KIDLAT : 20

416 38 4


K : 20

--
"Pinagluto kita ng adobo," bahagyang nagulat ang binata sa bigla niyang pagsulpot sa harap nito. Dala-dala ang isang mangkok ng adobong manok na gawa niya.
"Bigla-bigla ka naman yatang bumait," pasaring ni Kidlat sa kanya, ngumiti siya ng pilit dito umupo paharap dito sa maliit na lamesa sa kusina nila.
"E, kasi narealize ko na. Wala naman patutunguhan bangayan natin atsaka natatakot kasi ako na baka, the more you hate the more you love. Ikaw rin!" sagot niya ditong may maluwag na ngiti.
Sumeryuso ang mukha ng kaharap. Pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata niya.
"Tungkol ba sa Cebu 'to Trina?" seryoso nitong tanong sa kanya, nagbawi siya ng tingin. Humigit ng sariling hininga.
"Hindi! it's all about us. For being rude to each other." umupo ito ng tuwid, mariin siyang tinitigan.
"So, you admitted na rude ka nga?" anito,
Tumikhim siya bago niya ito sagutin.
"Kong aaminin mong mas rude ka," aniya.
"Oh, c'mon Trina, you are here giving me this. Tapos ayaw mo pa rin umamin!" umiwas ito ng tingin, tumayo tinungo ang lababo sa likuran niya.
"Kong ginagawa mo 'to dahil baka magbago isip ko tungkol sa cebu, hindi magbabago isip ko Trina. Hindi ako uuwi sa kanila, it will never happen!" narinig niyang sinabi nito sa likuran niya. Akma siyang lilingon ng tuluyan itong tumalikod mula sa kanya dire-diretso sa pintuan palabas puntang hardin nila. Muli siyang humigit ng sariling hininga sa mga sinabi nito sa kan'ya. Wala pa rin siyang naiintindihan, hindi niya pa rin naiintindihan ang pagiging aloof nito tungkol sa siyudad o, pamilyang pinagmulan nito sa Cebu. Tumayo siya nagpasyang puntahan ang binata sa likod ng bahay nila. Naabutan niya itong nakatayo nakatungkod ang dalawang kamay sa may 'di kataasang kawayang bakod nila.
"Wala naman akong ibig sabihin sa niluto kong adobo para sa'yo." panimula niya dito. Hindi ito nagpihit ng tingin nanatiling sa kawalan ang mga tingin.
"I'm sorry.." hindi niya inaasahang salitang lumabas mula sa sarili niyang bibig. Napansin niya ang dalawang kamay ng binatang bumagsak, walang-emosyong nilingon siya nito.
"Marami ka pang hindi alam, and you will be disappoint too kong pagpipilitan mong balikan ko sila!" aniya ng binata, kitang-kita niya ang lungkot sa kabuuan nito. Tuwid siyang tumango pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata nito.
"Tama ka, maaaring wala akong alam. Na wala akong maiintindihan, but Kid, sana maintindihan mo rin na 'di lang curiosity ang tumutulak sa'kin para pilitin kang balikan sila, but I just want to help you, na sana kahit sandali maramdaman mong maging buo ulit.. h-hindi tulad ko!" mahaba niyang paliwanag dito. Pansin niya ang pagkunot-nuo ng kaharap sa mga salitang binitiwan niya.
"But, they are nothing for me!" anito, nagbaba siya ng tingin sa mga kamay nito. Walang paalam niyang hinawakan ito muling tumingin ng direkta sa mga mata nito.
"Buksan mo ulit ang puso mo para sa kanila and I'm pretty sure na marerealize mo rin na mali ka! na may halaga pala sila sa'yo, na mahalaga pa rin pala. I trust you!" aniya sa binata. Binitiwan niya ang kamay nito nang walang tugon mula dito tumalikod siyang walang paalam. Alam niyang bukod sa kan'ya alam niyang isa si Kidlat sa mga taong kailangan mapag-isa para timbangin ang mga bagay na mahalaga lalo na ang bagay na bubuo ulit sa pagkatao nito sa tulong niya.

Sinundan niya ng tingin ang papalayong dalaga. Ilang sandali nakita niya ang sariling tinatawagan si Josie, labag man sa kalooban niya ang kagustuhang mangyari ni Trina, but he have to stand his promises to her. Walang iba kundi ang ibigay ang mga bagay na makakapagpasaya dito kabilang na ang pag-uwi niyang muli sa pamilya niya sa Cebu. Sa piling ng mga kapatid at lolo Ignacio niya.

"MOMMY, hurry! kailangan natin umabot sa flight ni papa papuntang cebu." pagmamadali niya sa mama niya. She's almost done kabilang na ang mga bagaheng hinanda ng kasambahay nila. Ilang minuto ang lumipas nakita niya ang mama niyang pababa na sinalubong niya ito kasunod ang katiwala ng mama niya.
"Ang tagal mo ma!" maktol niya dito. Tinapik siya nito sa balikat. Alam niyang labag sa kalooban ng mama niya ang pagsama nito sa kanilang mag-ama papuntang Cebu para sa ilang bussiness ng papa niya. But she insisted sa mga magulang niya that they should to be there. Para na rin siguro magawa nilang mag-anak ang matagal niya nang hinahangad ang magkaroon ng bonding ang pamilya nila kahit ilang araw lang lalo na ang mama at papa niya.
"Sigi na manang! ako na bahala dito, kayo na ang bahala sa bahay." bilin ng mama niya sa ilang katiwalang naghatid sa kanila sa garahe. Nagpatiuna siyang pumasok sa likod ng driver na maghahatid sa kanila.
"Ma, let's go!" aniya, tumalima ang mama niya. Umikot sa kabilang gawi patabi sa kanya.
"Bakit ka ba nagmamadali?!" she asked. Nagkibit-balikat siya sa tanong ng ina.
"I just want to be with you and papa, hindi 'yong lagi nalang ganito. Ang laki ng gap na pumapagitna sa'tin ma!" sagot niya ditong hindi nakatingin sa mama niya. Narinig niyang bumuntong-hininga ito walang tugon mula sa mga sinabi niya. Nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa kanila ng ina niya hanggang sa makarating sa airport na kong saan naghihintay ang papa niya.

"K-kidlat!" huminto ito, nagmadali siyang lumapit dito kasunod si Johan na bakas sa mukha ang saya nang malaman nitong aalis sila patungong Cebu.
"S-salamat!" aniya sa lalaking pilit na ngumiti sa harap niya. Binaling nito ang tingin kay Johan matapos guluhin ang buhok nilang dalawa nagpatiuna ito sa paglalakad bitbit ang bagahe nilang magkapatid.
"Ate, ang sweet ni kuya 'no?" tudyo ng kapatid niya sa kan'ya. Ngumiti siya dito ginaya niya ang ginawa ng binata ginulo niya ang may 'di kahabaang kulot na buhok nito.
"Tara! excited na akong makita niya ang pamilya niya." yaya niya sa kapatid. Hinawakan niya ito ng mahigpit nagmadaling maglakad sa kinatatayuan ni Kidlat may ilang kinakausap. Binagalan niya ang paglalakad ng may mapansin siyang may dalawang babaeng lumapit sa binata. Humalik ang isa sa pisngi ni Kidlat at sa ginang na kasama nito humalik sa pisngi ang binata. Natigilan siya ang kaninang sayang nararamdaman ay mabilis napalitan ng takot at pag-aalala para sa kapatid niya.
"Aray ate!" daing ng kapatid nang maramdaman nito ang mahigpit na paghawak niya sa kamay nito.
"Bili muna tayo!" agap niya sa iba pang sasabihin nito. Hindi siya nagsayang ng oras. Nagmadali siyang tumalikod bago pa sila makita ng mga ito. Hinanap ng mga mata niya ang maaaring mapagtaguan nila ni Johan. Mula sa nakilala niyang kausap ni Kidlat walang iba kundi si nica at ang kanilang nanay Chandra.

❤❤

A/n : Sorry for being so matagal na update. No worries, I'm back. Tsupstsups 😘😘

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!