Banat (batch 20)

312 4 2

August 23, 2014

Banat # 135

Pagmulat ng mata

Ikaw ang naaalala

Naiisip mo sigurong limot ko na

Paggawa ng banat at tula

Kaytagal na pala

Nung huling ako'y gumawa

Huwag na magtampo

Kasi ikaw pa rin naman ang sinasamba.

Hindi man magiging katotohanan

Ang ikaw at ako

Kahit hanggang paghanga lang ako

Alam kong alam mong di ako nagbibiro

Nararamdaman ko sa 'yo totoo

Mahal kita, masaktan man ako...

August 25, 2014

Banat # 136

Habang nakahiga sa kama

Iniisip ko ano kaya kung ikaw kasama

Baka di ako makatulog hanggang umaga

Pero ayos lang basta't kasama ka.

Puyat hindi alintana

Mas mahalaga ang ikaw ay nakikita

Nagtatanong ka kung bakit mahal kita

Ang dahilan hanggang ngayon isang hiwaga

Puso ko kasi ang nagkusa

Sinamba ka kahit walang pag-asa

Sa bawat araw mas nakilala ka

Hindi ka perpekto pero di alintana

Mahal kita, mas may mahalaga pa ba?

 August 25, 2014

Banat # 137 (hindi ko alam kung banat pa ba ito o regular text mo)

Hindi ko na lang pala ipopost..wahahahahaha

August 25, 2014

Banat # 138

Lahat ng banat ko galing sa puso

Di man ganun ka -perpekto

Ang mahalaga naman ay ang pag-aalayan ko

Na mapangiti kahit ilang segundo

August 25, 2014

Banat # 139

Kahit sa banat ko man lang

Maramdaman mong walang nagbago

August 25, 2014

Banat # 140

Isang banat bago ka pumikit

Sana mapangiti ka kahit saglit

Sana huwag kang magalit

Sa puso ko hanggang ngayon

Ikaw pa rin, walang kapalit

Kung ika'y maging akin

Para na akong nasa langit

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!