Chapter Forty

40.9K 736 2

Pasimpleng sinisilip ni Krystinia si Warrick sa banyo. Nakaupo ito sa tabi ng toilet bowl at nagsusuka pa rin. Pang-ilang beses na iyon mula kanina. Nag-aalala na talaga siya dito. Mukhang malala ang talaga ang sakit nito.

Bigla siyang nagtago nang tumingin ito sa direksiyon niya. “Sinabi nang huwag mo akong tingnan, di ba?” angil nito kahit nanghihina na.

Mariin siyang pumikit. Nakita rin pala siya nito. “S-Sorry. Ipapahanda ko na ang kotse. Dadalhin ka na namin sa ospital.” Nag-aalala na talaga siya dito. Parang malala na ang sakit nito.

“No! Sinabi ko na….” Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay dumukwang ulit sa toilet bowl. “Ayoko na.”

Hindi na siya nakatiis at hinaplos niya ang likod nito. “Sabi ko naman sa iyo dadalhin ka na namin sa ospital.” Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Pinahid niya ang mukha nito. “This is really serious.” Warrick was always the tough one. Parang wala itong inuurungan. Kaya hindi siya sanay na nakikita itong nanghihina.

“Nanggaling na ako sa ospital. Wala silang nakitang problema. Baka stressed out lang ako. Sabi ko sa iyo ako ang nakakuha ng paglilihi mo. How can I make it stop?”

Hinaplos niya ang buhok nito at tumayo nang dumukwang ulit ito sa bowl. Hinang-hina na talaga ito. “Dito ka muna. Huwag ka munang magpilit na umalis.” Walang mag-aalaga dito kung hahayaan niya itong umalis at ayaw din naman nitong pumunta ng ospital.

Inalalayan niya itong humiga sa kama. Nakasalubong niya si Aling Yolly na dala na ang tray ng chicken noodle soup na ipinahanda niya at pati crackers. “Salamat po, Manang.”

“Baka naman talagang sa kanya napasa ang paglilihi mo. Meron daw talagang ganoon. Ayaw mo ba noon? Hindi na ikaw ang maglilihi.”

“Kawawa naman po si Warrick,” aniya at nag-aalala itong pinagmasdan. “Busy po siyang tao. Maraming trabaho.”

“Mabuti nang nandito siya para maalagaan mo. Matagal ka rin niyang hindi nadalaw, hindi ba?” Kinindatan siya nito. “Sige na. Asikasuhin mo na ang asawa mo.”

Idinala niya sa kama ang bed tray. Nakasandig ito sa pinagpatong na unan habang nakapatong ang braso sa noo. “Warrick, humigop ka muna ng chicken soup. Mag-crackers ka rin. It will help settle your stomach.”

“Hindi ko alam kung kakayanin kong kumain ng kahit ano.”

“Pero ito naman talaga ang kinakain ng mga…”

“Naglilihi?” tanong nito at tumingin sa kanya. Noong una akala niya ay hindi ito kakain pero sumubo ito ng soup at nasundan iyon. Pero alam niyang gumagana ang isip nito. Marami itong responsilidad. But he was stuck with her.

“I am sorry.”

Nagtataka siyang pinagmasdan nito habang ngumunguya ng crackers. “Bakit? May ginawa ka bang mali?”

“Ako dapat ang naglilihi at hindi ikaw. Ako dapat ang dumadanas ng pinagdadaanan mo.” Hinaplos ulit niya ng bimpo ang noo nito. “Alam ko iniintindi mo pa ang mga trabahong naiwan mo sa Manila. Baka nag-aalala na rin sila kung anong nangyari sa iyo. Kung alam ko lang kung anong pwedeng gawin para mawala iyan.”

“No. Don’t say that. Kaya ko naman ito. Mas mabuti ngang ako ang maglihi kaysa ikaw. Siguro shared responsibility na rin ito sa akin. Para kahit hindi kita kasama, nae-experience ko rin ang pagbubuntis mo. Dadalhin mo pa ang anak natin, manganganak ka pa.” Hinawakan nito ang kamay niya at idinampi sa pisngi nito. “I can bear this. Just stay here with me.”

Inalis niya ang tray at tinabihan ito. He cuddled to her like a little boy. Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya. “You smell so good. You make me feel better.”

Isinuklay niya ang daliri sa buhok nito. “Bola!”

He was teasing her again and she missed it. Nang nakakaraan kasi ay di na nila ito nagagawa. Ang magkwentuhan at magtuksuhan. Biglang-bigla ay naging ibang tao si Warrick sa kanya. Bigla ay lumayo ito.

“That’s the truth.” Naramdaman niya ang pagngiti nito. “I was such a devil this past few days. Mabilis uminit ang ulo ko at sensitive din ang pang-amoy ko. Napaiyak ko si Sandra dahil sabi ko nahihilo ako sa pabango niya.”

“That’s not nice, Warrick,” panenermon niya.

“I know. I know. Pero naglilihi nga ako, di ba?”

Iniikot niya ang mga mata niya. The sheer arrogance of this man was really something. “Warrick, hindi excuse iyan.” Sinilip niya ito at pinanlakihan ng mata. “You should apologize.”

 “I will apologize eventually.”

“Eventually?”

Kumunot ang noo nito. “Kapag napalitan na niya ang pabango niya. O mas dapat ko siyang regaluhan ng bagong pabango? Ano sa palagay mo?”

Sumakit ang sentido niya dito. Kahit pa nga ba lagi siyang inaaway ni Warrick, ayaw naman niyang sigaw-sigawan ito ni Warrick at paiyakin dahil lang sa pabango.

“Warrick, subukan mong sa akin gawin iyan at mag-aaway talaga tayo,” banta niya.

“Good boy na ako,” malambing nitong sabi at lalo siyang hinapit palapit. Nang tumingala ito sa kanya ay may kakaibang kislap sa mga mata nito. “Masama pa rin ang pakiramdam ko. Please make me feel better.”

Tumaas ang kilay niya. “What do you want?”

Inangat nito ang sarili. “A kiss. Just a simple kiss.”

Nang tumango siya ay inangkin nito ang labi niya. The kiss was gentle and slowly burning her soul. Yumakap siya sa leeg nito at ibinuka ang mga labi. Nang magpatuloy at lumalim ang halik ay hindi na iyon naging simpleng halik lang. He was branding her body and her soul. And it was not enough. She knew a simple kiss would never be enough. She wanted to be owned, to be possessed.

Tinitigan nito ang mga mata niya nang tumigil ito sa paghalik sa kanya.“Will you make love with me?”

Ngayon lang ito humingi ng permiso sa kanya. Ngayon lang ito nakiusap. And she couldn’t say no to him. Heto na naman siya. kanina lang ay masama ang loob niya kay Warrick. Sinabi niyang ayaw niyang hawakan pa siya nito. Pero napakadali nito para baguhin ang isip at nararamdaman niya. She was hopeless. And she was afraid that she was hopelessly falling for him.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!