Chapter Fifty-Nine

39.4K 712 2

NAKAUPO sa balkonahe si Warrick habang pinagmamasdan si Krystinia na pinapaarawan si Wahlberg. Di niya napansin na mag-iisang buwan na pala ito sa poder niya.

“Parang hinihipan lang ang anak mo. Noong ipanganak iyan at nasa incubator tingin ko kasing liit lang siya ng kuting,” sabi ni Chrystler nang sundan ang tingin niya.

“Laging gutom iyan. Bumabawi siguro dahil mas maaga siyang ipinanganak.” His son was a bundle of miracle. Hindi niya inaasahan na ie-enjoy niya ang pagkakaroon ng anak. Kapag pressured siya sa trabaho o kaya ay may problema, kailangan lang niyang tingnan ang picture nito sa cellphone niya at nagiging klaro ulit ang utak niya.

“How about you and Krystinia?”

“Magaling siyang mag-alaga ng bata,” kaswal niyang sabi.

“A good mother, you mean?”

“No. Gusto niyang maging yaya ng anak ko. Hindi daw niya kayang mahiwalay kay Wahlberg.” At nakikita naman niya kung gaano kamahal ni Krystinia si Wahlberg. Isa iyong klase ng pagmamahal na nanay lang ang makakapagbigay.

“If I were in your shoes, I don’t think that’s a wise decision. Anak lang ang gusto mo. Magiging komplikado iyan pagdating ng panahon, Warrick.”

Nagkibit-balikat siya. “Sa palagay ko mas makakabuti kay Wahlberg na may nanay. At may mga bagay na kayang ibigay si Krystinia na hindi maibibigay ng kahit sinong yaya.”

Tumaas ang kilay ni Chrystler. “Anong ibig sabihin niyan?”

Tinitigan niya ito. “You are a consummate bachelor. All you want from a woman is fun. Kahit minsan ba natingnan mo ang isang babae bilang isang ina?”

“Hindi pa naman ako nagkakaanak at wala pa ‘yan sa plano ko. So the answer is no.”

“Kaya hindi mo maiintindihan. Oras na makita mo ang isang babae sa anggulo ng pagiging isang ina. Mula sa panganganak niya hanggang sa pag-aalaga ng anak niya, mabibigyan mo siya ng ibang klaseng respeto. Basta!”

Parang tinadyakan siya sa dibdib niyang makitang bine-breastfeed ni Krystinia ang anak nila. It was sexy in a different way. Pero naroon pa rin ang respeto. Kaya nga hindi niya ito basta-basta matukso. At alam niyang kahit na maraming babae ang gustong kunin ang atensiyon niya, si Krystinia pa rin ang natatangi sa mga ito.

“Respeto. It means you are celibate. And your celibacy means fidelity. Ano pa nga bang ibig sabihin? Kasalan na!”

Umiling-iling siya at humigop ng kape. “Hindi mo makukuha ang Lambhorgini ko. Di dahil nirerespeto ko na siya ay pakakasalan ko na siya. At lalong di dahil diyan ay in love na ako sa kanya.”

“I don’t care about the damn car. Kaya kong bumili noon. I want you to be happy.”

“Masaya naman ako. I am a father now.”

“But you can’t be really happy if you don’t have the mother.” In-on nito ang PC tablet nito. “Anong problema mo kay Belmonte?”

Ayaw niyang mahalin si Krystinia. She was a Valdesco. Iyon din ang dahilan para hindi siya nito mahalin. Mas gusto niya ang sitwasyon nila ngayon. Nasa kanya ang anak niya. He didn’t want to venture in things that he couldn’t control.

Hangga’t kaya niyang pigilan ang puso niya ay gagawin niya.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!