Chapter 17 *Let me be the one*

Magsimula sa umpisa

Someone wins and someone loses 

We just have to say our love was true 

But has now become a lie 

So I'm tellin' you I love you one last time 

And goodbye 

Siguro nga dapat nung una pa lang pinakawalan ko na siya. Sana hindi nalang ako nagmatigas dahil makikita mo naman sa itsura niya kung talaga gusto niya pa ako. Sana ako nalang nakipagbreak para hindi ganito kasakit, sana nung nakipagbreak siya may reason talaga siyang katanggap-tanggap. Umalis siya ng walang rason pwes wag siyang bumalik ng may dahilan. Bitter ba? OO SOBRA! First love mo, first crush, first boyfriend, lahat na first syempre except sa sex. Sabi nga ni Justin Bieber, 'My first love, broke my heart for the first time.' Tama naman eh. Haay

Somebody told me you still loved me 

Don't know why 

Nobody told me that you only 

Needed time to fly 

Somebody told me that you want to come back when 

Our love is real again 

May magsabi lang talaga sa akin na mahal pa ako ni Renz, mapapatay ko. You know why? Una, kung talagang mahal niya ko hindi niya ako iiwan nalang basta nang walang dahilan. Pangalawa, dapat gumawa parin siya ng way para magkabalikan kami kung talagang seryoso siya sa akin. Pangatlo, pinagtatabuyan niya ako at ibig sabihin nun talagang gusto na niya kong kalimutan. 

Biglang pinatay ni Francis yung music kaya napadilat agad ako. Sakto nakatingin siya sa akin..

"Ok ka lang Franz?" Pagaalala niya

"H-ha? Sus, oo naman :)"

"Sigurado ka?"

"Neh" [yes] Sabi ko sakanya

Bigla niyang tinigil yung sasakyan at biglang lumapit sa akin "May luha ka oh. Sigurado kang ok ka lang?" Jusme, napaluha pala ako habang nakapikit nung pinapakinggan yung kanta. Hindi ko kasi mapigilan yung emosyon ko eh <//3 :( *laslaspulso*

"Francis, panget ba ko? Mataba ba ako? Madami ba kong pimples? Maliit ba ako? Maitim ba ako? Matakaw ba ako? Nakakasakal ba ko magmahal?" Bigla nalang bumuhos yung luha ko. Hindi ko na talaga kaya. Akala ko nakamove na ako, akala ko nakalimutan ko na siya, akala ko lang pala. *sigh* Bigla ko nalang talaga naalala si Renz sa tugtog. Masyado akong tinamaan at pasenti senti. 

"Hindi Franz, hindi. Maganda ka, maputi, matalino, sexy, talented, sobrang kinis ng mukha, pang beauty queen ang height at sa lahat, masarap kang magmahal." Hawak hawak ni Francis yung magkabilang balikat ko habang pinapalakas yung loob ko pero lalo pa akong umiyak sa sobrang sakit

"Eh bakit niya pa ako iniwan? Puro good characteristics naman yung sinabi mo sa akin pero bakit niya ko iniwan Francis. Lahat naman ginawa ko, pinasaya ko naman siya ah. Minahal ko naman ng tapat at totoo. Hindi pa ba ako sapat?"

"Yun ang hindi ko alam. Kasi isang malaking regret yung iwan ka niya dahil sa totoo lang, ang swerte na nga niya sayo eh. Ang swerte niya dahil may babaeng nagmamahal sa kanya, ang swerte niya kasi may bestfriend siyang protective at thoughtful. Minsan sa buhay Franz, may mga bagay tayong ginagawa na labag sa kalooban natin, napipilitan lang tayong gawin ang bagay para lang may maprotektahan." 

"Protektahan? Saan?" Pasigaw kong tanong sakanya pero hindi niya ako sinagot at tinuloy nalang ang pagmamaneho

Remember nung nagopen ako kay Francis about sa breakup namin ni Renz? Nilakasan ko nalang yung loob ko nun dahil akala ko madali ko lang siyang makakalimutan tulad ng pagkalimot niya sa akin. Hindi pa ko nakakaiiyak ng sobra para mailabas lahat ng hinanakit sa puso ko, ngayon pa lang kaya sobrang hagulgol ako ngayon. Ang sakit pala talaga no? Ang sakit sa pakiramdam na hindi ka manlang pinaglaban ng mahal mo, parang naging dart yung puso ko sa sobrang daming tumusok kaya sobrang sakit. Haaay kaya ayoko magkaboyfriend eh, pasakit lang sa buhay.

"Wag ka na umiyak jan Franz. Bahala ka papanget ka niyan." Pagbibiro niya sa akin

Hindi na natuloy yung lakad namin ni Francis. Inuwi niya ako kagad sa bahay dahil sabi ko sakanya masama ang pakiramdam ko at pumayag naman siya dahil nagaalala din daw siya sa akin.

Yung sobrang nasasaktan ka na pero kinakaya mo nalang kasi ayaw mong mawala siya sayo pero siya na mismo nagsasabi na mag giveup na ako. Ano pa nga bang palag ko? Half of all promises are merely desires, only the other half with really come true. Yung nararamdaman mo na talagang wala na siyang feelings para sayo dahil tinutulak ka niya palayo. Puta ang sakit!!

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!