Chapter Thirty-Eight

38.7K 955 19

Takam na takam si Warrick habang kumakain ng mangga at bagoong at binabasa ang updates ng mga report sa kanya na ipina-email niya. Hinihintay niya si Chrystler para sa weekly meeting nila. Seryoso ang isyu na kailangan nilang pag-usapan lalo na’t hindi maganda ang  nararamdaman niya nitong nakakaraang araw. Lalo na sa araw na iyon.

Pakiramdam niya ay mamamatay na siya kaninang umaga. Pumunta siya sa doktor at dumaan sa maraming tests. So far ay negative ang resulta. Hindi rin daw maintindihan ng mga ito kung anong problema niya. Maganda naman ang pakiramdam niya nang hapon na pero pinili niyang sa bahay na lang magtrabaho.

“Feeling better?” tanong ni Louvre nang dumating. “Nagpa-check up ka na ba sa doktor? Is it a flu virus or something?”

Umiling siya at sumubo ulit ng manggang hilaw. “Wala naman daw problema sa akin. Baka kailangan ko lang magpahinga.”

“Grabe ang init ng ulo  mo. Umiiyak kanina si Sandra nang masalubong ko. Nagsuka ka daw dahil sa pabango niya. Huwag ka namang masyadong malupit sa kanya. O baka naman epekto iyan ng pagiging celibate mo?” anito at humalakhak.

Gusto niyang ipakain dito ang mouse ng laptop niya. He was really frustrated at hell. Nataon kasi sa may importanteng meeting siya sa Japan nang huling fertile period ni Krystinia. Hindi siya nakapunta sa beach house. Now he was frustrated more than ever. Kasalanan ito ni Chrystler. Parang gusto niya itong sakalin tuwing nakikita niya. Ito ang dahilan kung bakit miserable siya ngayon. At ngayon pati si Louvre ay nakikisali sa pang-iinis sa kanya.

“Leave my sex life out of this,” mariin niyang wika. Kasalanan nito ang lahat. Kung hindi nito in-open sa kanya ang tungkol sa fertility period, hindi siya mafu-frustrate ng ganito. He couldn’t afford to take his frustrations to another woman. Hindi na siya interesado sa ibang babae. Kay Krystinia lang naka-focus ang interes niya.

“You were such a jerk, man. Nadadamay pati ang mga empleyado mo. Pati mga tauhan mong lalaki napaiyak mo sa takot.” Pumalatak ito. “You got it bad.”

“Now my celibacy has nothing to do with it. Alam nila ang mali nila. Simpleng instruction lang hindi nila makuha.”

“And do you have to tell Sandra that her perfume stinks and it makes you sick. Alam mo naman kung gaano ka-sensitive ang mga babae. That’s too much.”

Mariin siyang pumikit at bumilang ng sampu. “Okay. I will apologize.”

Lumapit sa kanya ang kasambahay niya. “Sir, ito na po ang chocolate sundae ninyo.” At idinulot din nito ang kape ni Chrystler. “May iba pa po kayong gusto, Sir Louvre?”

Natigagal si Louvre sa kanya. “Mangga at sundae? Hindi kaya sasakit ang tiyan mo diyan?” Nilingon nito ang kasambahay niya. “Manang, bakit naman ganyan ang pinapakain ninyo kay Warrick? Lalong magkakasakit ‘yan.”

“Ayaw pong magpaawat. Noong nakakaraang araw pa nga po mas kakaiba pa diyan ang  ang kinakain ni Sir. Halamang-dagat na may tinunaw na chocolate. Tapos po pinaghanap ako ng ice cream na sili. Matigas naman po ang ulo. Lalong nagagalit kapag hindi nakuha ang gusto.”

Hindi niya inintindi ang pag-uusap ng mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Parang kinikiliti ng makremang ice cream ang labi niya at matamis na chocolate na humahalo sa asim. Perfect.

Di maipinta ang mukha ni Louvre habang pinagmamasdan siya. “What’s wrong with you? Weird ang mga kinakain mo. Tapos masama ang pakiramdam mo kapag umaga at mainit din ang ulo mo. Daig mo pa ang naglilihi, ah! Di kaya buntis ka?”

“Paano ako mabubuntis kung lalaki ako?”

Tumaas ang kilay nito. “How’s Krystinia?”

“Last time I checked it, she’s better. Nag-e-enjoy siya sa beach house.” Hinayaan na rin niya itong magluto at pagsilbihan siya. Luto lang nito ang nagugustuhan niya at di niya inirereklamo. Thinking of her made him feel gooey inside.

“Hindi pa ba siya buntis?” tanong ni Louvre.

Nagkibit-balikat siya. “Wala siyang sinasabi sa akin.” Kung buntis si Krystinia o may hinalang buntis ito, tiyak na sasabihin agad nito sa kanya.

Hinaplos ni Louvre ang sariling baba. “Hindi kaya nahakbangan ka niya?”

“Ha? Anong nahakbangan?” tanong niya at sumubo ulit ng sundae.

“It is an old belief. Kapag daw hinakbangan ng babae ang lalaki, kapag nagbuntis ang babae hindi siya ang maglilihi kundi ang lalaki.”

Pinagtawanan lang niya ito. “Ano? Private investigator ka, Louvre. Moderno kang mag-isip. Nagpapapaniwala ka sa ganyan.”

“Ganoon kasi ang nangyari kay Papa at sa lolo ko. Kapag nagbubuntis si Mama at si Lola, sila ang nakakaramdam ng sintomas ng pagbubuntis. Sila ang naglilihi. Hindi kaya ganyan din ang nangyari sa iyo?”

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi siya naniniwala sa ganoong mga kalokohan. wala siyang bilib sa mga pamahiin. Pero parang may tumadyak sa dibdib niya. Paano kung buntis si Kyrstinia? Excitement kicked in his veins. He wanted to see her belly swell with his child.

He needed to find out soon. Hindi na siya makakapaghintay.

Tumawag siya sa resthouse nang makaalis si Chrystler. Si Aling Yolly ang sumagot. “Hello. Si Krystinia po?”

“Nasa kuwarto po. Natutulog. Gigisingin ko po, Sir?”

“Hindi na. Wala ba siyang sakit?”

“Wala naman po, Sir. Okay na okay po si Ma’am. Kagagaling lang po niya sa labas kanina at nakipaglaro sa mga anak ng kapitbahay. Excited na po yata siyang magkaroon ng anak.”

Pumintig ang sentido niya. Buntis si Krystinia? Hindi pa siya maarinhg magdiwang ngayon. Gusto pa niyang makasiguro. “Pakisabi po uuwi ako diyan bukas. Susunduin ko siya para magpatingin sa doktor.”

*** Naiboto mo na ba ang Baby, Be Mine sa Filipino Readercon? Kung hindi pa, boto na. Hanapin ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Filipino/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto. Hangggang September 10 pa po ang botohan. Push langggg!!!!

http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!