Chapter Fifty

41.1K 899 25

"Warrick... Warrick..."

Inangat ni Krystinia ang kamay habang inaapuhap ito. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya at pakiramdam niya ay walang nakakarinig sa kanya. Parang ulap lang ang nakikita niya sa harapan niya. Lumulutang ang pakiramdam niya. Animo’y bahagyang nakaangat ang kaluluwa niya sa katawang-lupa niya. Patay na ba siya? Iniwan na ba niya ang mundong iyon?

Parang mawawala siya sa sarili habang humihilab ang tiyan niya. Pero nakakaya niya ang sakit at napaglalabanan niya ang takot dahil hawak nito ang kamay niya. Pero nang papasok siya ng delivery room ay binitiwan nito ang kamay niya. Wala na siyang ibang naalala kundi ang sakit habang iniluluwal ang anak niya. Narinig niya ang iyak nito at kasunod niyon ay nawalan na siya ng malay. Hindi na niya nakita ang anak niya. Hindi na niya nakita si Warrick.

May mainit na kamay na humawak sa kanya. "Krystinia, nandito lang ako. Matulog ka ulit. You need to rest."

Kumalma siya. Kahit nag-uulap ang paningin niya at lambot na lambot siya ay pumanatag ang loob niya. Hindi niya ito makitang mabuti pero alam niyang si Warrick iyon. "Ang anak natin?" tanong niya. "Narinig ko siyang umiyak."

"He is  fine. Huwag mo siyang alalahanin. He is healthy."

"Gusto ko siyang makita." Pilit niyang idinilat ang mata pero parang may nakapatong na mabigat na bagay sa talukap ng mata niya.

"Magpahinga ka muna.” Naramdaman niya ang pagdampi labi niya Warrick sa noo niya. “Thank you for bearing my son, Krystinia."

"Huwag mo akong iiwan," pakiusap niya.

Tuluyan na siyang nakatulog. Nang magising siyang muli ay wala na ang kamay ni Warrick na humawak sa kanya. Dream. It was such a good dream. Sana ay maganda pa rin ang mamulatan niya paggising niya. Sana ay makasama niya si Warrick at ang anak niya.

Nang muli niyang imulat ang mata ay mas malinaw na sa paningin niya ang lahat. Naririnig niya ang paggalaw ng mga tao sa paligid niya. May nurse na kumukuha ng blood pressure niya at ang isang nurse naman ay tsine-check ang suwero na nakakabit sa kanya.

Nasaan si Warrick? Nananaginip lang ba siya nang i-comfort siya nito at hawakan ang kamay niya hanggang makatulog siya? Parang imposible iyon. Nagtalo kasi sila bago siya mapaanak ng wala sa oras. He hated the Valdescos. He hated her family. Napakalaki ng kasalanan ng pamilya nito sa kanya.

"Hija, mabuti gising ka na.”

Nanlaki ang mata niya. "Mommy?” Paano ito napunta doon? Paano nito nalaman na nasa ospital siya at nanganak.

"Tumawag sa amin si Aling Yolly at sinabing nandito ka." Niyakap siya nito. Naguguluhan siya. Si Aling Yolly ang tumawag sa magulang niya? Bakit nito gagawin iyon malibang inutusan ito Warrick? “Pinag-alala mo talaga kami. Ano bang nangyari sa iyo mula nang umalis ka sa poder namin? Kailan ka ba bumalik ng Pilipinas?”

Ibinaba niya ang tingin. “Mommy…”

“Kaya ka ba umalis ng Pilipinas dahil buntis ka na? Ayaw mo lang sabihin sa amin?”

Huminga siya ng malalim. “I don’t know where to start. Hindi ko po alam kung paano magpapaliwanag.”

Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na hindi siya ang kikilalaning ina ng anak niya. Na ang ama ng anak niya ay ang gustong sumira sa pamilya niya. Magulong-magulo ang isip niya. Mas magulo pa ngayong alam na ng pamilya niya ang tungkol sa anak niya.

“Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya.” Maluha-luha ang mama niya. Ngayon lang niya itong nakitang umiyak para sa kanya. “Ang importante kasama mo kami.”

"Alam na po ba nila Papa at Kuya?"

Tiyak na dismayado sa kanya ang papa niya. Hindi pa nga tapos ang eskandalo ng kapatid niya. Heto at nagdala naman siya ng kahihiyan sa pamilya. 

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!