Chapter Forty-Seven

40.7K 831 6

NAKAUPO si Krystinia sa rocking chair na nasa balkonahe habang nakatanaw sa papalubog na araw. Nagsisimula nang lumamig pero ayaw pa niyang umalis doon. Ni ayaw niyang gumalaw. She cherished the serenity even there was turmoil inside her. Even if her life was a mess. Kung pwede lang tumigil ang oras para makasama pa niya ng mas matagal ang anak niya. Para mas makasama pa niya ng matagal si Warrick. Pero hindi niya mapipigil ang pagtakbo ng panahon. Ang ikinatatakot lang niya ay baka hindi lang siya ang mahal ni Warrick. Kapag ba lumabas na ang anak nila ay mamahalin din nito ang anak nila? O pababayaan lang nito? Nangangamba siya na dahil sa galit ni Warrick sa kanya ay madamay ang magiging anak nila.

Nagsisimula na siyang antukin nang maramdaman niya ang kumot na ipinatong sa katawan niya. Nagulat pa siya at pagdilat ay si Warrick ang bumulaga sa kanya. “Matulog ka ulit. Dinalhan lang kita ng kumot dahil nagsisimula nang lumamig.”

“Thank you,” nausal lang niya dahil parang magandang panaginip ang lahat. Kumurap siya at inasahang mawawala ito o magbabago ng anyo. Napapitlag siya nang hindi pa rin ito nawawala sa harap niya at pinagmamasdan siya. “Warrick…”

“Hmmm…” anito at umuklo sa harap niya.

“Nandito ka pa rin? Hindi ba bumalik ka na sa Manila kanina?” tanong niya.

“Hindi ako lumayo. Nagpaikot-ikot lang ako kanina para magpalamig. Alam ko naman na mali ako dahil na-late ako. I want to stay longer. Gusto kong mabantayan kang mabuti. Gusto ko lang alagaan ka. Na-neglect kita nitong nakakaraang linggo. May gusto ka bang kainin?” tanong nito.

Iniwas niya ang tingin dito. Ayaw niyang magpadala sa nararamdaman niya. Manghihina na naman siya at mapapalapit ang loob dito. Pero sa huli ay isasampal lang nito pabalik ang pagmamahal niya. Natuto na siya ng leksiyon. Tama na iyon. “Si Aling Yolly na ang bahala sa pagkain ko. Alam niya ang gusto ko at ang pwede para sa akin.”

Hinila nito ang upuan at umupo sa harapan niya. “Hindi ka ba nahihirapan sa anak natin?”

Nagkibit-balikat siya. “Medyo malikot na siya nitong nakakaraang araw. At sinabi din ng doktor kanina na tama lang ang size niya sa edad niya. Kailangan ko lang bantayan ang kinakain ko para di siya masyadong lumaki at di ako mahirapan sa panganganak.”

“Sa susunod hindi na ako male-late sa check up. Titiyakin kong naroon ako kasama mo.”

“Warrick, sana tuparin mo iyan. Hindi para sa akin kundi para sa magiging anak natin. Bata pa lang ako, lumaki na akong wala ang ama ko sa tabi ko. Lumaki ako nang hindi nararamdaman ang pagmamahal niya hanggang ngayon. Kahit anong gawin ko, hindi niya ako ma-recognize. Kundi pa nangyari ang trahedyo sa pamilya namin, di pa niya mare-recognize ang kahalagahan ko bilang anak niya. Sana… sana hindi iyon danasin ng magiging anak natin.”

“Hindi ko siya pababayaan. I can provide her everything.”

“Except a mother’s love. Kahit na uhaw ako sa pagmamahal ng tatay ko, nariyan ang Mama ko para iparamdam ang pagmamahal niya. Nang maulila ako, maswerte ako na minahal ako ni Mommy Serafina na parang tunay na anak. Alalahanin mo na oras mawala ako, ikaw na lang ang tatayong ina at ama sa magiging anak natin. Pwede mong sabihin na wala akong karapatan sa bata pero sana lang huwag mo siyang babalewalain o pababayaan mo. Kung wala ka, sino pa ang tatayong magulang niya?” tanong niya.

Umuklo ito sa harapan niya at ginagap ang kamay niya. “Krystinia, gusto ko lang malaman mo na importante sa akin ang anak ko. Hindi lang dahil tagapagmana ko siya kundi dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko,” puno ng emosyong sabi nito.

“Warrick, wala kang ikinukwento sa akin tungkol sa pamilya mo. Well, maliban sa ulilang lubos ka na at wala kang kilalang malayong kamag-anak.”

Huminga ito ng malalim. “Galing lang ako sa simpleng pamilya. Maliit na negosyante ang tatay ko at plain housewife naman ang nanay ko. Namatay ang nanay ko noong ten years old ako. Ang Ate Miranda ko na ang naging nanay ko mula noon. Matanda lang siya ng dalawang taon sa akin.”

Napansin niya ang paglungkot ng mga mata nito. “Anong nangyari sa kanya?”

“Nabuntis siya noong eighteen years old siya. Nabuntis siya ng anak ng may-ari ng kompanya ni Tatay. Iniwan siya ng lalaki at di pinanagutan. She died of giving birth.”

Nasapo niya ang dibdib. “Warrick, I am sorry. Sixteen ka lang noon?”

Tumango ito. “Inatake sa puso si Tatay sa sama ng loob. Kinuha ako ng ninong ko na matandang binata at inampon. Pamilya ko ang inspirasyon ko kaya ako nagsikap at nakarating sa kinalalagyan ko. That’s why I want to be responsible for my child. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya at titiyakin ka na walang aapi at mananakit sa kanya na kahit sino.”

Niyakap niya ito. She wanted to hold that younger Warrick inside him. Pakiramdam siguro nito ay mag-isa na lang ito matapos kunin dito ang mga mahal nito sa buhay. “. Hindi ko alam na ganyan ang pinagdaanan mo.” He was a survivor. Sa lahat ng pinagdaanan nito, nagawa nitong umahon sa hirap. Very admirable.

Nagningning ang mga mata nito. “Can I touch you? I just want to feel my son. Nakikita ko iyon ang ginagawa ng ibang mga tatay.”

Tumango siya. “Sure.” Kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa tiyan niya. Nakaramdam siya ng kakaibang emosyon na di pa niya nadarama noon. Kakaiba ang init ng kamay nito sa tiyan niya. Parang iyon ang unang contact ni Warrick sa anak nila. At hindi niya alam kung bakit parang naiiyak siya.

Napapitlag ito nang sumipa ang bata. “Ano iyon?”

Ngumiti siya. “That’s your son saying hello, daddy.”

“Wow! That’s great.” There was full of wonder in his eyes. Parang isa itong bata na may isang kakaibang bagay na nadiskubre. Nakangiti nitong idinikit ang pisngi sa tiyan niya. “Sumisipa nga siya. Malikot siya. Hindi ka ba niya pinapahirapan?”

“I can manage. Kapag daw malikot ang bata, ibig sabihin healthy siya.”

There was something special abou that moment. It was like she and Warrick shared a very special bond, much better than the first bond they shared when they made love or when he discovered that she was special. May buhay nang nag-uugnay sa kanila ngayon.

“O! Biglang tumigil,” anito at puno ng tanong ang mga mata siyang tiningnan.

“Napagod siguro,” nakangiti niyang sabi.

“Idadala ko na sa Manila ang mga pinamili mo para sa baby natin para mailagay na sa nursery. It is the least I can do for you.”

 “Thank you, Warrick. Alam ko na mabuti kang tao.”

 It was good to know that the father of her child was a good man. Alam niyang maaalagaan nito ang anak nila dahil na rin sa mga pinagdaanan nito. Para kay Warrick ay walang ibang magmamahal dito kundi ang anak lang nito. Ang anak na lang nila ang natitirang pamilya nito. Kung hahayaan lang sana siya nitong mahalin niya.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!