiyon kaya iba ang narinig niya? Sinabi ba ni Warrick na siya ang babaeng pakakasalan nito? Hindi naman siya lasing.

Dumating ang security at ihiniwalay agad si Warrick kay Ludwig. Dinaluhan agad si Ludwig ng ina nito. "Hijo, ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Lasing na naman 'yang anak mo. Wala nang ginawa kundi magdala ng kahihiyan sa pamilya natin. Iuwi na 'yan."

"Papa, killjoy ka talaga. Gusto ko pang mag-party. Nagkakatuwaan lang kami ni Krystinia. Killjoy din pala si Warrick." At hinila na rin palayo ng security si Ludwig.

"Are you okay?" tanong nito at sinipat ang braso niya.

Tumango siya. "Okay lang ako."

“Mr. Evaristo, I apologize for what my stupid son did. Hinding-hindi na ito mauulit,” may himig ng pakiusap si Congressman Cortez. “Ako mismo ang kakastigo sa anak ko. Krystinia, I am really sorry. Kung may magagawa lang sana ako para makabawi sa inyo.”

“O-Okay lang po ako,” sabi niya at napansin na nakuha na nila ang atensiyon ng ibang mga tao. Tiyak na pag-uusapan na naman sila nito.

“Tiyakin lang ninyo na hindi na ito mauulit. I won’t tolerate anyone harming or maligning my future wife,” mariing wika ni Warrick at nagbabalang iginala ang paningin sa mga taong naroon. “Hindi ako mabuting kalaban. Maging malinaw sana ‘yan sa lahat.”

Biglang umiwas ang tingin ng ibang mga tao doon na alam niyang may di magagandang sinasabi at iniisip tungkol sa kanya. Animo’y nabusalan ni Warrick ang bibig ng mga ito. Habang ang ibang kababaihan naman na alam niyang may interes kay Warrick ay nakatulala sa kanila kasama na sina Sandra at ang anak ni Mr. Ongkingko.

“Krystinia, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Maureen nang lapitan sila. “Nalaman ko na tinangka kang gawan ng hindi maganda ni Ludwig. Sabi ko na nga ba’t di na dapat isinasama sa party na ito ang isang iyon. He is a drunkard.”

“I am okay, Tita. Just a bit rattled.”

“We are leaving. Kailangang magpahinga ni Krystinia. Don’t worry. Ipapadala ko na lang po ang donation namin.”

Nakasunod pa rin ang tingin ng marami sa kanila paglabas nila ng function room. Alam nilang pag-alis nila doon ay pag-uusapan na nila ang deklarasyon ni Warrick na siya ang babaeng pakakasalan nito.

Napansin niya na namamaga ang kamao nito. Kinuha niya iyon at pinagmasdang mabuti sa liwanag. “Namamaga ang kamay mo.” Napansin din niya na may sugat iyon na maliit.

“Matigas ang kamao ng hayop na Ludwig na iyon. Gusto ko sanang wasakin ang mukha niya. Di lang kinaya ang kamao ko. Pero okay lang ako. Malayo sa bituka.”

“Kuya Maning,” untag niya sa driver. “Pakitigil po sa pinakamalapit na botika o kaya sa convenience store. Pakibili po ng Betadine.”

Pumalatak si Warrick at inagaw ang kamay sa kanya. “Sabi nang kaya ko ito. Hindi na kailangang gamutin ‘yan.”

“Huwag matigas ang ulo, Warrick. Gusto mo bang mamana ni Wahlberg ang tigas ng ulo mo?” angil niya dito.

Bumuntong-hininga ito. “Ikaw ang bahala.”

Dahil ang tinigilan nilang convenient store ay malapit lang sa isang café kaya niyaya niya si Warrick na tumigil muna doon dahil maaga pa naman ang gabi. Matapos ang nangyari ay kailangan din nilang mag-relax. Umorder siya ng dalawang baso ng hot chocolate.

“Dahil mabait kang bata, ibinili kita ng hot chocolate na may maliliit na marshmallow,” aniya at inilapag sa harap nito ang mug ng hot chocolate. “Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong may chocolate crinikles. Pwede ko ring lagyan.”

“This is silly, you know,” anito at sinapo ang noo.

“Alin? Ang hot chocolate o ang pagagamot ko sa sugat mo?”

“Salamat sa pagsagip sa akin. Natakot talaga ako kanina dahil akala ko walang tutulong sa akin,” sabi niya habang nililinis ng Betadine ang sugat nito.

“Bakit ba hindi ka na bumalik? Hintay ako ng hintay sa iyo. Mabuti na lang may nagturo sa akin na nasa balkonahe ka daw.”

“Hindi lang kasi ako komportable sa loob. Sa akin nakatutok ang mata ng mga tao at alam ko na iba ang iniisip nila sa pamilya ko at sa akin. Na baka isa akong oportunista na gagawin ang lahat para makabalik sa mundong ito.”

“Wala nang mag-iisip ng maganda sa iyo mula ako. Ako ang makakalaban nila.”

“Salamat sa pagtatanggol sa akin pero hindi mo na lang sana sinabi na pakakasalan mo ako. Hindi mo kailangang magsinungaling para depensahan lang ako.”

“Hindi ako nagsisinungaling.” Hinawakan nito ang baba niya at sinalubong ang mata niya. “Marry me, Krystinia.”

Sa mga di pa nakakaboto, pakiboto na po ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Tagalog/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto.

http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!