Chapter 17 *Let me be the one*

118 2 0

A/N: Sorry po kung ngayon lang nagupdate. Actually matagal na po tong naupdate,  ngayon ko lang po pinublish dahil pinahaba ko pa po. By the way, patapos na po itong BSB siguro mga 2 chapters nalang. Yeyy!  Thank you po :)

/shyphrenia

-------------------------------------------

Chapter 17

*Let me be the one*

Wala ba talagang balak magparamdam si Renz? Wala ba siyang balak kamustahin ako? Wala ba siyang balak magpakita sa akin at kausapin ako? Ganun nalang ba kadali sakanya ang pakawalan ako? Buti pa siya nakamove on na pero ako dito naghihirap na kung alam niya lang.

Ang hirap talaga pag syinota ka ng bestfriend mo. Walang kasiguraduhan kung nanjan parin ba siya sayo kahit wala na kayo. Mahirap magparaya lalo na kung mahal mo talaga ang isang tao. Kahit wala na kami, eto ako nagpapakatanga parin sakanya di dahil sa naghahabol ako kundi nandito parin ako para sakanya bilang bestfriend niya. 

Balak kong dumalaw ulit sa bahay nila dahil baka maabutan ko si Renz dun. Sabi ko kay Francis wag muna kami magkita ngayon dahil hahanapin ko si Renz, pumayag naman siya dahil may gagawin din daw siyang importante. Malapit lapit na ko sa bahay nila Renz. Tama nga ako, naabutan ko nga siya. Dapat ko na siyang kausapin at para itanong ulit sakanya kung bakit siya nagkakaganun.

"Renz!" 

Lakad lang siya ng lakad, hindi niya ako nililingon. Hinabol ko siya..

"Renz! Choi! Ano ba? Ano ba nangyayari sayo? Hindi lang ako ang nagaalala sayo kundi pati na rin ang parents ko. Wala ka bang balak bumalik sa dati? Hindi ka ba napapagod sa kalokohang pinagagagawa mo?"

"Oh bakit? Mommy ko nga hindi ako mapagsabihan ng ganyan, bakit ano ba kita? Ha? At ikaw, hindi ka rin ba napapagod na sundan at hanapin ako? Kung ako sayo layuan mo na ako dahil kahit anong gawin mo, hindi kita papakinggan." 

Napatigil ako sa sinabi niya. Para kong statue dito, hindi ko maigalaw ang sarili ko. Oo nga naman Franz, ano ka nga ba niya? Bestfriend lang naman diba? Ay hindi, hindi na niya pala ako bestfriend at mas lalong hindi na rin niya ko girlfriend. Bakit nga ba hindi ako napapagod kakasuyo sakanya? Bakit nga ba kahit pinagtatabuyan na niya ako, sunod pa rin ako ng sunod sakanya? Simple lang, kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. 

"Ang sakit mo naman magsalita. Oo sige, sabihin na natin hindi ako importante sayo. Kahit balik-baliktarin mo ang mundo, para sakin importante ka parin. Nakakapagod na Renz, nakakapagod ng suyuin ka, nakakapagod ng magpakatanga sayo, nakakapagod ng magpanggap kahit sobrang nahihirapan at nasasaktan na ako. Wag kang magalala, hindi na kita kukulitin. Hinding-hindi na ako magpapakita at magpaparamdam sayo, hindi na kita hahabulin, at dadating din ang araw na makakamove on din ako at makakalimutan ka."

Tumakbo na ko palayo sakanya, bumuhos na yung mga luha ko. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya. 

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

'ANO BA KITA?'

Ano ba niya ko? Wala. Halatang wala na kong halaga sakanya, ang dami na naming pinagdaanan at pinagsamahan pero kinalimutan nalang niya basta yun. Makakamove on din ako, Renz. Makakamove on din!

Ilang weeks na rin ang nakalipas nung huli kaming nagusap ni Renz. Pinanindigan ko yung mga sinabi ko sakanya na hindi ko na siya kukulitin pa pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa mga sinabi niya. 

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!