Chapter Thirty-Three

38.2K 702 3

NAALIMPUNGATAN si Krystinia nang may gumalaw sa tabi niya. Madilim pa rin sa labas. Nang lumingon siya ay bumiling ng higa si Warrick. Itutuloy sana niya ang pagtulog nang bumiling na naman ito.

"Hindi ka ba komportable sa higaan?" tanong niya dito.

Bigla itong bumangon at isinuklay ang daliri sa buhok. "Sorry. Sa couch na lang ako or sa guestroom. Maaga pa. Matulog ka ulit."

Sinulyapan niya ang digital clock sa tabi ng kama. Wala pang ala una ng madaling araw.

"Hindi na rin ako basta-basta makakatulog."

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "I am sorry. Sa kabilang kuwarto na lang ako para di ka maabala."

"No. Dito ka na lang.”

"Bakit hindi mo i-share sa akin? It helps when you let it out. Minsan kailangan mo lang ng kausap para gumana ang isip mo. Kailangan mo lang ng makikinig sa iyo."

Hindi niya alam kung willing itong mag-share sa kanya. Ang Papa kasi niya ay kapareho ng character ni Warrick. Kapag may problema sa trabaho ay hindi rin mapakali. At kapag masama ang sitwasyon ay kinakausap nito si Serafina. Kahit pa pasigaw ay pinakikinggan ito ni Serafina. Matapos daw kasi iyon ay naiisip ng papa niya ang solusyon kahit walang sabihin ang mommy niya.

"Okay." Hinaplos nito ang sariling baba.  “May dalawa akong executives na hindi magkasundo. Both of them are good. Hindi ko pwedeng sesantehin ang kahit na sino sa kanila. Pareho silang asset sa kompanya ko. Nakakaapekto kasi sa trabaho na lagi silang nag-aaway. Parang mga bata.”

Iniikot niya ang mga mata. “Big men acting like little boys. Subukan mo silang paghiwalayin. Mas nakakapag-focus sila dahil magkalayo na sila. Di mo na kailangan pang problemahin ang mga away nila.”

Kumislap ang mga mata nito at napapitik sa ere. “Brilliant! Simply brilliant. Alam ko na kung anong gagawin ko sa kanila.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “Thank you! Ikaw lang pala ang makakapagbigay ng idea sa akin.”

“Ha? Hindi naman brilliant iyon,” naguguluhan niyang wika.

Sumampa ulit ito sa kama at kinabig siya pahiga. “Hindi mo talaga alam kung gaano kalaki ang naitulong mo sa akin? Never mind. Just go to sleep. Hindi ko na rin aabalahin ang pagtulog mo. I can sleep better now.”

“Ako naman yata ang hindi makakatulog. Binulabog mo ang tulog ko,” angal niya.

“I can’t sing you a lullaby. Baka bangungutin ka sa pagtulog.” Luminga ito at bumangon. Natuon nito ang mata sa musical angel doll na nakapatong sa ibabaw ng headboard. Dinampot nito ang manyika at pinatugtog. “Let’s see if she’ll put you to sleep.”

Dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata niya dahil parang ipinaghehele siya ng pambatang kanta. Then she heard Warrick softly snoring at the top of her head. Ngumiti na lang siya at itinuloy ang pagtulog. That was the real music. Malaman lang niyang mahimbing ang tulog nito ay makakatulog na rin siya ng mahimbing.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!