Chapter Sixty

40.9K 970 4

MASAKIT ang ulo ni Krystinia paggising. Buong gabing gising si Wahlberg dahil may sinat kaya halinhinan silang nagbantay ni Dinah. Bago pa iyon ay ilang araw din siyang walang tulog dahil laging madaling-araw na kung umuwi si Warrick dahil may pinupuntahan itong event.

Ang alam niya ay nangako si Warrick na hindi ito aalis ng bahay para ma-monitor ang kalusugan ni Wahlberg. Kung kailangan daw magpa-check up sa doktor ay sasama ito. Satisfied siya sa dedication na ipinakikita nito kay Wahlberg. Never mind that their relationship was a mess. Hindi na siya nito masyadong tinutukso pero ugali pa rin nitong ilipat siya sa kama mula sa couch. Ang mahalaga ay inaalala nito ang anak nila.

Hahanapin sana niya si Wahlberg nang mapansin niyang nakasilip ang mga kasambahay sa pinto kung saan tanaw ang garden. “Siya ba ‘yung babae?” tanong ni Wiling na nagkakandahaba ang leeg sa pagtanaw.

“Siya nga! Siya nga ang babaeng kasama ni Sir Warrick sa diyaryong ‘to!” sabi ni Trudis at ipinakita pa kay Miling ang hawak na diyaryo.

“Ay grabe! Ang lakas naman ng loob ng babaeng ‘yan at talagang pumunta pa dito sa bahay ni Sir nang kaaga-aga. Paano na kaya si Ma’am Krystinia nito?” malungkot na sabi ni Trudis. “Kawawa naman siya.”

“Ano ‘yon?” tanong niya at sinubukang sipatin ang hawak na diyaryo ng mga ito.

Biglang humarap ang mga ito sa kanya. “Ma’am Krystinia! W-Wala po. May bisita po kasi si Sir Warrick. Tinitingnan lang po namin. B-Babalik na po kami sa trabaho.”

At sa pagkataranta ni Miling ay nabitiwan nito ng diyaryo. Dinampot niya iyon at saka niya nakita kung anong pinag-uusapan ng mga ito. May larawan sa society page si Warrick kasama ang isang tsinitang babae. Sandra Crisostomo ang pangalan nito at wagas kung makapulupot kay Warrick. Iyon ang party na dinaluhan ni Warrick tatlong gabi na ang nakakaraan. Nang tumingin siya sa garden ay naroon ang babae at nilalaro si Wahlberg na kalong-kalong si Wahlberg.

“Warrick, you are as handsome as your son,” narinig niyang sabi ni Sandra. “Baby, you can call me mommy if you want. I am always here for you.”

Naggiyagis siya. The nerve of the woman. Naroon pa siya pero gusto na nitong pumapel sa buhay ng anak niya. Hindi ba sinabi ni Warrick dito na naroon lang siya? Natigilan siya. Siyempre hindi nito sasabihin sa ibang babae nito na kasama rin ang ina ng anak nito sa iisang bahay. As far as Warrick was concerned, she was out of the picture. She was just a nanny and his woman. Pero dahil di naman nito ini-insist na gampanan niya ang huli, ibig sabihin ay yaya lang ng anak nito ang tingin nito sa kanya. Of course, he would take his needs elsewhere. Pero parang malaking sampal naman yata sa kanya kung pati sa harap ng anak niya ay ipaparada nito ang babae nito. Hindi niya ito matatanggap.

Hindi na niya natagalan ang eksena at tahimik na nagtungo sa kusina. Doon na lang siya kumain ng agahan. Nagkasya na siya sa oatmeal cookies na naka-stock doon.

Maya maya pa ay pumunta si Warrick sa kusina at kumunot ang noo nang makita ang kinakain niya. “Diet?” tanong nito.

Binitbit niya ang bote ng oatmeal cookies at lumabas ng kusina. Sa ibang parte ng bahay na lang siya kakain kung saan wala ito.

“Nagpaluto ako ng chicken tocino. Sabi ni Manang Sabel, iyon ang paborito mo. Manghihina ka kung oatmeal cookies mo lang ang kakainin mo. Join me for breakfast.”

Walang kangiti-ngiti niya itong hinarap. “Anong nangyari sa babaeng kasama mo kani-kanina lang? Iniwan ka na agad?”

“Bumalik na siya sa opisina.”

Tumaas ang kilay niya. “Sayang naman. Mukhang nag-e-enjoy siyang magpatawag ng mommy kay Wahlberg. Ganito ba ang plano mo kung sakali? Ipaparada mo ang iba’t ibang babae na magpapakilalang tita o mommy sa anak ko pero walang permanenteng mother figure sa buhay niya? Ito ba ang ideal life na ibibigay mo sa anak ko na ipinagmamayabang mo sa akin?”

Nalukot ang mukha nito. “Ano bang pinagsasasabi mo?”

“That woman. Siya ang babaeng kasama mo sa party noong isang gabi. Naalala mo ba na alas tres ka na ng madaling-araw nang makauwi?”

Umangat ang gilid ng labi nito. “Hinihintay mo pala ako hanggang makauwi ako.”

Napipilan siya. She and her big mouth. Iniingatan nga niyang malaman nito na inaantabayanan niya ang pag-uwi nito. Siya mismo ang nagbuko sa sarili niya. “Wala naman akong pakialam kung anong ginagawa mo kasama ang ibang babae sa labas ng bahay na ito. Ayoko lang na bata pa ang anak ko pero ine-expose mo na siya sa ganitong buhay. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa kanya.”

“Krystinia, you can be that woman if you want to. Sabihin mo lang sa akin. I am willing to oblige you.”

Naningkit ang mata niya. Parang hindi siya nito sineseryoso. “Warrick, gusto kitang hampasin ng boteng hawak ko ngayon pero magtitimpi ako para sa anak ko.”

“Sandra is just one of my executives. Kamag-anak siya ni Chrystler at alam kong gusto niya ako pero hindi ko siya ine-entertain. Wala kaming ibang relasyon. That picture is just a picture. Wala kang dapat ipagselos.”

“Hindi ako nagseselos…”

“At hindi ko siya in-encourage na isipin na pwede siyang maging mommy ng anak ko. Para sa akin, isa lang ang nanay ni Wahlberg. Ikaw.” Pinisil nito ang baba niya at hinaplos ang gilid ng labi niya. “Pwede na ba tayong mag-breakfast? Gusto kong ipa-check up si Wahlberg. Sasama ako sa pedia niya.”

Humupa na ang inis at selos niya at sa huli ay hinayaan niya itong akayin siya. How could she hate him when he says all the right words? She was hopeless.

***Naiboto mo na ba ang Baby, Be Mine sa Filipino Readercon? E ang kapamilya mo? Bestfriend? Tropa? Jowa? Ex-jowa? Crush? Ang buong baranggay? Kung hindi pa,click http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot at piliin ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Tagalog/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!