Chapter Twenty-Nine

42.7K 763 2

"KRYSTNIA, kaya mo na bang mag-isa sa States? Alam mo naman na iba ang buhay doon. Lahat ikaw ang magtatrabaho. Baka hindi mo kayanin."

Natawa lang siya sa pag-aalala ng mama niya. "Ma, sanay po ako sa gawaing-bahay. Sa palagay ba ninyo sino ang gumagawa ng house chores habang nasa probinsiya ako? Wala naman po akong katulong doon. Sa akin lahat ang trabaho."

Mahigpit na ginagap ng mama niya ang kamay niya. “Parang ayokong payagan kang umalis. Ngayon ka lang nakabalik sa amin.”

"She's a Valdesco. Makakaya niyang mamuhay malayo sa atin. She will survive. And we will survive," puno ng fighting spirit na wika ng papa niya.

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay mas naging matatag sila bilang isang buong pamilya. Lahat sila ay desididong bumangon at magpursige. Hindi man madali pero alam niyang unti-unti nang ibinababa ng pamilya niya ang pride ng mga ito. Sa ganitong pagkakataon ay hindi nila kalaban ang mga taong nanloko sa kapatid niya o sa mga kaibigang tumalikod sa oras ng pangangailangan. Sarili lang nila ang kalaban nila. Kung kakayanin nilang ibaba ang pride nila at mamuhay ng simple para mabuhay.

Pinili nilang iwan na ang dati nilang bahay kahit di pa sila pinapaalis doon. Naglaan si Warrick ng mas maliit na bahay sa isang subdivision para sa kanila. Siya na rin ang may gusto noon dahil ayaw niyang habang malayo siya ay saka pupwersahin ang pamilya niya na umalis sa bahay ng mga ito. Mas gusto niyang ngayon pa lang ay masanay na ang mga ito. Alam niyang mahirap mag-adjust pero masasanay din ang mga ito. Iyon ang magsisilbing inspirasyon nila para lumaban.

"When you come back, I will make sure that everything’s back to normal.” Puno ng optimism ang Kuya Thirdy niya. “Ang totoo gusto ko ang farm. Dati pa naman ako mahilig sa mga halaman dahil laking probinsiya ako. Si Papa lang naman ang gustong mahilig ako sa negosyo. Pumayag si Tito Dante na pag-aralan ko ang pasikot-sikot sa farm. At oras na mahuli ang mga kasamahan ko, mababawi rin natin ang pera natin. Di man ganoon pero sapat na para mabili natin ang farm. Di mo na kailangan pang bumalik sa abroad.”

Mas magaan na ang loob niyang umalis dahil alam niyang nasa maayos na kalagayan ang mga ito. Tama ang desisyon niyang tanggapin ang offer ni Warrick. Kakayanin na niyang harapin ang mga darating na problema.

Nang ihatid siya sa airport ay naroon din si Vernel at naghihintay sa kanya. "Krystinia, gusto ko rin magpaalam. Nandito pa rin ako para tumulong sa pamilya mo. Maaasahan ninyo ako. Basta hihintayin ko pa rin ang pagbabalik mo."

Ginagap niya ang kamay nito. "Maraming salamat kasi mabuti kang kaibigan. Balang-araw maibabalik ko rin ang kabutihan mo."

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Gusto ko lang bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Handa akong maghintay kahit gaano katagal.”

Nakadama siya ng lungkot. Alam kasi niyang di na niya maibabalik pa ang nararamdaman ni Vernel para sa kanya. Pinisil niya ang kamay nito. “Alagaan mo ang sarili mo, Vernel.”

Hindi siya umiyak nang magpaalam sa pamilya niya pero mabigat na mabigat ang loob niya. May kahalo rin iyong takot. Alam niyang pansamantala lang siyang  aalis ng Pilipinas pero parang mag-a-abroad siya. Di rin niya alam kung anong naghihintay na buhay sa kanya. Mas nakakakaba ito kaysa nang humiwalay siya sa pamilya niya noong una. Hindi niya alam kung kaya pa niyang bumalik sa mga ito nang buo ang puso at pagkatao.

Nang pumasok siya sa departure area ng airpor sinalubong agad siya ni Warrick. Madilim agad ang mukha nito. "What?" tanong niya.

"Nagkita kayo ni Agustin.” It was a matter of factly statement. Nilingon niya ang driver ng taxi. Mukhang nakapag-report na ang mata nito dito. “He touched you…”

"Hinawakan ko lang ang kamay ng kaibigan ko. Masama?"

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at hinila siya papasok ng departure area. "Kamay ko na ang hahawakan mo mula ngayon. Hindi mo na kailangang dumepende sa iba. Huwag na huwag kang bibitaw sa akin."

Nakamaang lang siya habang nakasunod dito. Parang sinasabi nitong sila na lang ang magkasama mula ngayon. Sila na lang ang magkakampi. Na hawak nito ang buhay niya.

"Good morning, Sir," malambing na bati ng stewardess pagsampa nila ng eroplano. Sinadyang alalayan ng stewardess si Warrick hanggang sa upuan nito at parang sinadya ng stewardess na iwan siya. Na parang hindi siya kasama ni Warrick.

Maya maya ay bumalik ang stewardess at kung anu-ano ang ino-offer kay Warrick. Pero ipinapasa lang nito ang tanong sa kanya. Kaya sa huli ay siya ang may magazine at newspaper sa harap. At habang nagbabasa siya ay nakikipagtawanan si Warrick sa stewardess na tinawag nitong Stella. Mestiza ang babae, matangkad, mahaba ang kulot na buhok at mahaba rin ang legs. And she was obviously flirting with Warrick and he was flirting back.

"How nice. Ganito pala kaganda ang accommodation nila dito. So this is how it feels to fly first class. Sweet ng mga stewardess,” may halong sarkasmo niyang sabi pero hindi siya nag-abalang lingunin man lang ito.

"Napaghahalatang nagseselos ka. Ibaba mo 'yang kilay mo,” bulong nito at hinawakan ang kilay niya para pumantay sa isa pa niyang kilay.

Nag-init ang tainga. Hindi niya matanggap na gusto niyang sabunutan ang babaeng iyon dahil sa selos. "I am not. Makipagngitian ka at makipag-flirt kung gusto mo."

Saka nagpupuyos siyang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine kahit na wala siyang maintindihan kahit isang salita dahil ang nakikita pa rin niya sa isip niya ang pakikipag-flirt din ni Warrick sa stewardess. Hindi siya nagseselos. Naiinis siya. Sasabi-sabi pa itong kamay lang niya ang hahawakan nito at huwag na siyang magkakainteres sa ibang lalaki. Tapos ito ay sinasadya talagang makipag-flirt sa harap niya. Nakakainis talaga. Wala nga siyang karapatan na magselos pero hindi naman niya mapigilan.

Naiiyak siya sa inis. She didn’t want to feel this way. Bakit ba hindi niya ihinanda ang sarili na maging manhid pagdating kay Warrick? She wanted to think that everything was mechanical when they make love. It won’t involve her emotion. It won’t involve her heart. Pero hindi siya ganoong klaseng babae. At ngayon ay nakikita na niya ang epekto. Nawawalan na rin siya ng kontrol sa nararamdaman niya.

Bumulong ito sa kanya. "Mas sweet ang babae na ayaw makipag-flirt sa ibang lalaki. Na galit kapag pini-flirt ko siya. It's just the two of us now, Krystinnia. No more Vernel. No more Stella. Keep that in mind.”

He cupped her face and kissed her passionately. Nakalimutan na niya ang inis niya dito. Nakalimutan na niya si Stella. Nawala na rin sa isip niya si Vernel. She was aware of Warrick now. Only him. He was kissing her in public and she let him. At wala rin siyang pakialam kung may iba pang makakita.

Pareho silang tumigil nang marinig nilang may tumikhim. Matalim ang mata ni Stella habang nakatingin sa kanila. "Please fasten your seatbelt."

Nag-init ang mukha niya nang makaalis na si Stella. HInampas niya ang braso ni Warrick na ngingiti-ngiti. "Ikaw kasi!"

Tumawa lang ito. "Hindi naman kita narinig na umangal. Must be my fault. I am sorry. Baka hindi  ko napansin na umangal ka."

Iningusan lang niya ito pero di niya maiwasang ngumiti. He was teasing. Alam nitong hindi siya umangal sa halik nito. Pagdating kay Warrick ay di niya kayang humindi.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!