x46: Fighting Confusion

Magsimula sa umpisa


At yung kagabi? Napagtripan nya lang ako kagabi.. Hahaha.. AH! 


*shake shake head* >___< 


STOP THINKING ABOUT IT RACHELLYN! 


SABI MO KAKALIMUTAN MO NA YUN DIBA SO FORGET IT ALREADY! 


I took one deep breath again then tinuloy ko nang kumain. 


Maya-maya gumising na nga si Adrian. Naghilamos sya muna bago sumabay saming kumain. 


When he took his seat, masaya nya kaming binati ng good morning. 


Aba lang. Di nya siguro naalala ang ginawa namin kagabi.. Tch. 


But who cares? Maganda yun. Wala syang naaalala at ako naman ay kakalimutan na ang nangyaring yun. 


Medyo nginitian ko lang sya pagkabati nya tapos kumain na lang ako ulit. Di ko sya feel kausapin ngayon eh. 


Buti na lang din at tinanong nya ko kung gusto ko na umuwi. Um-oo ako at dinahilan yung sa schoolworks. 


Again, I lied. Pero di bale na. Gusto ko lang talaga na umuwi na. Gusto kong magpahinga sa sarili kong bahay. Feeling ko kasi masyadong pagod na ang utak at puso ko sa mga nangyayari. 


So after breakfast, natuloy kaming umuwi pa-Manila. 


Tahimik kami sa byahe. Himala nga at pati si Andy, tahimik sa may backseat. 


"Chelle, kain tayo?" bigla yaya ni Adrian habang nagdadrive sya. 


Naexcite naman ako. Kung kakain kami, malamang magmo-mall kami at mauulit yung family day namin! ^o^ 


But then I thought, wag na lang. =___= 


"Ha? Uh eh.. Kakakain lang natin diba.." sagot ko nang di nakatingin sakanya. 


"Hehe.. Oo nga noh.. Uhm.." 


Haay. Di man lang sya mag-insist. Kahit di na kami kumain. Kahit mall na lang sana para mapasyal ang anak namin. 


"Ano.. Si CJ.. Hinihintay ka ba ni CJ sa bahay nyo?" 


Si CJ.. =/ 


Hinihintay nga ba ko ni CJ sa bahay? 


Malamang hindi.. Haha.. 


"H-Hindi.. Malamang nasa Baguio pa yun.. O pauwi pa lang.." sagot ko. 


"Ganun.." 


Nagpatuloy sya sa pagdrive tapos natahimik na kami ulit. 


Lalong namang sumama ang loob ko.. 


Ang dami-daming pwedeng itanong para maging topic namin tapos yung kay CJ pa? Eh hindi ko nga sya makontak at di nya rin ako kinokontak.. 


Haay.. Ano ba namang buhay toh.. 


Si Adrian, pinagtitripan ako. Si CJ naman, binabalewala ako. 


Ka-depress lang. =/ 


Pero nawala agad ang pagkadepress ko nang marating na namin ang bahay namin. 


"S-SI CJ?!" gulat kong sabi. 


Yung kotse nya kasi, naka-park sa tapat ng bahay namin! Nandito na sya! Kararating nya lang kaya? Ay. Gusto ko na sya makita at makausap! 


Dali-dali akong bumaba ng kotse. Kinuha ko ang gamit namin sa backseat at binuhat si Andy. 


"CHELLE." 


Napatingin ako kay Adrian. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang magtama ang mga tingin namin. 


Siguro kasi, naalala ko na naman yung bagay na gusto ko nang kalimutan pero ito..naalala ko pa rin yun.. 


"Bakit Adrian?" tanong ko sakanya. Di na kasi sya nagsalita. 


"W-Wala.. Pa-kiss lang kay Andy.." 


"Ay, oo! Baby, kiss mo na si Papa!" 


Pumasok sa may passenger's seat si Andy at hinalikan si Adrian. 


"MMMMWUAH! I LOVE YOU PAPA!" ^O^ Baby ko talaga. Wagas maka-kiss. 


"Love you, anak.." pinat pa sya ni Adrian sa ulo bago sya bumalik sakin. 


"Bye Adrian.." paalam ko naman kay Adrian. "Thank you sa..sa pagdala samin kina Mama Margie.." 


He nodded. "Wala yun.." 


Masakit. Bakit ba ito ang nafifeel ko ngayon? 


Sinara ko na ang pinto ng kotse nya at dumiretso ng pasok sa bahay. 


Gusto ko sanang panoorin pa namin syang umalis kaso baka..baka mas masaktan lang ako? 


AH EWAN.. >___< 


Pagkapasok namin ng bahay, agad kong nakita si CJ. 


Nandun kasi sya sa may mahabang sofa, naka-dapa at tulog. 


"DADD--" 


"Shh.." pigil ko sa sigaw ni Andy. Napatakip sya ng bibig. "Nag-i-sleep si Daddy kaya wag tayong maingay.." 


Tumango lang sya. Binaba ko na rin sya sa sahig. 


"Baby.. Gusto mo play ka na lang muna dun sa room ko? Iplay mo yung toys na binigay ni Lola Margie."


"Waaa.. Sige po Mommy.." *o* Pabulong nyang sagot. 


Natatawa kong binigay sakanya yung maliit na backpack na pinuno ng laruan ni Mama Margie kanina. Tapos tumakbo na sya paakyat sa kwarto ko. 


Ako naman ay lumapit kay CJ. Lumuhod ako sa tabi nya at nirest ang ulo ko malapit sa mukha nya. 


I smiled as I was watching him sleep. Para syang bata. Madalas, padapa sya kung matulog, unlike Adrian. 


Adrian.. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!