Chapter Forty-Two

41.7K 948 20

"Anak, nahuli na ang dalawa sa mga kasama ng kuya mo na si Richard Decena. Ituturo na rin nila kung nasaan ang iba pang kasabwat nila. Willing daw silang ibalik ang pera. Mas makakaluwag na tayo dahil di na natin masyadong iintindihin ang iba pang pinangakuan nating babayaran. Kaya  mag-relax-relax ka diyan."

Nakahinga ng maluwag si Krystinia sa magandang balita mula kay Serafina. Ilang araw na rin niyang inaalala ang kaso ng kapatid niya. Ina-update naman siya ni Warrick dahil di tumitigil ang private investigator na kinuha nito para matunton ang mga miyembro ng sindikato. "Mabuti naman po, Mommy. Si Papa po ba hindi lumalagtaw ng inom ng gamot?"

"Kinukulit ko. Hindi pwedeng hindi siya uminom ng gamot dahil kailangan niyang maging malakas para sa ating pamilya niya. Anak, ibinebenta ko na mga designer items ko. Hindi naman bagay dito sa farm ang mga gamit ko. May-ari ng sosyal na ukay-ukay sa Makati ang isang kumare ko. Wala daw akong dapat alalahanin dahil di naman daw niya ako babaratin. Kumikita na rin ang Kuya Thirdy mo sa farm. Supervisor na nga siya. Gusto niya ang trabaho dito.”

"May awa naman po ang Diyos, Mommy. Makakabawi din po tayo."

Natutuwa siya dahil nagsusumikap ang pamilya niya na mag-adjust. Mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon pero umaasa siyang malalagpasan nila ang lahat. Mas maganda na ang kalusugan ng ama niya dahil bukod sa sariwang hangin sa farm ay di na nito iniintindi pa ang mga responsibilidad sa Ageless Beauty. Sabi ni Serafina ay di na nito hinahanap-hanap ang magarbong buhay. Mababait daw kasi ang mga tao sa farm. Subalit si Thirdy ang pinakanag-e-enjoy sa lahat. Mas gusto daw nito ang buhay sa farm. May privacy nga naman ito doon. Di tulad sa dating mundong ginagalawan nito na maraming nanghuhusga dito. Ngayong nahuli na ang ibang kasabwat nito sa pyramid scheme, magiging mas panatag na ang isipan niya.

"Intindihin mo kung paano makakabawi sa mga kaibigan mong tumulong sa atin. Alam ko malaki-laki rin ang nautang natin lalo na sa pampiyansa ng kuya mo at pagpapagamot ng papa mo. Asenso na talaga si Frecy ngayon. Mukhang malaki ang kita ng asawa niya na kapitan ng barko. Sana ganoon din ang magiging asawa mo.”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Di niya maiwasang pangarapin na balang-araw ay matutulad din siya sa mga normal na babae. Na pakakasalan siya ng ama ng anak niya. Wala namang masamang mangarap lalo na tuwing inaalagaan siya ni Warrick.

" Basta po makaluwag daw po tayo pwede na tayong magbayad. At huwag na po ninyong intindihin ang pag-aasawa ko,” aniyang di maiwasang matawa.

“Sa ganda mong ‘yan, imposibleng walang lalaking magkagusto sa iyo diyan.” Inilapit nito ang mukha sa webcam na animo’y sinisipat ang itsura niya. "Tumataba ka yata."

Nasapo niya ang pisngi. "Ganoon po ba? Nahihiyang po ako dito."

"Magkwento ka lang sa akin ng nangyayari sa iyo diyan. Baka nami-miss mo kami."

Gusto talaga niyang magkwento dito ng nangyayari sa kanya. Ng nararamdaman niya. If only she could tell her family that she's pregnant. Na excited siyang maging nanay. At nami-miss din niya si Warrick. Ilang linggo na naman niya itong hindi nakikita.

Nang dumating si Warrick ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. "Thank you, Warrick. Nahuli na ang mga kasabwat ni Kuya na tumawag. At dahil diyan ay mas matatahimik na ang pamilya ko."

"That's good news,” anitong bakas din ang saya sa mukha. “Ayoko nang inaalala mo pa ang problema ng pamilya mo.”

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong mo."

Kumislap ang mata nito. "I am hardly an angel or a hero. I am the devil remember?"

"Kahit ano ka pa, magiging iba siguro ang buhay ko at ng pamilya ko kung wala ka. You are a miracle, Warrick."

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!