Chapter Thirty-Nine

42K 733 9

MALAKAS na malakas ang kaba ni Krystinia habang naghihintay sa clinic ni Dra. Tuazon, ang OB-Gyne niya. Modern ang clinic nito at affiliated ito sa malaking ospital sa Maynila. Hindi alam ni Warrick na nagpatingin na siya at nakumpirma na niyang buntis siya. Pinakiusapan lang niya ang doktor na huwag sabihin kay Warrick na buntis na siya. Na gusto lang niyang sorpresahin ito.

Now she would have to go through it the second time. Mukhang may hinala na si Warrick na buntis siya. Kinakabahan siya kung anong mangyayari sa kanya mula ngayon. It was like a ticking time bomb. Hindi niya alam kung anong magiging kinabukasan niya at ng magiging anak niya.

In-accommodate naman sila ng doktora. Habang tsine-check up siya nito ay malakas ang kaba niya. “Don’t worry. The baby is fine,” bulong nito bago siya pinagbihis.

“Doc, how’s my wife?” tanong ni Warrick nang balikan nila ito.

Kinamayan ito ng doktora. “Congratulations! Your wife is ten weeks pregnant. Magiging tatay na kayo, Mr. Evaristo.”

Nakita niya ang pagsilay ng masidhing saya sa mukha ni Warrick. Ganoon din siguro ang itsura niya nang kumpirmahin ng doktor na buntis siya. Pero di si Warrick ang kasama niya kundi si Aling Yolly. Ito ang niyakap niya sa tuwa. Ngayon ay hinawakan lang ni Warrick ang kamay niya nang mahigpit. Parang pinipigilan nito ang sarili na maging sobrang saya.

“Ilang buwan na lang magiging tatay na ako,” usal nito.

“Malakas ang heartbeat ng anak ninyo. Kapag four months na ang bata, pwede na ninyong malaman ang gender niya kung gusto ninyo.” May inilista ito. “Basta ipainom lang ninyo ang mga irereseta ko na vitamins para sa health ng mag-ina ninyo.” Binigyan din sila nito ng pamphlet sa kung ano ang mga dapat at di dapat na gawin ng isang babaeng nagbubuntis.

“Titiyakin kong masusunod ito, Doc,” sabi ni Warrick.

“Doc, wala naman po akong nararamdamang sintomas na parang naglilihi ako,” sabi niya. “I just feel normal.”

“Ganoon talaga. May ibang babae na may morning sickness, mainitin ang ulo o kaya iyakin. That’s hormones for you.” At sinabi nito kung ano ang mga pwede niyang gawin para maibsan iyon kung sakaling magka-morning sickness siya.

“Doc, paano po kung ano naman ang nagka-morning sickness?” tanong ni Warrick.

Tumikhim ang doktora. “Imposible po yata iyan, Mister.”

“Kasi parang ako ang naglilihi. Ako ang maiinitin ang ulo, nagsusuka, nahihilo at kumakain ng kung anu-anong pagkain. Parang ako ang buntis.”

Natigagal na lang siya kay Warrick. Kung ganoon ay ito ang sumalo ng paglilihi niya? Posible ba iyon? Parang wala namang scientific explanation kung paano nangyari iyon.

“Doc, iyon ang nararanasan ko. And it sucks! Hindi ko na maayos ang schedule ko. Wala ba kayong magagawa para tulungan ako?” pagmamakaawa ni Warrick. “Kahit ang mga doktor hindi alam kung anong sakit ko. So it must have something to with my wife’s pregnancy.”

Nagkibit-balikat ang doktora. “Minsan talaga may mga bagay tayong di maipaliawnag. I will ask my colleagues about your case. Baka sakaling  matulungan ka nila. But for now, why don’t you stay at home and let your wife take care of you?”

“Gutom ka na ba?” tanong nito paglabas nila ng clinic.

“Hindi naman. Nagpahanda ako ng pagkain kay Manang.”

Binasa nito ang labi nang dumaan sila sa isang bakeshop. “Gusto ko ng cake,” sabi nito at nag-park ng sasakyan sa harap ng bakeshop. Pagkatapos ay nagturo ito ng tatlong iba’t ibang flavor ng cake. Parang takam na takam ito. Habang siya ay um-order lang ng pasta.

He ate with gusto. Ganoon din naman kumain si Warrick dahil enjoy itong kumain. But this time it was different. Parang takaw na takaw ito.

“Warrick, okay ka lang ba?” tanong niya.

“Right now I am okay. Must be the air. Hindi kasing polluted ng Manila. Pero hindi ko alam mamaya. Weird ang paglilihi, no?” Tumaas ang kilay nito dahil hindi siya halos kumakain. “Kumain ka. Kailangan ninyong kumain ng baby ko.”

Baby ko. Hindi baby natin.

Marahan siyang sumubo dahil alam niyang kailangan ng sustansiya ng anak nila. But her heart was breaking. Ang bata lang talaga ang inaalala nito. Hindi siya.

She never thought that things would end up this way. Akala niya noong una ay mas magiging malapit sila sa isa’t isa kapag nagbuntis siya. Na masaya nilang mapag-uusapan ang tungkol sa magiging anak nila tulad kung paano siya nito kinausap tungkol sa trabaho nito.

“Babalik ka ba ng Manila agad?”

Huminga ito ng malalim. “Marami akong trabahong nabinbin. I just want to confirm if you are pregnant or not. I will deposit a check in your account. Bahala ka na kung paano magpapadala sa parents mo.”

“Maraming salamat, Warrick.” Parang may bikig sa lalamunan niya nang sabihin iyon. Hindi talaga siya komportable na pinag-uusapan ang pera. Ngayong magkakaanak na sila, parang mababa na ang tingin niya sa sarili niya. Hindi siya masaya sa perang iyon. Kundi lang dahil sa pamilya niya, ayaw na talaga niyang tanggapin iyon.

“Eat up. Alagaan mo ang anak ko.”

You are paid to do so. Pakiramdam niya ay iyon ang ibig nitong sabihin. Isang babaeng bayaran na magdadala ng anak nito lang ba talaga ang tingin nito sa kanya?

Her heart felt heavy. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal sa ganitong sitwasyon. Pero alam niyang kailangan niyang maging matatag para sa pamilya niya at sa magiging anak nila ni Warrick. Kailangan siya ng mga ito.

Nagsakay nila ng kotse ay nakatulog agad si Warrick sa tabi niya. Gusto niyang pumiksi nang humilig ang ulo nito sa balikat niya. Masama pa rin ang loob niya dito. Pero di naman niya ito magawang itulak palayo. Warrick looked so tired. Sa dami ng nakain nito, talagang makakatulog ito. Kaya sa huli ay hinawakan din niya ang ulo nito para magtuloy-tuloy lang ang tulog nito.

She remembered the nights she spent in his arms. He was so considerate and gentle. Even when they make love, he puts her pleasure first before his own.

Well, maybe they won’t make love anymore. Nakuha na nito ang kailangan sa kanya. Sabi nga ni Aling Yolly ay ganoon naman talaga ang mga lalaki. Ang kaibahan lang, wala siyang karapatang magalit kay Warrick. Making love was just a way of conceiving his child. Siya lang naman itong umaasa na higit pa doon ang maari nitong maramdaman sa kanya.

Bumuntong-hinga siya. Ano bang gagawin niya para wala nang maramdaman para dito? Sarili lang naman niya ang pinapahirapan niya. Paano ba mawawala ang espesyal na damdamin niya para dito? Habang dinadala niya ang anak nila sa kanyang sinapupunan ay parang lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya. Hindi niya magawang magalit ng matagal dito. Kahit na gaano pang gawin nito, sa huli ay lumalambot pa rin ang puso niya.

Tinapik niya ang pisngi nito nang pumasok na ang kotse sa gate. “Warrick, nandito na tayo. Gumising ka na.”

Binuksan nito ang mata at nagulat pa nang makita siya. “Krystinia?” Umupo ito ng tuwid at luminga sa paligid. “Nasa beach house na tayo. Nakatulog pala ako.”

Binuksan nito ang pinto at inalalayan siya pababa. Napansin niya na mukhang matamlay ito at medyo disoriented pa. “Ipapahanda ko ang guestroom para makapagpahinga ka.”

Madaling-araw itong umalis ng Manila kaya tiyak na wala itong masyadong tulog. Napansin kasi niya ang mga laptop at attaché case nito sa kotse. Ugali nitong magtrabaho kahit na nasa biyahe. Ganoon ito ka-workaholic.

“Salamat na lang. I must head back to Manila. Marami pang naghihintay na trabaho sa akin. Inaasahan ko naman na susundin mo ang lahat ng bilin ng doktor. I will call you from time to time to check up on you. At sasama din ako sa monthly check up mo.”

Monthly check up. Once a month na lang sila magkikita. Parang piniga ang puso niya. Subalit kailangan nilang tanggapin. Walang personalan. It was all a business deal to him.

Then he suddenly turned green. Something was wrong with him.

“The restroom,” nasabi lang nito at  nagtatakbo na ito papasok ng bahay.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!