Chapter Forty-Six

38.3K 1.2K 29

"YOUR baby is healthy. The size is just right for five months,” wika ng doktor kay Krystinia matapos ang ultrasound niya. "No more morning sickness for your husband?"

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya. "He is fine."

"I hope hindi ka masyadong nag-iisip at nag-aalala. Nakakaapekto iyan sa bata. Nakakaapekto rin kung sasama ang loob mo. So as much as possible iwasan mo iyon. Sabihin mo rin iyon sa mister mo,” bilin nito.

Hindi niya alam kung paano iyon sasabihin kay Warrick. Heto nga at wala ito para sa check up niya. Nakita niya sa isang online magazine ang larawan nito sa isang party nang nakaraang gabi lang kasama ang isang Sandra Crisostomo. Maganda ang babae, sexy at sopistikada. Executive daw iyon sa isa sa kompanyang hawak ni Warrick. Mukhang mas abala ito sa mga ganoong klaseng babae. She didn't really care if he was too busy with work or with another woman. Pero nangako ito na sasamahan siya pagpapa-check up at hindi nito nagawa. Iyon ang pinakamasakit sa kanya. Kahit man lang para sa bata ay di nito tinutupad ang pangako nito.

Papalabas na siya ng clinic nang makasalubong niya si Warrick na tumatakbo papuntang clinic. "I am sorry. Medyo na-late ako."

"Medyo?" nakataas ang kilay niyang tanong. "Mali yata ang nailagay mong appointment sa scheduler mo. Tapos na ang check up ko. Pauwi na nga ako, Mr. Evaristo."

Saka siya lumabas ng clinic at iniwan si Warrick. Taas-noo siyang nagmartsa papunta sa kotse. Pagsakay ay isasara na sana niya ang pinto pero naisingit ni Warrick ang katawan at umupo sa tabi niya. Matiim na matiim ang anyo nito.

"Bakit basta mo na lang akong tinalikuran at iniwan? Kinakausap pa kita."

Sumandal siya. "Pagod na ako. Sabi ng doktor na bawal akong ma-stress at bawal sumama ang loob. Kaya kung makikipagtalo ka lang sa akin,  sa susunod na lang kapag pwede nang ma-stress. Ipapa-schedule ko sa iyo."

Bago na naman ito may  masabi ay ipinikit  na niya ang mga mata. Nakakapagod din ang mga nagdaang araw sa kanya. Mahirap magpanggap na di siya nasasaktan sa ginawa ni Warrick na pambabalewala sa kanya. She couldn't function well with a heavy heart. Di niya napaghandaan ito. Pakiramdam niya ay sasabog siya.

Hindi siya nakatulog pero nanatili siyang nakapikit habang biyahe. Dumilat lang siya nang ipasok sa gate ang kotse. "We are here," narinig niyang usal ni Warrick. Inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan. “Look. I apologize if I am late. Biglang may mga papers na pinapirmahan si Sandra sa akin..."

Nang marinig na si Sandra ang dahilan ng pagka-delay nito ay nag-init ang tainga niya. "Hindi mo kailangang mag-apologize. Nagawa ko namang magpa-check up ng wala ka. Kaya ko namang mag-isa."

"Hindi ko naman sinadya na ma-late."

"I know that you are a very busy man. The baby and I are healthy. Oh! You missed the ultrasound session." Dinukot niya sa bag ang pictures at inabot dito. "Here's your son."

Napanganga ito. "Lalaki ang anak ko?" usal nito at hindi maitago ang kaligayahan sa mga mata. Gusto sana niyang tikisin ito pero di naman niya kayang ipagkait dito ang mga bagay na na-miss na nito.

"And here is the DVD to complete the experience. Next time kung masyado kang busy pwede ko namang i-email na lang sa iyo ang picture ng ultrasound ko. For the videos, i will upload them on Youtube. Para naman mas convenient sa iyo. Di mo na kailangang magtiyagang pumunta dito."

Nagsalubong ang kilay nito. "Why are we having this kind of conversation? Na-late lang naman ako. Bakit parang napakalaki na ng kasalanan ko?”

"Hey! Hindi ako galit dahil na-late ka. No big deal. Nahihiya nga ako dahil malaking abala 'to sa iyo. You are a very busy man. Huwag ka nang magpakapagod na pumunta dito. You did your part. I am pregnant now. All you have to do is wait for the baby to be born. Magse-set na lang ako ng appointment sa sekretarya mo kapag malapit  na ang due date ko."

"Ayaw mo na akong makita?" tanong nito.

Kung pwede nga lang ay hindi na ito umalis sa tabi niya. But she had too much pride to ask for that. Masyado na siyang nasaktan para hilingon pa iyon.

“No. I am afraid it's the other way around. Ayaw mo akong makita. Ni ayaw mo nga akong kausapin kapag tumatawag ka. Puro si Aling Yolly kausap mo. Hindi ako manhid."

"You are just imagining things. Hormones lang iyan. Wala naman talagang problema. Pinapalaki mo lang ang isyu."

"Hormones?” Tumawa siya ng pagak kahit na mangiyak-ngitak na siya. “What a nice escape. Ako pa ang may problema ngayon. Napaka-convenient para sa iyo na isisi sa hormones ko. Kung ayaw mo akong makita, wala namang problema. Naiintindihan ko. Huwag lang ganito na pati anak natin idadamay mo.”

Tinitiis niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Matitiis niyang may kasama itong ibang babae. Pero nasasaktan siya para sa anak niya na nadadamay dahil ayaw nito sa kanya.

Bumuntong-hininga ito. "If I'll upset you like this, mabuti pang sa next check up na lang tayo magkita. Bilin ng doktor huwag pasamain ang loob mo."

"Bakit di na lang pagkapanganak ko? O mas gusto mo ipa-deliver ko na Lang sa bahay mo ang bata?"

Napailing na lang ito. "Magpahinga ka na.” At iniwan siya nito sa silid.

Napahagulgol siya ng iyak nang marinig niya ang ugong ng sasakyan nito. Umalis na ito. Tuluyan na siyang iniwan. Dapat na siguro siyang masanay sa kakapiranggot na atensiyong ibibigay nito mula ngayon. Sa ganitong klaseng set up, isang malaking kasalanan ang magmahal.

*** Paki-push po ang pagboto para makapasok ang Baby, Be Mine at ma-reprint. Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Tagalog/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto. Salamat po!

http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!