Chapter Thirty-One

43.3K 791 2

KRYSTINIA was enthralled. Iba pala ang ganda ng isla ng Oahu kung pagmamasdan mula sa dagat. Puno ng nagkikislapang ilaw at kahit ang dapat ay parang may underwater city din dahil sa repleksiyon ng nakahilerang mga resort at beach sa dalampasigan.

Mabuti na at nakahabol pa sila ni Warrick sa night cruise na ipina-book nito para sa kanila. Muntik na silang maiwan ng ocean-going yacht dahil na-late silang bumalik sa kuwarto nila para mag-shower at maghanda ng dinner.

Elegante at exclusive ang cruise. Iyon daw ang pinaka-romantic na experience sa Hawaii ayon sa isang site na nabasa niya. Hindi niya inaasahan na dadalhin siya doon ni Warrick. There was romance in the air. Damang-dama niya ang pag-iibigan ng mga nakapaligid sa kanila.

Hindi niya alam kung bakit parang nakagat din ng love bug si Warrick. Malagkit kasi ang titig nito sa kanya habang kumakain sila. "Bakit ganyan ka makatitig sa akin? Hindi ako sanay." Mas sanay yata siya na lihim itong tinitingnan kapag di ito nakatingin sa kanya. Hindi siya sanay nang sa kanya lang nakatuon ang atensiyon nito. Parang matutunaw siya.

"Like I want to devour you? It's because you are beautiful tonight."

"Bakit pala naisip mong lumabas? Dati naman sa suite lang tayo nagdi-dinner."

Kapag dumadating ito mula sa conference ay room service na lang ang hapunan nila. Tambak kasi ang trabaho nito. Inaasahan niyang ganoon din ang magiging sitwasyon sa gabing iyon. Nang banggitin nito na magdi-dinner sila, akala nila ay sa restaurant lang ng hotel para makasalamuha ang mga nakasama nito sa conference. Sa halip ay nasa isang romantiko silang yate ngayon. Parang gusto niyang isipin na ng isang magandang panaginip lang ang lahat.

"Dahil hindi na tayo makakapag-dinner sa labas nang magkasama kapag umuwi na tayo sa Pilipinas. Enjoy it. Matagal-tagal ka ring hindi makakalabas.” Dinampot nito ang kopita ng red wine at itinaas. “Let's cheer for a new start, a new life."

Napilitan siyang iangat ang kopita ng alak. Pero di niya alam kung pwede niyang ikatuwa ang sinasai nitong bagong simula at bagong buhay

Parang di niya malulon ang alak. Dapat ba talagang ipagdiwang ang napipintong pagkawala ng kalayaan niya? Magmimistula siyang preso. Magsisinungaling siya sa mga mahal niya sa buhay. Isang madilim na sekreto siyang itatago. At higit sa lahat ay kailangan niyang talikuran ang magiging anak niya.

Wala sigurong matinong babae na magdiriwang para sa ganoong bagay. Kahit na anong gawin niyang isip na kailangan niyang magsakripisyo, tumututol pa rin ang puso niya. Hindi pa rin siya tuluyang manhid sa mga nakatakdang maganap.

Pinalis niya ang tungkol sa kasunduan nila sa isipan at inilabas ang folder. "Sana may oras ka para basahin ito," aniya at inabot dito ang folder.

"Ano ito?" gulat nitong tanong at pinunasan ng napkin ang labi.

"Review sa spa at resort nila. Marami akong magagandang pointers na napulot sa loob ng isang linggong pagte-training sa kanila."

Saglit lang nitong binuklat ang folder pero sa huli ay isinara din. "Hindi mo na kailangang gawin ito. It's not your job anymore."

Umungol siya. Iyon din ang sinabi niya sa sarili pero di naman niya maiwasang manghinayang sa mga ideya niya. Sayang naman kung nakatengga lang ang utak niya. Para sa kanya ay di simpleng pagpapanggap ang training niya sa spa. It was a real opportunity. Kahit nang nagtatrabaho pa siya sa Ageless Beauty ay di siya nagkaroon ng ganoong pagkakataon.

"Basahin mo lang. Lolo ko pa rin ang nagtayo ng Ageless Beauty. Malaking bahagi din ng buhay ko ang iginugol ko sa kompanya kaya hindi mo ako mapipigilang pagmalasakitan ito. Who knows? Gamitin mo na. Free of charge. Baka ilang taon mula ngayon ay mabawi ko ulit ang parte namin. Kahit paano maipagmamalaki ko pa rin sa sarili ko kung pagbalik ko ay may makikita kong nagamit ninyo ang mga pointers na nariyan."

Umaasa siya na magiging objective si Warrick at titingnan ang punto de vista niya. Sa kanya pa rin nanggaling ang mga makabagong ideya sa Ageless Beauty. Kung hihingin nito ang tulong niya ay di siya mag-aatubiling magbigay ng kontribusyon sa ikauunlad ng kompanya. Kaysa naman naka-stuck lang ang utak niya habang ikinukulong nito, mas magandang magkaroon siya ng silbi. Sa palagay naman niya ay hindi ito makaluma tulad ng tatay niya na tingin sa babae ay dekorasyon lamang o kaya ay paanakan.

Subalit mukha wala itong planong i-entertain ang ideya niya sa gabing iyon. Ginagap nito ang kamay niya at isa-isang hinalikan ang daliri niya. "Di mo dapat iniisip ito. Dapat ang kasalukuyan ang iniisip mo."

"Kasalukuyan?" tanong niya.

"Tayo. Ikaw at ako.” Kinintalan nito ng halik ang pulsuhan niya. “Dancing with me, kissing me, touching me and making love with me."

The last words were her undoing. The idea of making love with him was melting her whole being. Parang ayaw na niyang mag-isip ng kahit ano. Pagdating kay Warrick, parang masaya na siyang mawala ang katinuan niya.

"Warrick..."

"Ano ang unang pipiliin mo? If you'll ask me, I want to skip dinner and dancing. I want to make love with you."

Napailing na lang siya at nagdesisyong tuksuhin pa ito. "Dinner and dancing first. Nasa gitna tayo ng dagat, Warrick."

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at tumalim ang mata nito. "Damn! Mas maganda talaga kung nagpa-room service tayo. So much for romance." Tiningnan nito ang relong pambisig. “Isang oras pa bago tayo ibalik sa port.”

"Patience, Warrick. Dance with me."

Tumayo siya at hinila ito patayo. Nagpaunlak naman itong samahan siya sa dance floor at humalo sila sa mga magkakaparehang nagsasayaw doon. Sasamantalahin niya ang huling gabing magkasama silang haharap sa mundo. Kahit ang gabi lang na iyon ang magsilbing alaala para sa kanya...bago siya tuluyang magtago sa mundo.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!