Chapter Thirty-Five

41.8K 755 5

Napansin ni Krystinia na tahimik lang si Warrick habang kumakain sila. Hindi ito kasing daldal o kasing animated tulad ng dati. He looked so bothered. He didn’t fail to spend weekends with her. Madalas ay naglalakad-lakad sila sa beach o kaya ay nagkukwentuhan. And sometime during the day they make love. Ibinibigay nito ang buong atensiyon sa kanya.

Pero iba ang inaakto nito sa araw na iyon. There was no leisurely walk at the beach. Parang wala rin itong ganang makipagkwentuhan sa kanya. He was a bit stiff asking about her day. Napaka-pormal. He didn’t flirt or tease. And no signs that he was interested with making love with her.

Inilapag niya ang adobong pusit sa harap nito. Wala si Aling Yolly kaya siya mismo ang naghain dito. “Tikman mo. Ako ang nagluto ngayon.” Kapag umuuwi ito ng Zambales ay lagi itong nagre-request ng adobong pusit kay Aling Yolly kaya iyon ang inuluto niya.

Pinaghandaan talaga niya ang pagdating nito. Nitong nakakaraang araw ay madalang silang mag-usap sa phone. Mukhang masyado itong busy sa trabaho. Gusto niya kapag kasama siya nito ay wala itong masyadong iisiping problema. Gusto niyang maasikaso itong mabuti dahil alam niyang walang nag-aalaga dito kapag nasa Manila ito. Puro trabaho lang ang iniisip nito.

Umasim ang mukha nito. “Hindi mo na ako kailangang ipagluto.”

“Bakit naman hindi?” nagtataka niyang tanong. Hindi ba’t gusto nga ng isang lalaki sa babae ang ipinagluluto ito?

“It is too wifely.”

Tumaas ang kilay niya dahil di niya nagustuhan ang dating. “Anong ibig mong sabihin diyan?”

Nahimigan nito ang tensiyon sa boses niya. Hinamig nito ang sarili. “Ayokong masyado kang magpagod.”

Pero di niya gustong pakawalan ang isyu. “That isn’t what you mean by too wifely. Iniisip mo ba na gumagawa ako ng paraan para ma-in love ka sa akin?”

Bumuntong-hininga ito subalit di nagsalita. Iyon nga mismo ang iniisip nito. “Hindi ka naman kasi nagluluto dati.”

“Warrick, wala akong ginagawa dito sa bahay mo. Nakakulong lang ako dito. Natural lang na pag-interesan kong mag-aral ng mga bagay na wala akong panahong pag-aralang gawin dati katulad ng pagluluto. Nagluto ako ngayon dahil wala si Aling Yolly. Is that a big deal? Kung natatakot ka na magayuma ko, huwag kang kumain. Gusto mo ba ipagbukas na lang kita ng de lata? Or that entails as cooking for you as well?”

Parang gusto na lang niyang itapon ang niluto niya. Kulang na lang ay sampalin siya nito. Ayaw nitong mapalapit sa kanya. Ni ayaw nitong tikman ang luto niya.

“I am sorry. Marami lang akong iniisip.” At sumubo ito. Nang nagsunud-sunod ang subo nito ay kumalma siya. Siguro nga ay marami lang itong problema sa negosyo.

Mula nang mag-open ito sa kanya noong nakaraan, alam niyang naging mas malapit sila ni Warrick sa isa’t isa. Noon lang kasi ito nag-open sa kanya tungkol sa trabaho nito. Saka niya na-realize na wala siyang masyadong alam kay Warrick maliban sa sinasabi dito ng ibang tao. Wala siyang alam sa personal nitong buhay habang alam naman nito lahat-lahat ang tungkol sa kanya. At gusto niyang mas makilala itong mabuti.

Pinagbigyan niya ito dahil mukhang wala talaga ito sa mood pag-usapan ang problema nito. Habang naghahanda siyang matulog ay kinabahan siya nang di pa rin bumabalik si Warrick sa kuwarto. Nagdesisyon siyang sunduin na ito pero pagbukas niya ng pinto ay nakatayo na ito doon. Bagsak ang balikat nito at malungkot ang mga mata.

“Matutulog ka na ba?” tanong niya nang pagkatapos kumain ay naglakad na ito papunta sa direksiyon ng kuwarto. NI hindi ito nanatili sa sala para manood ng TV o makipagkwentuhan gaya ng nakagawian nila.

Umiling ito. “Sa guestroom ako matutulog ngayon.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit? May problema ba?”

Whenever he visits, he never failed to make love with her. As if he couldn’t get enough of her. Ngayon ay sa guestroom ito matutulog? Baka naman hindi na ito interesado sa kanya. O baka may iba nang babae sa buhay nito. Iyon ba ang pinoproblema nito?

Hinawakan nito ang kamay niya. “Come. Let’s talk.”

Inakay siya nito sa sala at pinaupo siya sa sofa na nakaharap sa dagat. Umupo ito sa tapat niya at tinitigan siya. Parang hirap na hirap itong ilabas ang niloloob nito.

“Warrick, ako ba ang problema mo?” tanong niya nang hindi makatiis. Paano kung may ibang babae na nga sa buhay nito? Anong mangyayari sa kanya? Pakiramdam niya ay naka-set na ang buhay niya na parte ito ng buhay niya. Maisip lang niya na mawawala si Warrick sa buhay niya, parang naputulan siya ng ugat at hindi na makahinga.

“Ako ang problema. Hindi ikaw. I just want to say sorry.”

Tumaas ang kilay niya. “For what?”

“Making love with you even if it is not the right time.”

“The right time?” parang parrot niyang tanong.

“I still take you even if it is not your fertile period.”

“Fertile what?”

Humalakhak ito. “My sentiments exactly. Your fertile period. Iyon lang ang panahon na susceptible kang magbuntis. That’s the perfect time to make love.”

Then everything dawned to her. Hindi nila napag-usapan ang fertile period niya at kung kailan lang dapat may mangyari sa kanila. Well, she didn’t really care at that time. Masyado siyang maraming iniisip.

“Oh!” Hindi rin naman niya naisip iyon. All they think about was to make love and conceive. Nakagat niya ang labi. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito. Siya ang babae. SIya ang may responsibilidad para doon.

“Ayokong isipin mo na pinagsasamantalahan kita.” Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik. “I am so sorry.”

“Pareho naman nating hindi naisip iyon. Wala naman sigurong may kasalanan.”

“So we will make love only during your fertile period.”

Biglang nag-freeze ang utak niya. It sounded so mechanical. So cold. Parang sinampal ang pagiging babae niya. Whenever Warrick makes love with her, he made her feel so special. Ngayon ay hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Dapat ba siyang mainis dito dahil parang idinidistansiya nito ang sarili sa kanya o dapat niyang ikatuwa dahil nagsisikap itong maging gentleman at ayaw samantalahin ang kahinaan niya.

“Thank you for being considerate, Warrick,” marahan niyang sabi. Naninikip ang dibdib niya. Parang gusto niyang maiyak. “I really appreciate that.”

“It is not your fertile period so I will sleep at the guestroom.”

Great! Alam din nito ang schedule niya. Malamang ay kumonsulta na ito sa OB-Gyne niya. He didn’t even bother to ask her. Pakiramdam niya ay nasa loob sila ng boardroom. Parang isang business transaction ang pinag-uusapan nila. Hindi niya matagalan pang kaharap ito. Parang gusto niyang umiyak… magwala.

Tumayo siya. Kailangan niyang umalis habang kontrolado pa niya ang emosyon niya. “Goodnight, Warrick,” aniya at  nagmamadaling bumalik sa kuwarto niya.

Isinara niya ang pinto at ini-lock iyon. Halos hilahin niya ang sarili papunta sa kama. The bed was suddenly huge. Napahagulgol na lang siya ng iyak habang hinahaplos ang bahagi ng kama na dapat ay hihigaan ni Warrick.

He was being a gentleman and all. Iyon ang tama. Nirerespeto lang naman siya nito kaya nilalagyan nito ng linya ang pagsasama nila. Napakababa ng pakiramdam niya. She was just a brooding mare. Isang babae na gagamitin lang nito para magkaanak.

Iyon naman talaga ang role niya, hindi ba? Noong una pa lang sana ay nilinaw na niya iyon sa kontrata. Para hindi siya nasasaktan ng ganito. Para intact pa rin ang pride niya.

Nasanay siyang espesyal ang trato sa kanya ni Warrick. He made her forget reason. Now he made her feel so cheap. Ultimo ang simpleng ilusyon niya ay binura nito. It left her bare and vulnerable, her soul battered. She didn’t know if she would allow Warrick to touch her again.

Paggising niya kinabukasan ay wala na si Warrick.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!