Chapter Thirty

43.1K 1.1K 10

KALAYAAN.

Huminga ng malalim si Krystinia at niyakap ang malakas na pagaspas ng hanging nagmumula sa karagatan. Inangat niya ang kamay at dinama ang init ng papalubog na araw. Ngayon lang yata niya na-enjoy ang kagandahan ng beach ng Oahu.

Di niya masasabing bakasyon ang isang linggo niyang pananatili sa Hawaii. Habang nasa business conference si Warrick ay nasa spa naman siya ng resort para sa "training" niya. Mistulang pictorial session iyon dahil iyon daw ang ipapadala niya sa pamilya at mga kaibigan niya sa Pilipinas.

Naplano na ni Warrick ang lahat. Kung nasa abroad nga naman ay di siya pagtatangkaang sundan ng pamilya niya. Kung tutuusin ay di naman siya napapagod sa mga simpleng pictorial lang. Napapagod siyang magpanggap at humabi ng kwento. Mabuti at wala siyang social networking account sa kabila ng pamimilit ng pamilya at kaibigan niya. Nagkakasya na lang ang mga ito sa email, messenger at pagtawag sa cellphone. Takot na takot siyang magkabutas ang kontrata. Nasimulan na ang lahat ng plano kaya wala nang urungan ito.

Warrick made it bearable somehow. He made her feel special at kapag magkasama sila ay parang siya ang nag-iisang babae sa mundo. Naipapalimot nito sa kanya ang tungkol sa kasunduan nila.  Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ito. Kung maari lang ay matapos na ang nalalabing dalawang oras sa conference nito. Gusto na niya itong makasama.

Pabalik na sana siya sa hotel nang makita ang isang batang babaeng sa palagay niya ay apat na taon pa lang ang humihikbi ng iyak habang nakaupo sa harap ng tumpok ng buhangin. Cute ito dahil blonde at kulot nitong buhok.

Umuklo siya sa harap nito. "Hey, why are you crying? Where are your parents?"

"They’re with their friends. They told me to just play here. The frisbee hit my castle. They ruined my castle.” Humikbi ito at nalungkot siya nang makita ang kastilyong buhangin nito na natapyasan dahil sa tumamang frisbee at tuluyan nang gumuho. “H-How can I become a real princess if I don't have my castle? Where will my prince visit me?"

Umandar ang natural niyang pagiging mahilig sa mga bata at pinunasan ng panyo ang luha nito. Naalala niya noong bata siya at nabu-bully siya kapag nagtatayo siya ng castle. Wala kasi siyang ibang kalaro na kaedad niya kaya naman napag-iinitan siya ng mga kalaro niya. "Stop crying, my princess. I am your fairy godmother and I'll help you rebuild your castle."

Ngumiti ito at cute pa rin ito kahit kulang ito ng apat na ngipin sa harapan. "Really? You will help me?"

"Of course. So stop crying. As a princess you should always smile." Kinuha niya ang maliit na timba. "Just wait here. I will just fetch some water."

Hindi siya makapaniwala na sa edad niyang ito ay magtatayo pa siya ng sandcastle para sa isang bata. She turned her back to child’s play years ago. Gusto kasi niya ay maging matured agad. Pero isa ito sa mga bagay na nami-miss niya. Sa pagkakataong ito ay may makakatulong na siyang bumuo ng sandcastle at hindi siya na mabu-bully pa.

Hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Bukod sa nami-miss niya ang pagbuo ng sandcastle, natutuwa siya sa kadaldalan ng batang si Aleli. Ano kaya ang magiging anak nila ni Warrick? Kasing daldal kaya nito? May kumurot sa puso niya. Malalaman pa ba niya kundi naman niya masusubaybayan ang paglaki nito?

"Krystinia!"

Nagulat pa siya nang marinig ang boses ni Warrick. Inangat niya ang tingin mula sa pinapatag na buhangin at nakita itong nakapamaywang habang madilim ang mukha sa kanya. Naka-long sleeve polo ito at trousers pa rin. Suot pa nito ang leather shoes nito. Mukhang di ito bagay sa beach kung saan halos walang suot ang mga tao! "Hey!" Tumayo siya at hinalikan ang pisngi nito. "Maaga ka yatang natapos sa conference mo."

"It's already five-thirty. Kalahating oras na kitang hinahanap. Nag-aalala na ako sa iyo,” sabi nitong di maitago ang takot at pag-aalala sa mga mata. Saan naman siya pupunta? Hindi naman niya ito tatakasan.

"Nandito lang ako at tinutulungang gumawa ng sandcastle si Aleli. Nasira kasi ng frisbee ang sandcastle niya. Kawawa naman dahil iyak ng iyak kaya tinulungan ko na."

"May reservation tayo sa floating restaurant para sa dinner."

"Tatapusin ko muna ang sandcastle. Mabuti pa tulungan mo kami na gumawa ng sandcastle." Matamis na ngiti ang ibinigay niya dito. "Please." Minulagatan niya ito ng mata. "Mag-practice ka na sa pagiging daddy."

Bumuntong-hininga ito. "Great."

Akala niya ay lalayasan sila nito pero hinubad nito ang leather shoes at medyas. Nagpakilala ito kay Aleli at sinabing tutulong sa sandcastle nito saka umupo sa buhanginan para ayusin ang porma ng tore nila na gumuguho. Ni hindi nito alintana kung madumihan ng buhangin amg designer clothes nito.

Isa iyon sa mga bagay na di nagawa ng ama niya sa kanya - ang madumihan ang mamahalin nitong damit para makipaglaro sa kanya. Ang totoo ay di niya naalalang nakipaglaro ito sa kanya. Nakadama siya ng kaunting pag-asa na mas maglalaan ito ng panahon sa magiging anak nila. Na hindi ito magiging katulad sa ama niyang walang ibang inisip kundi ang trabaho. Or maybe it was just her. Her father didn't wish for a daughter. Sana ay mahalin ni Warrick ang magiging anak nila babae man ito o lalaki.

"Is he your boyfriend?"

Inangat niya ang tingin mula sa maliit na timba na pinupuno niya ng buhangin sa tanong ni Aleli sa kanya. "No!" tutol agad niya.

"Yes!" nakangisi namang sabi ni Warrick.

Naglabanan sila ng titig ni Warrick. Ano nga ba ang relasyon nila? Siya ang magiging ina ng anak nito. They were also lovers. Pero hindi maiintindihan ng isang inosenteng bata ang komplikadong sitwasyon nila.

"We are friends,” wika niya.

"More than friends,” dagdag ni Warrick.

Nagpatuloy lang sa paghugis ng bakod ng kastilyo si Aleli at hindi napapansin ang tensyong namamagitan sa kanila ni Warrick. "When I grow up, I wanna have a handsome boyfriend, we'll get married, have kids and live in a castle."

A handsome boyfriend, marriage and kids. Pangarap siguro iyon ng kahit sinong normal na babae kasama na siya. Pero iba na ang buhay niya ngayon. May guwapong lalaki sa buhay niya, magkakaroon sila ng anak pero hindi sila magpapakasal at titira sa isang palasyon. She was like a princess, trapped in a castle. At makakawala lang siya doon oras na maisilang niya ang tagapagmana ng prinsipe niya. After that, she would out of their lives.

Maya maya pa ay dumating na ang magulang ni Aleli para sunduin ito. "Aleli, it's time to go. Say goodbye to your friends."

Matapos humalik sa kanila si Aleli ay nagpasalamat ang nanay nito. Nakadama siya ng kurot sa puso dahil di niya makakasama ang magiging anak niya na maglaro gaya ng ginawa nila kanina. Isa iyon sa mga sandaling mami-miss niya.

"Masarap maging bata. Parang di imposibleng matupad ang mga pangarap mo. Mga kastilyo at prinsipe,” sabi niya habang tinatanaw ang pamilya ni Aleli. “Simple lang ang buhay.”

"Ganyan din ba ang pangarap mo noong bata ka?" tanong ni Warrick.

"Oo. Ang maging prinsesa at makatagpo ng prinsipe ko. Pero sa pagtanda mo, nag-iiba ang realidad mo." Wala na siyang pangarap dahil hindi na niya alam kung anong kinabukasang naghihintay sa kanya.

Hinawakan ni Warrick ang siko niya. “Let’s go. Male-late na talaga tayo sa dinner.”

*** Kaya para po sa mga di pa nakakaboto, pakiboto po ang Baby, Be Mine by Sofia under Romance in Filipino/Taglish. Pakikalat din po sa iba. One email lang po kada boto. Hangggang September 10 pa po ang botohan. Push langggg!!!!

http://www.surveygizmo.com/s3/1770191/Filipino-Readers-Choice-Awards-2014-Online-Ballot

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!