Chapter Thirty-Seven

37.4K 753 36

SA pangatlong pagkakataon ay ihinagis ni Warrick ang report ng bagong executive niya para sa manager niyang namamahala sa Portal Construction. Ni hindi pa siya tumatagal ng dalawang oras sa opisina. “What the hell is with that recommendation? Malinaw ang usapan natin. Gusto ko na local company ang pagkukunan natin ng semento. Mas nakakasiguro tayo sa kalidad nila. Bakit foreign company pa rin ang pagkukunan natin?”

Mainit na mainit ang ulo niya dahil mukhang walang taong makakuha ng simpleng instructions niya. Ano bang problema ng mga tao ngayon? May sariling mga mundo. Lahat na lang ay sinasalungat ang gusto niya.

Napalunok ang . “Pagbigyan mo na ako dito, Warrick. Kilala ko ang representative nila. Kasama ko siya sa organization noong college. Ako pa mandin ang nag-encourage sa kanya na magpasa ng bid. Maganda rin naman ang offer nila.”

Naningkit ang mata niya at hinampas ang mesa. “Let me remind you that I am your boss. This is my company. Kung ano ang utos ko, ako ang masusunod. Malinaw ang aim ng kompanya natin. We must provide more jobs for Filipinos. Dapat Filipino companies din ang suportahan natin. Can that recommendation, Miss del Cano.”

Nakangiti pa rin itong lumapit sa kanya at hinaplos ang balikat niya. Isa ito sa mga walang habas na magpakita ng interes sa kanya at ilang beses din niyang tinanggihan dahil mataas ang respeto niya sa ama nito na isa sa nagbigay ng tiwala sa kanya noong nagsisimula pa lang siya. “Warrick, pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman ako humiling sa iyo. I owe Sandra a lot. Marami siyang naitulong sa akin noong college kami lalo na sa thesis ko.”

Parang sinuntok siya sa amoy na hindi. Di niya alam kung paanong hihinga. Nawala tuloy sa isip niya kung anong sinasabi nito dahil nahihilo siya. “What’s with that smell?”

Suminghot-singhot ito sa paligid. “Anong amoy ba?”

“Is that your new perfume you are wearing?”

“No. Ito pa rin iyong dati.”

He wrinkled his nose. “I don’t like it.”

Naramdaman niyang nag-rumble ang sikmura niya. Bigla siyang tumalikod at tinakbo ang banyo. He barely made it to the restroom. Inilabas niya ang lahat ng kinain niya sa sink. Pakiramdam niya ay gusto na ring lumabas pati ng bituka niya at iba pang lamang-loob. He really felt so bad.

“Warrick, may sakit ka. Kailangan ka nang dalhin sa ospital,” nag-aalalang wika ni Sandra at akmang lalapit sa kanya.

Itinaas niya ang kamay at umiling. “Huwag kang lalapit. Diyan ka lang.”

“Pero… gusto mo bang tumawag ako ng doktor?”

“Yes. At palitan mo na ang pabango mo. It makes me sick.”

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!