Chapter Fifty-Five

37.8K 799 1

MATINDING kaba ang nararamdaman ni Krystinia habang bumibiyahe sila pabalik ng Maynila. Katabi niya ang nursemaid na makakatulong niya sa pag-aalaga ni Wahlberg. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanilang mag-ina.

Hindi kasama si Warrick sa sumundo sa kanya dahil may inaasikaso daw ito sa opisina. Subalit tinitiyak nito na nakahanda na ang mga kailangan nila.

Mahigpit niyang hinapit sa katawan niya ang natutulog na si Wahlberg. Bahala na. Kahit ano gagawin niya para makasama lang niya ang anak niya.

Nang dumating siya sa bahay ay sinalubong sila ng mga kasambahay. “Welcome home, Ma’am Krystinia. Welcome home, baby Wahlberg.” Home. Magiging bahay na niya ang villa na iyon. It was more of a prison. Nakakulong siya sa bahay at buhay ni Warrick habambuhay.

“Ito na ba ang prinsipe namin?” tanong ni Trudis at pinagmasdan si Wahlberg.

“Ang guwapo namang baby,” sabi ni Miling, ang nagpakilalang kusinera doon. “Kamukha ni Sir Warrick.”

“Baby pa iyan. Paano mo malalaman? Magkakamukha naman mga baby,” sabi ni Trudis saka nakangiti siyang binalingan. “Siguradong pagod na kayo. Magpahinga muna kayo sa kuwarto ninyo.”

Idinala nila si Wahlberg sa nursery. Masarap sa mata ang theme ng kuwarto nito. Maaliwalas iyon at nagustuhan niya ang wallpaper na may malawak na damuhan at asul na langit habang naghahabulan ang mga bata at iba’t ibang hayop. May iba’t ibang laruan na ring binili si Warrick. Pinaghandaan talaga nito ang pagdating ng anak nila. Subalit parang may humaplos sa puso niya nang makita na naroon din ang mga damit at laruan na ibinigay niya para kay Wahlberg.

Inilapag niya sa crib si Wahlberg at pinaandar ang baby musical na may nakasabit na miniature elephant, bear at bunny. Humikab ito at nakatulog agad. Nakangiti niya itong pinagmasdan habang natutulog. Her little angel. Basta mahimbing na natutulog ang anak niya at alam niyang okay ito, kaya niyang harapin at tanggapin ang lahat.

“Gusto ba ninyong kumain, Ma’am?”

“Si Dinah na lang,” tukoy niya sa nursemaid ni Wahlberg. “Gusto kong matulog.”

“Doon na po kayo sa kuwarto ninyo, Ma’am.”

Idinala siya nito sa kuwarto katabi ng nursery. Pagbukas pa lang ng kuwarto ay alam na niyang iyon ang master’s bedroom. Kasama niya sa isang kuwarto si Warrick?

Bigla siyang umurong. “Manang, pwede po bang sa kabilang kuwarto na lang ako matulog? May kama naman po sa nursery. Para po mabantayan ko si Wahlberg.”

Ninerbiyos siya. She felt like a prudish virgin again. It was silly. Pero natetensiyon siya dahil magkakasama sila ni Warrick sa isang kuwarto. It has been a long time. Marami nang nag-iba sa kanya. She agreed to be his woman but it was too soon. Paano niya maibibigay ang sarili sa lalaking namumuhi sa pamilya niya?

“Doon matutulog si Dinah. Nasa kuwarto ni Sir Warrick ang lahat ng gamit mo.”

“Pero…”

Nagsalubong ang kilay nito. “May problema ba?”

No. Ayaw niyang ipahalata na may kakaiba sa relasyon nila ni Warrick. Ayaw niyang maging usap-usapan pa sila ng mga kasambahay nito.

“Habang wala po si Warrick, doon po muna ako kay Wahlberg,” giit niya. Hangga’t kaya niyang makaiwas kay Warrick ay gagawin niya.

*** Sana po ay suportahan ninyo ang Baby, Be Mine sa Filipino Readercon. Paki-click po ang http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot at piliin ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Tagalog/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!