Inhale

105 14 22
                                              

-✧
Breathe

▬▬▬▬▬
"Sa oras na pakiramdam mo mauubusan
ka na ng hininga sa sobrang pagod, breathe.
Inhale, exhale. Hanggang sa tingin mo
kaya mo na, puwede ka nang maglakbay
ulit, ituloy mo kung ano yung sinimulan mo."
▬▬▬▬▬

I stared at the ocean, with tears falling down from my eyes. Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ulit ang mga araw ko nang may ngiti sa labi gaya ng dati. Dahil tuwing gabi, pakiramdam ko wala nang bukas na natitira.

Ang bigat sa dibdib. Ang bigat sa loob. Ang bigat sa pakiramdam. Maging ang mga tao sa paligid ko'y nakita ang laki ng pagbabago ko. Lahat sila nagtatanong kung anong nangyari, pero hindi ko sila masagot. Hindi ko alam ang isasagot, dahil ako mismo, hindi ko rin alam kung bakit.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Inhale. Exhale. Inhale. Ex-

"Hoy!"

Sa una'y hindi ko iyon pinansin at ipinagsawalang bahala ko nalang. I'm too tired to even look at whoever that is.

"Hey! Are you okay?"

Napatianod ako sa sumunod na sinabi ng kung sinumang estranghero ang nasa likuran ko ngayon. Nilingon ko ito.

Hinihingal ito na tila ba pagod na pagod. Mukhang tinakbo nito ang daan papunta sa bangin na kinatatayuan ko ngayon.

"May balak ka bang tumalon, Miss?" sunod nitong tanong.

Hindi ko iyon sinagot, sa halip ay tinalikuran ko na lamang itong muli, at humarap sa dagat.

"Pipi ka ba? Bingi?" tanong nito.

Hindi pa rin ako sumagot. Bahala na siyang isipin ang kung anumang naiisip niya. Wala na akong lakas para magpaliwanag pa.

Laking gulat ko nang higitin ako nito paharap sa kanya. Doon ako nainis. Magsasalita na sana ako nang nakita ko siyang ginagalaw ang mga kamay at daliri niya, tila ba pilit sinusubukang makipagkomunika sa akin.

Sign language? Woah! Pero hindi ako pipi o bingi, at wala akong naiintindihan sa lahat ng pinaggagagawa niya.

"I'm not deaf. You're just wasting your time," ani ko saka akmang aalis na sana, ngunit nang saktong malagpasan ko ito ay ang paghawak niya sa braso ko.

Hindi niya ako hinarap muli sa kanya. Nanatiling ganoon ang puwesto namin.

"It's okay. Everything will be alright."

My breathing hitched. I don't know what to say. Hindi ko alam. Iyon ang unang beses na may nagsabi niyon sa akin, na tila ba pinapalakas ang loob ko. Para bang alam nito ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaraanan ko kahit ba hindi pa ako nagsasalita at wala pa akong sinasabi.

Unti-unti akong hinila nito papunta sa harap niya. Tinitigan niya ako, mata sa mata. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Walang makikitang kahit anong emosyon sa aking mukha, ngunit ang mga mata ko'y walang tigil sa pagluha.

Pinunasan nito ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang yakap. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. Sa sandaling iyon, tila nawala lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko. Sa huli'y napayakap na lamang rin ako pabalik sa kanya.

BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon