This will be my first update for 2019. Since its new year I will give a special gift for all who support this story.

_____________________________________________

ALYANNA'S POV:

Nakakapagod rin pala yung buong araw kang gumagala.

Yung feeling na hinihingal na ako sa kakalakad pero G na G pa rin ako sa pag gala dahil sa totoo lang ngayon palang ako naka labas ng kagaya ng ganto. Basta kasi pag lalabas ako dapat kasama ko si mama Flor tsaka ng personal driver ko.

"Where are we going?" tanong ko kay Kyle na busy nag mamaneho ng sasakayan nya
"Somewhere" sagot naman nya kaya pilit nalang akong ngumiti

Habang naka upo ako dito sa may passengers seat na busy naka titig sa may salamin, napansin kung parang wala na kami sa manila.

"San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang sya

At dahil sa ayaw nya akong sagutin hinayaan ko nalang sya mag maneho hanggang sa makarating kami sa kung saan man talaga kami pupunta.

"Were in Laguna right?" tanong ko sa kanya tapos tumango lang sya. Napansin ko kasi mula sa bintana yung malaking ferris wheel
"Welcome to Enchanted Kingdom my dear wife. Since were allowed to go anywhere today, I've decided to bring you here" excited na sabi nya sakin kaya ngumiti lang rin ako
"But are we allowed to go inside wearing our school uniform?" curious na tanong ko sa kanya tapos tumango lang sya
"Don't worry! Pwede naman nating sabihin na suspended class natin sa Manila" sagot nya sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kung ano man gusto nyang gawin ngayong araw

Minsan lang naman kami gumala ng ganto kaya pag bigyan ko nalang sya. Di ba malay mo ito na yung huling beses na makakagala kami ng ganto na yung kaming dalawa lang.

"Let's go?" tanong nya sakin kaya tumango lang ako tsaka na namin sabay tinanggal yung mga seatbelt namin
"Lets go" sabi nya ulit tsaka na sya lumabas ng sasakyan kaya naman sumunod nalang rin ako

Habang naglalakad kami papunta sa entrance di ko maiwasang mailang dahil sa pinagtitinginan kami ng mga tao tapos ito namang kasama ko chill lang na naglalakad halatang wala syang paki alam sa mga taong naka tingin samin.

Minabuti ko nalang tumigil sa paglalakad tsaka ko naman sya hinatak sa may polo nya para tumigil sya sa paglalakad.

"I think we can't go inside" kinakabahan sa sabi ko sa kanya
"At bakit naman?" seryosong tanong nya naman sakin at halata sa mukha nya na di sya natutuwa sa inaasta ko ngayon

Kanina pa kasi kami gala ng gala at wala syang narinig na reklamo mula sakin. Sadya lang talaga na di ko maiwasang di mailang sa mga taong naka tingin samin.

"Malay mo di tayo papasukin dahil sa naka uniform tayong dalawa" kinakabahan na sabi ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako
"At pano ka nakaka sigurado na di tayo papapasukin?" seryosong tanong nya sakin
"Mag isip ka nga! Sa tingin mo magpapa pasok kaya sila ng mga costumers na naka uniform at yung uniform na halatang high schoolers palang! Baka sabihin nilang nag cutting classes tayo" seryosong sagot ko naman sa kanya kaya napa isip lang sya
"Tsaka di pa nga tayo nakaka pasok panay titig na ginagawa ng mga tao satin dahil sa naka uniform tayong dalawa" asar na sabi ko ulit sa kanya kaya di sya nakapag salita

Di naman sa nagiging KJ ako!

I'm just worried lang naman na baka mamaya di kami papasukin sa loob. Sayang naman yung effort naming pumunta dito sa Laguna, eh anlayo layo nito mula sa metro manila.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!