01

1K 377 332
                                              

"Alright, nurses! You'll have your graded return demonstration next week. Same partners as last time, okay? Pwede kayo mag practice sa NAL during your free time," sabi ng aming clinical instructor bago kami idismiss sa 6-hour Related Learning Experience class.


Hay, magtatapos na kasi ang midterm kaya may mga pahabol pang retdems bago mag exams.


"Hala sis, 'di ba tayo magpapractice para sa retdem?!" Pagpapanic na tanong ni Cherry sa'kin. Bitbit pa yung procedure manual at ang RLE book niya.


Pababa kami ngayon sa Nursing Café o mas kilala bilang N Café sa ground floor nitong Benilde Building. Nag-aya kasi ako ng lunch kasi gutom na gutom na ako. Sino ba namang hindi magugutom eh simula 7:30 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon ay nagkaklase kami? Binibigyan naman kami ng tig-5 minutes na bladder breaks and 1 hour snack & study break in between pero nakakagutom pa rin talaga after ng subject na 'to.


"Luh, ipapractice mo 'yung intramuscular injection eh ang sakit sakit non!" Sabi ko sa kanya habang naghahanap kami ng table. Halos puno kasi ang N Café, daming tao! Grrr.


Ayoko nga ipractice 'yun, huhu. Sasakit lang pwet ko dun.


'Yung ire-retdem kasi namin ay ang pag-aadminister ng intradermal injection, meaning mag-iiskin test kami, at intramuscular injection sa dorsogluteal site, meaning sa may part ng butt cheek kami mag i-inject. 'Yung intradermal eh medyo keri lang, mas nangangamba ako sa intramuscular.


"Oo nga, 'wag nalang natin ipractice 'yun. Haha! Bahala na nga," pagsang-ayon naman si Cherry sa 'kin. Siya palagi ang partner ko sa lahat ng retdems kasi nasa iisang group kami at seatmate ko siya.


Natawa nalang ako sa pagsasawalang bahala namin sa darating na retdem. Parang noong mga nakaraang retdems ay super practice pa kaming dalawa kasi gusto namin makakuha ng perfect score lagi. Syempre, para manatili kami sa Dean's list 'no! Noong nagtapos kasi ang first sem ay nasa Dean's List kaming dalawa.


Kumakain na kami ngayon ng lunch dito sa Forum kasi puno talaga ang N Café. Nasa labas lang naman ng N Café ang Forum kaya bumili nalang kami ng pagkain doon at dito nalang umupo.


Kahit naka-bun ang buhok ko ay pinagpapawisan pa ako. Tsk, kaya ayoko dito eh. Ang init init!


"Sis, ang hot sis, whoo!" ani Cherry habang pinapaypayan pa ang sarili niya.


"Oo nga. Sana sa Stingers nalang tayo kumain, may aircon pa," tukoy ko sa main cafeteria dito.


"Hindi 'yun, ano ba, 'yun oh!" sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Don't make it too obvious ha, 4 o'clock mo," pagpatuloy niya kaya dahan-dahan naman akong lumingon sa kanyang tinutukoy.


Napatingin ako sa tatlong lalaking naglalakad, magkakaibigan ata. Napapalingon rin ang ibang nadadaanan nila, especially mga babae.


Sabay na naglalakad ang dalawa at nasa likod naman 'yung isa, ang pinakamatangkad. Diretso lang siyang nakatingin sa harap niya habang 'yung dalawa naman ay ngumingiti sa mga bumabati sa kanila.


Napahinto sila sa paglalakad nang huminto ang isa sa kanila dahil may kumausap dito.
Napatingin ulit ako sa lalaking nasa likuran. Nakakunot na ang noo nito sa magkasalubong pa ang kaniyang makakapal na kilay. Parang bad trip sa buhay ba.


Napagtanto ko lang na nakatitig na pala ako sa kaniya nang lumingon ito sa gawi namin kaya agad akong kinabahan.


Marahas akong lumingon ulit kay Cherry na nakangiti na sa 'kin ngayon. 'Yan, ngiting malisyosa 'yan.


We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon