32 - waley itey! Nagpalabas lang ng stress

211K 2.6K 253
                                    

32

TWITTER: @XianRandal

Facebook: Xianrandal

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s.

************************************************************************

Ready na sila ng kanyang Joanna Paras (asawa). Ngayon niya lang napansin, kasing pretty niya talaga itech! Ang nyoray-nyoray ng byuti! China Cojuangco (mamahalin) ang kutis. Wiz niya knows talaga why itech nagkagusto sa kanya.

“Ready na, Sinta?” Ang guwapo lang talaga ni Elvin sa rugged look. Sino ba naman ang hindi main-love rito? That unruly hair na bumagay sa get up nito ngayon, idagdag pa na nagiging gentleman ng wala sa oras, lalo na at binibigla, type! Naalala niya tuloy ang kanilang NM kagabi. He’s such a gentleman. Kinikilig siya.

“Oh, Sintas, I know that look! Wiz ganyan! Huwag mag emote na parang likeky like mong bumalik ng kuwarto.” Kinakabahang sabi niya.

“Sinta naman eh. Sige na nga, gora na tayo. Pero pwedeng humingi ng favor?” Palabas na sila ng condo.

“What?”

“I love hearing you with those beki words, but, can you lessen them?”

Napasimangot si Elvin. “I don’t use beki words when I’m with people. Sintas naman eh, kinuha mo na nga ang puri ko, pati ba naman ang beki words ko.”

“Sige na nga.” Madali naman siyang kausap eh. Kung ayaw niya, sige, walang problema. Napakapit na lang siya sa kanyang Sinta. Tangkad talaga ng Sinta niya, macho gwapito pa!

“Bet mo na turuan kita, Sintas? Para if wiz natin like ang kaharap natin, beki words tayo! Type!”

“Bet na bet, Sinta! Nagoogle ko naman ang iba. Isa pa, alam ko naman yung mga pinagsasasabi mo sa akin no.”

Kinurot ni Elvin ang pisngi ng asawa. “Winnie Santos (to win) talaga ang peg mo, Sintas! Teka, SM Mall na lang tayo manonood ha, gala sa tayels  sa loob ng mall after. Then dumirecho na tayels mag grocery, sa labas na rin tayo lalafang. Keri? (kaya)”

“Cash and Carry (Sige) Sinta!” Sumabay siya sa lenguwahe ng mahal niya. Kung hindi niya lang ito mahal.

Nakakapit pa rin siya sa braso ni Elvin kahit nasa loob na sila ng mall. Paakyat na sana sila sa Cinema nung biglang nakasalubong nila si Scanver.

“Love? Hey! What are you doing here?” Humalik ito sa pisngi ni Kathryn. Nagulat naman si Elvin, lalo na sa kiss sa pisngi na yun.

Agad na hinapit sa baywang ang asawa. Masama ang hangin! Umeenter the dragon ang peg! Imbey! Gusto niya sana itong taasan ng kilay, kaso hindi na-pluck, pagsalubungin na lang niya.

“Papunta na sana ako sa unit ninyo, hiningi ko pa kasi ang address sa Papa mo. Pare.” He recognized Elvin na talagang pinanindigan ang pagsalubong ng makapal nitong kilay na hindi niya pa nai pluck ever!

“Ha? Hindi mo naman kasi sinabi sa akin agad.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon