I Started Falling For Him (one shot)

56.8K 2.2K 361


For my newest idol <3

--



Sinubukan kong pigilan.

 

--

 

"Jeda... para sa 'yo."

Iniabot nya sa 'kin ang isang manika. Yung manikang gustong-gusto ko. Yung manikang hindi ko mabili-bili dahil wala akong pera. Yung manikang ibinibigay nya sa 'kin ngayon ng libre.

Pangalawang beses na nya akong binibigyan ng regalo. Kahapon... isang pumpon ng pulang rosas. Tapos ngayon—manika. Hindi teddy bear... manika talaga.

Alam nya kaseng mahilig ako sa manika. Sa totoo lang, hindi nga ako makapaniwalang alam nya halos lahat ng tungkol sa akin eh. Hindi naman kase ako open na tao. Palagi akong nagsasarili. May sariling mundo. Palaging nag-iisa.

Hindi rin ako kagandahan. Maliit lang ako. Payatot. Hindi maputi. Kulot ang buhok na madalas sa hindi eh nakatali kase buhaghag. Hindi rin ako matalino. Kadalasan, palpak ako sa quizzes at assignments.

Hindi rin ako sikat... kapag naglalakad ako sa daan, minsan nabubunggo pa ako kase hindi daw nila ako nakikita. Ako yung taong palaging nilalampasan ng tingin ng mga tao.

Hindi ako importante sa eskwelahang ito. Kahit mawala ako, walang makakapansin.

Hindi ako nag-e-emote. Yun lang talaga ang realidad ng buhay college ko.

Kaya hindi ko lubos maisip na mapapansin ako ng isang katulad ni James. Mayaman, gwapo, sikat... He's the epitome of a walking heartache. Sa dinami-dami ng tao sa campus, ni hindi sumagi sa isip ko na ako ang magugustuhan nya.

Pero... nilapitan na lang nya ako isang araw at tinanong kung pwede daw ba akong ligawan. Sa gulat ko nun, halos lumuwa na yung dalwang mata ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Halos sampung minuto na ata kaming magkaharapan.

He nudged me and that's when I was snapped back to reality.

"P-Pakiullit?"

 

Binigyan nya ako ng isang napakatamis na ngiti at inulit ang tanong na binitawan nya kanina.

Imposible.

 

Yan ang unang salitang pumasok sa kokote ko. I mean, AKO? Ako pa talaga? Sa dami ng babaeng nakahilera at nag-aabang na mapansin nya—bakit ako pa?

Pero naisip ko na... baka nga naman totoo yung sinasabi nilang true love. Masyado ko kaseng dina-down ang sarili ko eh. Malay ko ba kung ako talaga ang tipo nya?

Kaya naman sumagot ako ng OO sa kanya.

At simula noon, palagi na nya akong dinadalaw sa college building namin. Palagi nya akong hatid sundo sa bahay. Palaging libre sa lunch. Palaging may ngumingiti sa 'kin sa umaga. Palagi akong may ka-text sa gabi.

Palagi kong nararamdaman na mahalaga ako.

At kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko na mahalin sya. Bakit ko kamo pinipigilan?

Simple lang.

Ayokong masaktan.

 

Dahil alam kong kapag nagmahal ako, kakambal noon ang sakit. Kahit anong iwas ko, hindi mangyayaring hindi ako masasaktan.

Kaya pinilit kong isara ang puso ko sa kanya.

Pero makulit sya, katok ng katok.

 

Halos magdadalwang buwan na syang nanliligaw ng maisipan kong sagutin na sya. Kase ang ganda ko naman para pag-antayin pa sya ng matagal... di ba? Saka sabi nga nila, hindi yung panliligaw ang dapat na pinapatagal kundi yung relasyon mismo.

Kaya naman nung araw na yun... inabangan ko sya sa building nila. Sosorpresahin ko sya. Sasagutin ko na sya.

Pero...

Ako pa pala ang masusorpresa.

Nakita ko syang lumabas ng classroom, hawak ang kamay ng isa nyang kaklaseng babae. Maganda sya. Maamo ang mukha. Maputi.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Papalapit na sila sa 'kin pero hindi ko nagawang kumibo. At ng magkasalubong yung mga mata namin, dun ko naramdaman yung sobrang sakit.

Sobrang sakit na parang hindi nya ako kilala.

 

Sobrang sakit na nilampasan lang nya ako ng tingin na para bang hindi nya ako nakita.

 

Sobrang sakit na nagawa pa nilang tumawa ng malampasan nila ako.

Halos mapalupagi ako sa panlulumo. Pero tinibayan ko ang mga tuhod ko at ininda ang mga tingin ng ibang estudyante. Kasalanan ko rin naman kase...

Umasa ako.

Umasang sa mga mata nya ay sapat na ako.

 

Umasang hindi sya katulad ng ibang lalaki.

 

Umasang marunong syang magmahal ng totoo.

 

Huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa mga paa ko ng makisama sila at nakapaglakad na ako paalis sa lugar na yun.

Minsan talaga, hindi ka dapat nagtitiwala sa puso lang. Minsan kapag nagmamahal ka, dapat ginagamit din ang utak.

Dahil may mga tao sa mundo na darating lamang sa buhay mo para paibigin ka at pasakitan pagkatapos.

Kagaya ni James...

I started falling for him because I thought that he would catch my fall. But what happened? I fell flat on the floor and broke my ass.

 

Punyetang pag-ibig. Hindi marunong makisama. </3

I Started Falling For HimRead this story for FREE!