Chapter 5

0 0 0

channel's pov

miss hindi yan ang order namin, ano ba? pagalit na sita sakin ng babaeng costumer namin sa fast food na pinag-ta'trabahuhan ko.

sorry, sorry! tanging nasabi ko habang nakayuko. lumapit samin si millet na katulad ko ay isa din crew.
naku maam pasensiya na po kayo.  ako na po bahala kumuha ng order niyo. si millet na kaibigan ko din. inakay ako nito at sinabi, ano ba problema chan?  kanina ko pa napa-pansin na wala ka sa sarili mo. ang mabuti pa ay umuwi ka na lang muna at ako na bahala sa trabaho mo. baka mapa-galitan ka pa ni maam pag nakita ka niyang ganan.

sige.. salamat millet. sabi ko sakanya at pumunta na sa locker para mag-palit at kunin ang gamit ko.

pag-kadating sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto, at humiga. hindi ko namalayan na tumu-tulo na pala ang luha ko. hindi ko maka-limutan ang sinabi sakin ni trigger. pa-ulit-ulit na nag-pa'flashback sa utak ko ang mga sinabi ni trigger.

masyado ka matapang miss channel, pangalan lang naman ang mahal at may quality sayo. sa totoo lang eh low class ka. squatter!

kahit alam ko na walang katotohanan ang lahat ng yon ay naaapektuhan at nasasaktan ako. gusto ko ipamukha sa kanila kung ano at sino ba talaga ako,  ngunit hindi ko alam kung may dapat ba ko ipag-malaki kung ano ko noon.

wala ka naman magandang ipag-mamalaki. kung ano ka at kung ano ang meron ka noon,  dahil yon sa pamilya mo. sabi ko sa sarili ko.

ganon pala ang pakiramdam ng mina-mata at mina-maliit ng dahil lang sa wala ka ng mga bagay na meron sila. hindi dahil sa mabuti kang tao at kung ano ang nakuha at narating mo dahil sa pag-sisikap mo. mas masakit pala ang sabihin sayo harap-harap kung ano ka sa tingin nila. mas masakit kesa sa dami ng nabasa kong haters non sa viral video namin ni trigger.

ngayon alam mo na ang madalas gawin mo noon dahil tulad nila ay marami ka ng bagay na karamihan sa ibang tao ay wala. alam mo na kung pano ang masaktan. serves you right! sermon ko sa sarili ko at saka humagulhol.

university

diba siya yon? girl 1

oo siya nga yon.  balita ko pinag-salitaan siya ni trigger kahapon. -girl 2

mabuti nga sa kanya. akala mo kasi kung sino. kakalabanin pa niya si trgger. imagine, sa seryoso non ni trigger, pag nag-salita yon,  sure na sobra galit niya. -girl3

hayaan natin siya.. hindi natin siya ka-level. -girl 1

yan ang mga salita na narinig ko na bulung-bulungan sa university ngayon.. gusto ko sagutin lahat ng sinabi nila pero mas mabuti na manahimik na lang ako para wala na dumagdag na gulo. ang gusto ko lang naman ay maging maayos ang buhay ko dito at maka-tapos ng pag-aaral.  para may maipag-malaki.

hindi ko akalain na maka-katagpo ko dito ang aking magiging mortal enemy!

Strangers, Enemies, Friends & Lover's? Where stories live. Discover now