💙Chapter 24💙

Mulai dari awal
                                    

"Na-nabaril sya please iligtas nyo sya gawin nyo ang lahat" nanginginig kong sabi habang naiyak at kasalukuyan na naming itinatakbo papasok ng ER si Kiel ng harangan ako ng isa sa kanila at ipinasok na sa loob si Kiel

"Dito lang po kayo ma,am sa waiting area bawal na pong pumasok" pagbabawal nya sakin "please pakiusap wag nyo syang hayaang mamatay iligtas nyo sya"

"Wag po kayong mag alala gagawin po namin ang lahat" yun lang at tuluyan rin syang sumunod sa loob at naiwan akong mag isa sa waiting area naupo ako dahil nanghihina ang mga tuhod ko

"Bakit ba nangyare to? Sino yung mga yun? Anong pakay nila?" Napayuko ako sa kinauupuan ko, at hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa kakaiyak,

Bakit nya sinalo yung balang para sakin, bakit ba sya sumunod sakin bakit sya pa ang nabaril bakit hindi ako bakit bakit bakit......

Puro bakit ang tanong sa isip ko na hindi naman mahanapan ng sagot, pero sa oras na to sinisisi ko ang sarili ko sa nangyare kay Kiel, kung sana nakinig lang ako sa kanya, kung sana hindi ko sya inaway, kung sana hinayaan ko na lang syang ihatid ako

Hindi na sana nagyare pa to kasalanan ko to kasalanan ko!!

Dalawang oras na ang nakalilipas pero ni isang doctor or nurse wala akong nakikitang lumalabas, dahilan para mas lalo pa akong datnan ng sobrang kaba at takot sa dibdib at mas lalo kong sinisisi ang sarili ko

Hanggang sa may nagmamadaling dalawang doctor palapit sakin at may kasamang dalawang nurse, kaya napatayo ako at hinarang ang isa sa kanila "do-doc ano pong nangyare bakit nagmamadali kayo?"

"Pinatawag kami dahil sa critical na condition ng patient so please excuse us" napabitaw ako sa kanila at napaupo habang tinitignan sila papasok ng ER

Tumulo ulit ang luha ko "c-cri-critical si Kiel?" Hindi pwede hindi sya pwedeng mamatay, hindi ko kakayanin kapag may nangyare sa kanya, alam kong nakakainis sya pero ni minsan hindi ko hinangad na mapahamak sya

Lalo nat ako pa ang may kasalanan, naitakip ko mga kamay sa mukha ko at napaiyak pa ng malakas wala na akong pakealam kung may ibang tao man ang nakakakita sakin,

Sa mga oras na to tanging si God lang ang maaari kong hingan ng tulong para gumaling si Kiel....

Lord pakiusap wag nyo pong hayaang may mangyareng masama kay Kiel, alam ko pong minsan hindi kami nagkakasundo pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong pakialam sa kanya, please iligtas nyo po sya hayaan nyo po akong makabawi pa sa kanya!

Kung ano ano na lang ang ginagawa ko sa waiting area, lakad dito lakad doon, uupo ako pero wala pang ilang Segundo tatayo nanamn ako at maglalakad ulit ng pabalik balik,

Hanggang sa nagring ang cellphone ko kaya nabaling dun ang attention ko,kinuha ko yun sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag

Si tatay!...

Ngayon ko lang naalala kanina pa pala ako hinihintay ni tatay sa bahay at nakailang tawag at text na rin sya hindi ko namalayan dahil siguro sa taranta ko

Pasadong 12 na ng gabi kaya sinagot ko ang tawag nya, "hello tay" natataranta kong sagot ["hello nak asan ka ba kanina pa kita hinihintay nag aalala na ko sayo"] sermon nya mula sa kabilang linya

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang