sya^ si @kimkar! na gusto raw malaman na ang pov ni Chelle kaya ito. sayo na tong chappie na tohhh! RAWRR~ lol. XD salamat po sa pagread ng PB.. ;)) 

- - - - 

x46: Fighting Confusion 




[RACHELLYN's PoV] 


Mmm.. Anong oras na ba.. =___= 


Umikot ako ng higa dito sa kama. Naku. Maliwanag na pala sa labas. 8:30 na ang oras sa may bedside clock at ang baby ko.. Wala na ang baby ko sa tabi ko. 


Psh. Nauna na naman syang nagising sakin. T3T 


Pero nakakatamad pang bumangon eh.. 


Umupo na lang muna ko at niyakap ang mga tuhod ko. 


Grabe. Kagabi ang ingay-ingay ng paligid tapos ngayon, ang tahimik na.. 


'I love you, Chelle..' 


Ay? Magplayback ba raw bigla sa utak ko ang sinabing yun ni Adrian sakin? >///< 


'I love you, Chelle..' 


Ehh oo na! >///< 


Tch. Ano ba toh. Mula pagtulog ko hanggang ngayong paggising ko, ginugulo ako ng nangyari samin kagabi. 


Kagabi.. 


Napahawak ako sa labi ko nang alalahanin ko kung anong nangyari kagabi. Muling bumilis ang tibok ng puso ko at napapa-pigil hininga. 


Kagabi.. Naghalikan kami ni Adrian kagabi at.. 


At sinabihan nya ko na mahal nya ko. 


O///O 


Kaya ba todo asikaso sya hindi lang kay Andy kundi pati sakin? Kasi.. KASI MAHAL NYA KO? 


Mahal ako ni Adrian.. 


*budum*budum*budum*budum*budum* 


Napangiti ako. Di ko maiwasang matuwa sa isiping yun. Tapos, hinalikan nya pa ko kaga-- 


O___O 


O-Oo nga.. Hinalikan nya ko kagabi AT hinalikan ko rin sya.. 


Oh god.. 


Napatakip ako ng mukha. Yung tuwa ko kanina, napalitan ng sobrang kaba. 


Di ko lang basta hinayaan si Adrian na halikan ako.. Hi.. 


HINALIKAN KO RIN SYA.. 


God.. I CHEATED ON CJ.. 


No.. This can't be.. 


Tumayo ako at lumapit sa bag ko. Hinanap ko roon ang phone ko. Pagkakuha ko nun ay dinial ko ang number ni CJ. 


Pero out of reach na naman sya! Tch! Ano na bang nangyayari sakanya?! 


Ito ang nagiging problema namin nitong huli eh simula nang maging busy sya. Busy na nga sya tapos pag nagkakalayo pa kami, ganito madalas ang nagiging sitwasyon namin. Pahirapan syang kontakin. 


CJ's always making me miss him too much. TOO MUCH to the point na nadidismaya na ko. 


Kaya di ko maiwasang mahulog ulit ang loob ko kay Adrian eh. 


O___O 


W-WHAT?? 


H-HINDI! 


No. No. No. WALA AKONG SINABI. 


Mali yun. Maling-mali. 


I LOVE CJ. SI CJ LANG. 


Nagkukulang na nga si CJ pero bumabawi naman sya pag may pagkakataon. Tsaka walang-wala naman ang pagkukulang na yun sa tagal na ng relasyon namin, sa dinami-rami na ng ginawa nya para samin ni Andy. 


At saglit lang toh.. Darating din yung time na kami na lang talaga ni Andy ang pagkakaabalahan nya. Kaya sa ngayon, hahayaan ko syang gawin ang responsibilities nya sa parents nya. 


Tama.. Kaya ko syang intindihin. Kaya kong maghintay. Kaya kong magtiis kasi.. 


Kasi mahal ko sya.. Ma.. Mahal ko si CJ.. 


=/ 


So from this minute on, kalimutan mo ang nangyari kagabi, okay ba Rachellyn.? 


Tinapik ko ang mga pisngi ko at huminga ng malalim. 


OO. KAKALIMUTAN KO NA YUN. 


Kinuha ko ang mga gamit panghilamos ko tsaka bumaba. 


Napahinto ako sa sala. Nandun kasi si Adrian, nakahilata sa may sofa at natutulog.. 


:))) 


AY! 


ANO BANG GINAGAWA KO DITO?! >___< 


Pumunta na kong kusina. Nandun ang mag-lola, naghahanda ng almusal. 


Nang matapos na ko maghilamos, kumain na kaming tatlo. 


"Hay naku yung magpinsan.." sabi ni Mama Margie. "Mga bagsak pa rin.. Sabi ko nang wag uminom ng sobra kagabi pero..hmpf.." =3= 


O___O 


Uminom ng sobra.. Meaning, nagpakalasing.. 


Eh oo.. Kagabi, kumakain pa lang kami eh umiinom na sila ni Ate Hazel.. 


Ibig sabihin, nung hinalikan ako ni Adrian... LASING SYA. 


Nagawa nya lang akong halikan kasi LASING SYA. 


Nasabi nya lang na mahal nya ko kasi LASING SYA. 


Gusto ko tuloy matawa. 


Naniwala ako sa sinabi ng isang lasing. Hahaha.. 


Ang.. Ang sakit.. 


"Rachellyn? Anong problema? Masakit ba ulo mo?" nagaalalang tanong ni Mama Margie. 


Bigla pala kasi akong napahilot ng ulo. 


"Ah hindi po.. May naalala lang po ko.. Hehe.." 


"Naalala? Siguro marami ka pang kailangang gawing schoolworks noh?" 


"O-Opo.. Hehe.." 


"Parehas kayo ni Adrian.." nakangiti syang tumayo. "Gigisingin ko lang sya ah? Excuse me." 


Napasigh ako nang iwan nya kami ni Andy dito sa kainan. 


Ako? Marami pang schoolworks na gagawin? Eh natapos ko na ang lahat nang yun bago mag-Pasko. 


Nakakainis lang. Nakapagsinungaling ako. 


Nagsinungaling ako dahil sa mapanglinlang na halik ni Adrian. 


Nakakatawa talaga. Bakit ba ko naniwala sa sinabi nya? 


Ako? Mahal nya? Kailan ba nagmahal ang isang playboy na tulad nya? 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!